Home Economics Class namin ngayon. Gusto ko ng umuwi. Nagugutom na ako eh.
"Derrick, may pagkain ka?"
"Wala. Gutom ka nanaman?"
"Magtatanong ba ako kung di ako gutom."
Biglang nagsalita yung teacher namin na kanina pa may iniisip.
"Actually, kaya ako tahimik at malalim na iniisip kasi I'm looking for the perfect girl.."
"Ma'am perfect girl? Lesbo na kayo?!" Sabat ng isa kong kaklase.
"Mr. Millares, let me finish ok? I am looking for the perfect girl to fit the leading lady for our upcoming school play next month. Kumpleto na ang cast pero I'm still looking for the perfect lady to fill in the role of Princess Geneva Margareth Cassiopeia ." Ang alam ko lang ay yung story ay sinulat ni Hannah Carson, pinsan ko, 5 years ago. Sabi nila I resemble her daw. Kasi daw, know-it-all and perfect daw kami pareho. Ha. Sige na lang. "I need someone who is beautiful, smart-looking, stubborn at may pagka-sarcastic."
Nagtaas ng kamay si Derrick.
"Yes Derrick."
"Ma'am, I think Eura best fits the character."
Napalingon ako sa kanya. Tinawanan lang niya ako.
"Why do you say so Derrick?"
"The qualities fit her. Especially yung stubborn at sarcastic." Hinampas ko siya. "What? I'm helping you!"
"I was thinking exactly the same thing Derrick. Si Eura ay first choice ko, pero dahil recommended mo. Eura is the leading lady."
"Ma'am, sino po ang leading man?" tanong ni Arianne.
"Kier Delos Santos."
Nanlaki yung mata ko. Sumigaw ako.
"Ma'am! Di po ako papayagan ni Derrick! Si Kier ang leading man eh!"
Napatingin silang lahat sakin.
"Sinong nagsabing di kita papayagan? Sige lang."
Inirapan ko siya. Nagsalita ako ng mahina.
"Humanda ka sakin paguwi natin Derrick."
"Ok."
"Perfect! Sige, me-makeupan kita today. Tapos, your classmates will be the judge." Hinila niya ako patayo at lumabas kami ng classroom. "Arianne, you're in charge. Ok?"
Dinala niya ako sa faculty room. Dun niya ako ginawang clown.
*
Derrick's POV
"Ano kaya gagawin ni Eura sa play? Pano kaya pag nalaman ni Kier na siya yung leading lady? Kailangan bantayan mo yun Derrick!" Umupo sa tabi ko si Kevyn at Arianne. Kasama yung tropa ni Kenneth. Etong tropa ni Kenneth, kalalaking tao mga chismoso.
"Huminga ka muna Arianne. Andun ako Arianne malamang."
"Oh. Araw-araw kang PA ni Eura?"
"Sinong nagsabing PA ako? Head ako ng Lightings Departmentkaya andun ako."
"Oh. Ang bongga naman pala."
Nagusap-usap lang kami hanggang sa dumating na sila.
"Eura. Pumasok ka na!"
"Ma'am! Di ba Princess yung leading role! Eh bat ganto?!"
"I have my own ways Eura. Sige na pumasok ka na!"
Pumasok na siya pero nakatakip yung blazer niya sa mukha niya.
"Hay nako Eura. Tanggalin mo yang blazer mo."
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.