"Can I have this danceee?"
Nagvo-vocalization ako ngayon.
Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale..
Shit. Kinakabahan ako. As in super!
Ngayon na yung stage play. Andito ako ngayon sa dressing room ko at inaayusan ako ng dalawa kong kaklase. Kanina pa nila pinapagaan yung loob ko pero waepek! Kinakabahan talaga ako!
"Ayan tapos na. Ang ganda mo teh!" natapos na sila sa mga ginawa nilang kung ano-anong anek-anek sakin.
"Lalabas muna kami para makapag-relax ka."
"Sige. Salamat!" Lumabas na silang dalawa ng room. Ano namang gagawin ko? Pag sobrang tahimik nga lalo akong kinakabahan eh.
*knock knock*
May pumasok sa loob ng room. Bastos no? Dalawang katok lang. Di ko pa nga pinapapasok eh pumasok na. Tsk tsk. Mga kabataan nga naman ngayon.
Nilingon ko kung sino yung pumasok. Si Derrick pala.
"Bakit ka andito? Di ka ba kelangan dun?"
"Actually kailangan ako dun. Eh pinilit nila ako na puntahan ka dito."
"Bakit daw?"
"Pakalmahin daw kita." Natawa naman ako dun. "Kinakabahan ka ba?"
"Oo. Sobra." Huminga ako ng malalim.
Lumapit siya sakin at nilahad yung kamay nya sa harap ko. Nagtaka ako kung bakit.
"Bakit?"
"Basta kunin mo na lang."
Humawak ako sa kamay nya at tumayo. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit? Ang panget ko ba?"
"Hindi naman. Medyo lang."
Binitawan ko yung kamay nya at kunwari uupo na. Pero syempre kunwari lang yun. Hahaha!
Hinila nya ulit yung kamay ko at niyakap ako. Nagulat ako syempre! Alam ko nagpapaamo ako pero di ko ine-expect na yayakapin nya ako.
"Kahit naman anong itsura mo, maganda ka. Sumobra nga lang ngayon." Binulong nya yan sa tenga ko.
Di ako nakasagot. Kinilig ako eh! Haha. Napangiti lang ako. Buti na lang.. Buti na lang may Derrick ako. :">
"Thank you Derrick."
Humiwalay na ako sa kanya at tiningnan ko din siya head to foot. Uy ang gwaping! Naka-sibilyan kasi sya, magaling pumorma to no!
"Feeling better now?"
"Medyo. Pero kinakabahan talaga ako!"
"Isipin mo rehearsal lang to."
"Eh naka-costume na ako! Iba na to!"
"Edi dress rehearsal. Tanga ka parin talaga Eura."
"Pssh. Sorry naman ha."
Inirapan ko sya.
Ngumiti siya. Tss. Pangiti-ngiti na lang to. Kapal ng mukha.
Hinawakan nya yung baba ko at tinapat yung mukha ko sa mukha nya. Oh my. Pampalakas loob ba itey? Haha! Nilapit niya yung mukha nya sakin. Ako naman? Pakipot effect syempre. De joke. Haha! Syempre sanay na ako dito no! Lagi ka ba naman halikan ng isang Derrick De Mesa! Tingnan natin kung di ka magfeeling nasa heaven. Haha!
*knock knock*
AY? Naudlot! Bwiset!
Binitawan nya yung baba ko at tumingin sa baba. Napatingin ako dun sa pumasok, yung kaklase ko na head ng acting department.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
JugendliteraturMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.