Chapter 6

106 1 0
                                    

"Arranged kami."

O___O

"Uso pa pala yun?"

"Siguro sa rich families."

"EH BAT KAYO PUMAYAG?" Nakakabingi tong dalawang to!

"Ano ba yan, kanina pa kayo sigaw ng sigaw." Naiirita na ata si Derrick.

"EH KASI NAMAN.. AYAW PA ITULOY YUNG KWENTO!"

"Eh pano kami magkekwento eh sigaw ka ng sigaw?" Kalmado lang ako na nagsasalita.

"Nagkwento na kami ah. Yun lang naman yung nangyari eh." Oo nga naman.

Tulala lang yung dalawa.

"Kelan kayo ikakasal?" Dahil sa tanong na yun ni Kevyn, natigil ang mundo ng classroom namin. Nagmistulang mga statwa na nakatingin samin ni Derrick.

Parang di ko ata kayang sabihin. Tumingin ako kay Derrick na nakatingin din pala sakin.

"Ikaw na magsabi." Sabi ko sa kanya. EH kasi naman po. Nahihiya si Eura. >///<

"Nahihiya ka ba?"

"Di ah." Dedeny ka pa eh totoo naman.

Nag-smirk lang siya sakin. Halata ba na nahihiya ako?

"Pagka-21 pa namin."

"Dapat nga after 18 years old eh. Eh ayoko pa."

"Ayoko din naman eh." MAS LALONG AYOKO SAYO DERRICK.

Napatingin sila Arianne sa kamay namin. Bumulong siya kay Kevyn. Hinigit ni Arianne yung kamay ko tapos si Kevyn naman hinigit yung kamay ni Derrick.

"SINGSING BA TO?" Sabay pa sila. HALA KAYO. Lagot kayo sa pilosopong si Derrick.

"Hindi. Kwintas yan." Napatawa na lang ako. Sabi ko na nga ba eh.

"Sapakin ko kaya tong asawa mo Eura." Natatawa ako kay Arianne. BV agad eh.

"Sapakin mo. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin."

Pagkasabi ko nun, kinurot ako ni Derrick. Medyo masakit. Medyo lang. Pero gusto ko i-exxage. >:)

"ARAYYYY! Ang sakit nun!" Hinihimas ko pa yung braso ko.

"Arte naman nito. Hina lang nun eh." Sungit talaga.

"Sige ka Derrick. Kurutin mo yan, di kayo magkakaanak!" Sigaw ng isang random classmate.

O___O ---> Derrick

>////< -----> Eura

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Ang saya saya naman ni Arianne at Kevyn.

"Saya niyo naman."

"Birthday na birthday ko binubully niyo ako." Mahilig ako magdrama eh. Bakit ba? >:)

"Speaking of birthday mo..." may tinuro sakin si Arianne.

Lumingon ako sa may pinto. PAKSHET.

"Hi Eura. Happy Birthday. Pwede ka ba makausap?" Nandun siya sa pinto. May hawak na teddy bear at chocolates.

Si Kier Delos Santos. Close friend ko dati. Kaso nagconfess siya ng feelings niya sakin. Naging awkward lahat. Kasi feeling niya kami na nung pagka-confess niya sakin.

Tumingin ako kay Derrick. Nagsi-signal ako sa kanya na wag ako payagan makipagusap kay Kier.

"Sige lang. Makipagusap ka."

POTEK. SABI KO WAG AKO PAYAGAN EH.

Tumayo ako at lumabas. ASDFGHJKL;!! Ano sasabihin ko dito?

"Bakit?" mag-tunog Cold ka Eura.

"Happy Birthday." Tapos inabot niya sakin yung teddy bear at chocolates. Tatanggapin ko ba?

Tumingin ako sa loob ng room at nakita ko si Derrick na nakatingin sakin.

Derrick's POV

Pinayagan ko nga si Eura na makipagusap kahit na yung tingin niya sakin kanina ay wag ko siya payagan.

Bat kaya ayaw makipagusap ni Eura dun? Alam ko may gusto si Kier kay Eura. Pero ewan ko yung susunod na details. DI NAMAN KASI AKO CHISMOSO.

"Bakit mo sila tinititigan? Selos ka no?"

Tumingin ako kay Arianne pagkasabi niya nun.

"Masama bang tumingin ng walang dahilan?"

"Sabi ko nga. Bagay ba sila?"

Ganto ba talaga ka-chismosa si Arianne?

"Hindi."

Nakangiti si Arianne ng nakakaloko, pati si Kevyn.

"Alagaan mo si Eura ha?" Nanaman?

"Arianne, ang dami ko ng pinangakuan na aalagaan ko si Eura. Di mo na kailangan sabihin."

"WEH? Kanina ka nagsabi nun? HAHAHA. Kwento naman dyan!"

"Mangaagaw ka ng bestfriend Arianne!"

"Nagpapakwento lang ako eh. Nangagaw na agad."

"Para kayong mga bata." Pero nakakatuwa tong dalawang to.

"Osige. Magkwento ka na. Si tita ba nagsabi sayo? Sinabi ba nya na alagaan mo si Eura?"

"Oo."

"OO LANG SASABIHIN MO?"

"May iba pa ba akong sasabihin? Eh ikaw na nga nagsabi ng dapat kong sasabihin eh."

"Eh bat sabi mo ang dami mong pinangakuan? Barbs ka!"

"Madami nga! Parents ni Eura. Parents ko. Ikaw..." napatigil ako saglit. "..sarili ko."

"AWWW ANG SWEET!!"

"Tol. Proud ako sayo." Pinat pa ni Kevyn yung likod ko.

"Tss."

Eura's POV

Tinanggap ko yung binigay niya sakin. Kahiya naman kung di ko tatanggapin.

"Bakit ka pumayag?"

"Na ano?"

"Magpakasal."

"Wala ka na dun."

"Alam ko arranged lang kayo. Wag niyo na itago."

"Sino bang nagsabi sayo na tinatago namin? Alam naman ng lahat na arranged kami."

"Bakit di mo sinabi sakin yung tungkol dito?"

"Tungkol saan?"

"Sa pagpapakasal? Edi sana kinuha na kita."

AY T#$^%INA ANG KAPAL NG MUKHA.

"Bakit naman ako magpapakuha sayo? Kaano ano ba kita?"

Sorry ha. Ganto talaga personality ko eh.

"Pano na ako Eura?"

"Ano gagawin ko sayo?"

"Pano na tayo?"

WOW MAY KAMI PALA.

"Wow naman. Saang lupalop naman ng brain cells mo nakuha yan?" Di siya nagsalita. Siguro ako na dapat ang tumapos ng usapan na to. "Look Kier. Listen to me. Walang tayo. At never na magkakaron ng tayo. Ok?"

Binalik ko sa kanya yung teddy bear at chocolates. Haba ng hair ko para mag-walk out eh.

Bumalik ako sa classroom at umupo sa tabi ni Derrick.

"Ano nangyari?"

Tumingin ako sa kanya.

"Naiinis ako kay Kier."

"Bakit?"

"Ang drama. Kung ano ano sinabi."

"Yaan mo na. Sa susunod di na kita papayagan kausapin yun."

Si Derrick ba talaga tong kausap ko?

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon