"Eura, is it true na pera lang ang habol sayo ni Derrick?"
Napatigil ako sa paglalakad. Ano daw yun? Lumingon ako at humarap sa kanila.
Ngumiti ako ng napakatamis. "Sino yung huling nagtanong?"
Nagsalita yung babaeng medyo maliit na naka-make-up.
"Ako!" Ang saya pa niya. Akala niya natutuwa ako sa kanya.
Nung nakita ko kung sino yung nagsalita, nawala yung ngiti ko. Napalitan ng mga titig na kung nakakamatay lang ang titig, matagal ka ng patay. Natahimik silang lahat, nawala din yung mga flash ng camera na kanina ko pa tinatakasan. Lumapit ako sa kanya.
"So Miss..." tinaas ko yung ID niya para tingnan yung pangalan niya. "..Nika Mijares. A Sophomore. I see that you are the Associate Editor ng Tabloid."
Tiningnan ko siya. Lumunok siya. Kabado ka teh? Kanina lang ang tapang tapang mo eh. Halata sa mata niya na kabado na siya.
"Miss Nika Mijares, alam ko na trabaho mo ang manghalungkat ng mga sikreto ng mga tao na nagaaral sa school na to. But spare me. Wag mo ako isama."
Naglakad na ako paalis.
"Pero di mo pa sinasagot yung tanong ko!"
Aangal pa tong puset na to.
"Gusto mo ng honest na sagot?" Tumango siya. "Hindi mo siya kilala para sabihan siya na habol lang niya ay pera at lalong hindi niyo.." tumingin ako sa iba pang staff ng tabloid pero tumingin agad ako sa puset na to. "..ako kilala para intrigahin ako. Hindi mo siya kaano-ano para gawan ng chismis. Do not interfere with my or his personal life or I will interfere with your life forever. Naiintindihan mo ba Mijares?"
"Pero trabaho lang to.. Ate Eura."
"Unang una, wag mo akong tawaging Ate Eura. Kanina lang ang angas mo eh. Ngayon ate na tawag mo, we're not close. At pangalawa, trabaho mo ang mang-intrude ng personal na buhay ng bawat tao? Well that's so nice! Private investigator ka na pala ngayon? Akala ko Associate Editor ka lang."
"Wag mong nilalang-lang ang pagiging AE ko!"
PUSET KA TALAGA.
"Baka nakakalimutan mong ako ang dating Editor-In-Chief ng school paper na nagpaganda ng reputation ng Paper Staff sa school. Ay sabagay, bago ka lang pala. Wala kang alam sa nangyari noon."
Nag-chuckle siya. Wow. WOW LANG.
"Kung magaling ka lang kasi sana di ka tinanggal, edi sana ikaw parin ang EIC."
Na-surprise ako. TOTOO. WALANG JOKE.
"Akala ko pa naman magaling ka Mijares, nagkamali pala ako." Aalis na sana ako kaso hinila niya yung buhok ko. ANO TO? MINI-TIFFANY?!
"Watch it Nika Mijares!"
"Watch your words Dominguez. Wag mo akong minamaliit."
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Fiksi RemajaMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.