Chapter 22

92 1 1
                                    

Kanina ko pa hinihiling na sana traffic papunta sa school. Alam mo yung feeling na naka-suot ka ng wedding dress? Siguro sa ibang girls, they'll feel giddy-giddy. Pero sakin, iba eh. Kasi.. alam ko sa sarili ko na someday magsusuot ako ng ganto. I mean, alam ko lahat naman ng mga babae alam na magsusuot sila ng ganto. Pero yung akin, alam ko kung kanino at kelan. Diba creepy for a teenager like me?

"Hoy teh. Baba na aba. Kanina ka pa nagde-daydream dyan."

"Ha? Di ah. Tara na nga."

"Sus di daw. Eh yung isip mo nasa Atlantis na."

"Pfft. Tara na nga."

Habang naglalakad kami papasok sa school, daldal ng daldal si Arianne.

"Ang ingay mo Arianne!"

"Naiintindihan mo ba sinasabi ko, ha?"

"Di nga ako nakikinig eh. Ano ba sabi mo?"

 "Haaay nako. Di ka pala nakikinig, sayang laway ko. Anyway, as I was saying. Makinig ka naman!"

"Makikinig na ako."

"Ayokong tumatabi sayo eh. Ang taas na nga ng heels ko di parin kita ma-reach! Tapos nag-heels ka pa, mas lalong di kita ma-reach!"

"Ano ba height mo?"

"5'6 lang ako teh. Di ako tulad mong 5'8. Higante ka eh."

"Kung higante ako, ano pa si Derrick?"

"Ano ba height ng asawa mo?"

"Matakot ka nga sa sinasabi mo. 5'10 yun. 5'8 lang din si Kevyn."

"Mga higante kayo. Oh.. Ayan pala si Derrick sa Students Lounge. Uuuy, inaantay ka."

Pagkakita ko kay Derrick, tumalikod ako para umalis na hangga't maaga pa. Pero nahila ako agad ni Arianne. Waepek ang pagtakas mo Eura!

"Tatakas ka pa eh nakita ka na."

Nasa likod ko na pala si Derrick. Unti-unti akong lumingon.

"Ay.. Hi!"

Naka-Barong siya. Ang gwapo nga eh.

"Ano Derrick? Ayos ba makeover ko?"

Tiningnan ako ni Derrick. Parang ine-examine yung mukha ko.

"Parang wala namang nangyari."

Tinaasan ko siya ng kilay. So ano gusto niyang sabihin? Na ang panget ko at di umeepek ang makeup sakin?

"Ibig sabihin nun, di mo na kailangan ng makeup. Maganda ka na. Tara na." Nilagay niya yung kamay ko sa braso niya tapos naglakad na kami papunta sa classroom namin.

"Ang haba ng buhok ni Eura.. Ingat ha baka matapakan! Tulungan niyo na nga lang ako magbuhat ng buhok niya!!"

Madami naman naki-ride sa trip ni Arianne. Meron silang buhat buhat na imaginary hair ko daw.

Habang naglalakad kami, di maiiwasan na di kami pagtinginan.

"Oh, akala ko matagal pa kasal?"

"Tanga, costume nila yan."

May mga comments talaga ang mga tao sa school na to na di ko alam kung tatawanan ko ba o babatukan ko.

"Oh wow. Parang mali ata yung kasama mo Derrick. I think that should be me."

May puset!

"Tiffany ang aga aga."

"Bakit Derrick? Sabi mo nung bata pa tayo, papakasalan mo ako?"

Nabanggit ko bang childhood friends si Tiffany at Derrick?

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon