Chapter 15

92 1 0
                                    

Bakit nga ba ayoko sa kanya?

"Eh kasi ang kulit. Nung umamin siya sakin about his.. Ah yun nga.. Naging clingy masyado. Akala niya siguro kami na."

"Ayaw mo nun. Instant boyfriend."

"Instant boyfriend? Eh ano ka? Instant fiancee."

"Nasama nanaman ako."

*bzzt bzzt* *bzzt bzzt*

May natawag. Sino kaya to?

"Sino to? Kung manghihingi ka ng abuloy sa patay, pasensya na wala akong pera."

"Ang dami mo nanamang sinabi pinsan ko!"

"Sa dinami-dami ng pamilya sa dalawa kong angkan mahuhulaan ko ba kung sinong pinsan ka?"

"Adik. Kuya Dex mo to."

Si Kuya Dex. Pinsan ko na 3rd year college sa isang magandang university. 

"Oh.. nagbago ka ng number?"

"Hindi. Nakitawag lang ako. Naubusan ako ng load eh. Ano yung tinext mo kanina? Di ko maintindihan."

"Ikaw? Naubusan ng load? Bago yun ah! Wala ng naglo-load sayong chicks?"

"Mabait naman ako ah! Di kaya ako chickboy. Bat ka nga tumawag?"

"Sige sabi mo eh. Wala ka na bang klase? Punta ka sa bahay. Kung wala kang gagawin. Please."

"Let me guess, may ipapapasa ka nanamang form?"

"Yes. Please naman. Ang gwapo mo naman eh."

Napatingin sakin si Derrick nung sinabi ko yun. Chismoso to.

"Sige sige. Tapos na klase ko eh. Nakauwi ka na ba?"

"Pauwi pa lang.. Ay! Sa Hamilton Hill ka pumunta ha."

"Hamilton Hill?! Eh taga Presidents Villa ka ah! Lumipat na kayo? Di man lang sinabi ni tita sakin."

Di alam ni Kuya Dex? Bakit di nila alam? Hindi pinapaalam nila Mom at Dad?

"Ay.. di mo ba alam?"

"Anong di ko alam? Anong meron Eura?"

"Ah.. Basta. Malalaman mo mamaya. Ite-text ko sayo yung address. Dun ka pumunta ha."

"Ok sige. May kutob ako tungkol dyan sa paglipat mo ng bahay."

"Sige.. I'll see you later."

Cinut ko na yung call. Tinext ko na sa kanya yung address ng bahay namin.

"Sino yun?"

"Alin?"

"Yung kausap mo na gwapo?"

"Ahh. Makikilala mo mamaya."

"Baka naman mas gwapo pa ako dun?"

"Hindi ah. Ako na nagsasabi sayo, taob ka dun."

"Edi dun ka na lang sa gwapo na pupunta sa bahay mamaya. Baka ex mo yun. Naaay. Di ka pala NBSB."

"Bitter much? Ang kulit. NBSB kaya ako. Ikaw lang ang sumira sa record ko."

"Ikaw din naman sumira sa record ko eh."

Nagsisisi ako at dumadami ang sinasabi ni Derrick.

"Pst."

"Ano?"

Mang-aasar nanaman to. :|

"Wag ka sasama kay Kier ha."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pero napangiti din ako agad. 

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon