If you are below 13, skip this chapter nalang! Medyo... Di pwede sa inyo tong chapter na to.
Thank you! :D
----
Ang init naman. Di ko naman hininaan aircon ko kagabi ah. At bakit ang tigas ng unan ko? As far as I know wala akong matigas na unan. At bakit may nakapatong sa katawan ko? Ang dami ko ng tanong, nagtataka lang talaga ako Oh hell. Bakit may muscles yung unan ko? Kelan pa ako nagpabili ng machete na unan?
Unti-unti kong minulat yung mata ko para masagot yung mga katanungan ko. Pagkamulat ko, bumulaga sakin ang mala-anghel na mukha ni Derrick.
I swear I could look at this view forever.
Wait... OH MY GOD.
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!"
Napabangon siya sa sobrang lakas ng tili ko.
"BAKIT BA?!"
"BAKIT AKO NANDITO?!"
Tiningnan niya ako. Tapos tinawanan ako.
"You begged me."
"Begged you what?"
"Nakiusap ka na dito ka matulog. Gusto mo pa nga tabi tayo eh."
Kumunot yung noo ko. Naalala ko na.
"Ah. Oo nga pala." Tumingin ako sa kanya. "EH BAT KA NAKAHUBAD?!"
"Mainit eh."
Tiningnan ko yung sarili ko. Tumingin ako sa sahig.
"BAKIT NASA SAHIG YUNG JACKET KO?!"
Kung nagtataka kayo kung sinong tanga ang nagjajacket pag tulog. Isa lang isasagot ko. Ako yun.
"Di mo ba naalala?"
"Naalala ang alin?!"
OH MY GOD. OH MY GOD. OH MY GOD. OH MY GOD. This can't be happening. OH MY GOD. OH MY GOD. OH MY GOD. Bigla siyang tumawa.
"Natatawa ako sayo. Masyado kang worried."
"Did-- did you use.. protection?"
"Did I use what?" Tumawa siya ng tumawa. Literal na LOL. "Eura.. Alam kong meron ka. Bat kita gagalawin? Hahaha."
"Eh.. what exactly happened? Sabihin mo na kasi ng di ako nagju-jump into conclusions!"
"Tinanggal mo yung jacket mo. Sabi mo kasi ang init."
Derrick's Flashback
Tinabig ni Eura yung kamay ko. Ano ba to? Tulog ba to? Umupo siya tapos ---
"EURA? ANO BANG GINAGAWA MO?!"
"Ang init eh." Tinanggal niya yung jacket niya. Pasensya na. Balat kalabaw tong soon-to-be-wife ko eh. Pero di pa nakontento! Pati yung sando niya gusto tanggalin!
"EURA TAMA NA."
Pinigilan ko siya bago pa niya tuluyang tanggalan ng saplot yung katawan niya.
*End of flashback
"Ano naalala mo na?"
Umiling ako.
"Wala ako maalala."
Nag-ring yung cellphone niya. Pagkatingin niya sa phone niya, lumungkot yung mukha niya. Di ko na tatanungin kung bakit. Sigurado ako sasabihin niyan, "Pakealam mo?". Kaya wag na lang.
"Maligo ka na. Magbihis ka ng maayos. Aalis tayo."
"San tayo pupunta?"
"Sumunod ka na lang."
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.