@ School.
Alam niyo bang ayoko na mag-aral. Sobrang tinatamad na talaga ako.
Tulad nga ng sinabi ko dati.. ayoko ng Math.
"Dominguez. 29/30."
Sayang. Di pa na-perfect eh.
"De Mesa. 30/30. Good job Derrick."
Tiningnan ako ni Derrick.
"Bat ka nakatingin?"
"Perfect ako."
Yung tono niya eh nangaasar pa.
"Nang-aasar ka ba?"
"Hindi naman. Medyo lang."
"Di naman ako naaasar."
"At least ako walang mali sa Math quiz."
"Ang yabang mo De Mesa. Physics na lang.. ano?"
Napatahimik siya. MWAHAHA. Akala niya magpapatalo ako sa kanya. Papangalanan ba akong Reyna ng Physics kung bobo ako dun.
"Mayabang ka."
"Sino nauna?"
"Eura and Derrick. Ano ba. Kanina pa kayo nag-aasaran ah."
Binelatan ko lang siya tapos humarap na sa teacher. Ang yabang eh. Haha.
*RRRRIIINGGGG*
Lunch na. Yeheyyy.
"Nag-aasaran nanaman kayo?" tanong ni Arianne.
"Si Derrick kasi."
"Anong ako?" sumagot nanaman si kokey.
"Oh ano? Ako nanaman?"
"Bat ba kayo nag-aasaran?" si Kevyn naman ang nagtanong.
"Ang yabang kasi.. Porket perfect siya sa Math."
"Nagaasaran pa kayo? Eh ang susunod na score kay Eura ay 22 na ata. Di pa ba kayo kontento?"
"Ang dami mong sinabi. Ako kontento na. Ewan ko dito sa ISA. Gusto ata ng laban. Sakto.. may long quiz pa naman sa Physics tsaka Economics mamaya."
Tumingin ako kay Derrick. Mang-aasar ka pa ha. >:)
"Tara na nga!"
Bumaba na sila ni Kevyn. Sumunod na kami ni Arianne.
"AY!"
Napatigil ako sa paglalakad. Napatigil din sila.
"Bakit?"
"Una na pala kayo sa canteen. May kukunin lang ako sa Registrar."
Umalis na sila. Pumunta ako sa Registrar's Office para kunin yung recommendation form ko sa isang university na ina-applyan ko.
Papunta na sana ako sa canteen ng may humarang sakin.
"Well.. di lang ako pumasok naglandi ka na agad."
"Urgh Tiffany Chua. Ano ba kailangan mo?"
"Kailangan ko lang kunin kung alin ang dating akin."
Napaisip ako. Ano bang kinuha ko dito?
"Kung di ba naman tanga.. Si Derrick ang kinukuha ni Tiff!" Sigaw ng isa nyang hoodlum.
"Hoy hoodlum. Wag kang sasabat. Di ka kausap."
Inirapan ako nung hoodlum. Panget mo naman.
"Narinig mo naman ang sinabi ni Jewel.."
"Sino si Jewel?"
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Roman pour AdolescentsMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.