Chapter 3

119 1 0
                                    

Paglabas namin ng clinic, pinagtitinginan kami ng tao. Pano ba naman, may tapal yung ulo ko. Kasi naman yung batong yun. :|

"Pano nga pala yan Eura? May sugat ka. Baka mag-peklat yan."

"Di ko kailangan alalahanin yan Arianne. Andyan si tita."

"Ay oo nga pala. Dermatologist pala tita mo."

Nung nakarating na kami sa student lounge sa may gate, nakita ko si Derrick.

"Derrick!" Lumingon naman siya. "Thank you pala kanina."

Nginitian niya ako. WAIT TOTOO BA TO. Nginitian ako ni Derrick?? I must be dreaming. HAHAHA. Ok ang OA na. "Ayos ka na ba?"

"Ok na ako. Salamat ulit. Sige uwi na ako." Tumalikod na ako para makaalis na. Nagugutom na talaga ako eh.

"Magco-commute ka nanaman?" Sumigaw ulit si Derrick.

Tumingin ako kay Arianne at Kevyn na nakatingin lang sa aming dalawa at sa mga taong natigilan sa sinabi ni Derrick sakin. Saka ako tumingin kay Derrick. "Oo. Bakit?"

"May sugat ka sa ulo mo tapos magco-commute ka."

"Sus. Keri lang yan. Hehe." Nahihiya na ako. Kasi lahat sila nakatingin samin. Pati si manong Guard.

"Baliw ka talaga. Tara na nga." Hinila niya ako palabas sa school.

Ihahatid nanaman niya ako?

Arriane's POV

Pagka-hila ni Derrick kay Eura, naiwan kaming lahat dito sa students lounge na naguguluhan.

"Ano yung nagyari?" Tanong sakin ni Kevyn.

"Di ko din alam eh." Tumingin ako dun sa Sophomore na katabi ko. "Alam mo yung nangyari?"

"Naguguluhan din ako eh." Tulala pa rin siya. Wow, lakas ng impact sa mga tao ng dalawang yun ah.

Eura's POV

Hinihila ko yung kamay ko kay Derrick. "Bitaw na. Kaya ko naman magcommute eh."

"Sino bang nagsabi na ihahatid ulit kita?" Napatigil ako dun at napatingin sa kanya.

>//////<

"W-wala naman akong sinabing ihahatid mo ako ah!"

"Eh bat ka namumula?" Napahawak ako sa mukha ko.

"Di ah! Y-yung dugo! Lalabas na kasi sa sugat ko kaya ganyan! Hehe."

"Abnormal."

"Ay sorry naman sayo. Napakanormal mo kasi."

"Normal talaga ako. Naisip ko nga na tumawag sa bahay niyo para ipasundo ka eh."

"Tumawag ka? Nagpasundo ka?" 

"Oo. At dun kita dadalhin sa kotse nyo. Pilingera ka naman na ihahatid kita."

"Eh bat kasi di mo na lang sinabi kanina na may sundo ako.. edi sana di ko inakala na ihahatid mo ako!"

"Eh gusto kitang magmukhang engot dun eh. Geh." Tapos umalis na siya. Mukha palang engot ha. Panget ka naman.

A/N: Di kaya ang gwapo kaya ni Derrick! :">

Edi ikaw na lang dito. Ako na lang author. :|

De. Ikaw na lang dyan. Haha.

K. Sabi mo eh.

Derrick's POV

Iniwan ko na siya dun. Kaya na siguro nya dun.

"Derrick! Ang bilis mo naman sya ihatid." Akala din pala nila Kevyn hinatid ko yung babaeng yun.

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon