May cast na ang My Bittersweet Lover! Sa wakas at nahalughog ko na ang brain cells ko ng pwedeng maging portrayer ng characters. :)
---
"Euraaaaa babyyyy. Gising na!"
Ang aga naman mangbulabog ni Arianne. -____-
"Arianne. It's Saturday.. tsaka.." tumingin ako sa relo ko "..7AM pa lang. Patulugin mo muna ako."
"Eh ngayon na kasal mo eh. Gumising ka na."
Napabangon naman ako agad sa sinabi niya... nag-loading ng konti.
"Arianne naman eh! Walang mga ganung biro."
Humiga ulit ako tapos pumikit ulit. Bahala siya. Kung ano man kailangan niya di ako babangon.
"Ah sige. Wait lang. Kukuha lang ako ng tubig."
Napabangon ulit ako sa sinabi niya. Baka buhusan nanaman ulit ako ng tubig neto eh.
"Eto na. Gising na ako. Bakit ba?" may kasamang kamot pa ng ulo yun. HUY wala kong kuto. Sadyang inaantok pa ako. Late na ako natulog kagabi eh.
"Andyan kasi sila Kevyn at Derrick. Di ba nga ngayon na kayo lilipat?"
"Oh. Kumain muna kayo sa baba. Inaantok pa talaga ako."
"Eura namaaaan." Hinihila na niya ako. "Pag di ka pa bumangon diyan.. Promise, kukuha na talaga ako ng tubig."
Tumayo na ako.
"Eto na gising na ako!"
Dumiretso muna ako sa cr.
"Hoy! Ano gagawin mo dyan?"
"Baka matutulog sa cr. Magto-toothbrush Arianne! Wag kang ma-paranoid!"
"Eh kasi naman.. baka takasan mo ako."
"Arianne, san ako tatakas dito? Magto-toothbrush nga lang ako."
Pagkatapos ko, lumabas na ako tapos nagsuklay.
"Tara na."
"Ang dami mo namang box na dadalhin."
"Ang dami kong gamit eh."
"Lahat talaga dinala mo na?"
"Sabi ni Derrick lahat daw eh."
Binuksan ko na yung pinto.
"Teka!!!"
"Ano nanaman Arianne?"
"Di ka man lang magbibihis?"
"Di na. Tara na."
Nakat-shirt lang kasi ako tapos maiksing shorts. Eh ano ngayon? Sila lang naman yun.
Bumaba na kami. Inaantok pa talaga ako. Kasi naman bakit ang aga.
Andun si Derrick at Kevyn. Nakaupo silang dalawa sa sofa tapos tumitingin ng photo albums.
"Hoy, chismoso kayo. Bakit ang aga niyo dito?" Umupo ako dun sa isahang upuan.
"Eh maaga daw kayo umalis eh, para daw maaga kayo makapagayos sa bahay niyo." May spokesman pala tong si Derrick eh.
"Eh bat kasama pa kayong dalawa?" Tiningnan ko si Arianne at Kevyn.
"Eh syempre gusto namin makita yung bahay niyo eh!"
"Mas excited pa kayong dalawa eh." Pumikit ulit ako tapos tinakip ko sa mukha ko yung unan.
"Batugan to Derrick eh. Pasensya na ha."
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.