Warning: Kinda PG-13.
----------
"Eura.. Sigurado ka bang ok ka lang?"
Lumabas ako ng cubicle at ngumiti kay Arianne.
"Oo naman. May nakain lang siguro akong di maganda."
"Sigurado ka? Ang pale mo, nahihilo ka tapos nagsusuka ka. Pumunta ka na kaya ng clinic."
"Di na. Abala lang ako sa mga nurse."
"Kaya nga sila nandyan para abalahin eh. Ok ka na?"
"Ok na ako...Shit.. Wait!"
Pumasok ulit ako dun sa cubicle, para magsuka. NANAMAN. Nung paglabas ko, nakapamewang si Arianne at nakataas ang isang kilay.
"Bakit?"
"Eura umamin ka nga. Buntis ka ba?"
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
"D-di ko alam!"
Nanlaki din yung mata niya.
"ANONG DI MO ALAM?! JUSKO EURA!! SINUKO NIYO NA ANG BATAAN?!"
2 weeks na ang nakakalipas simula nung.. nung tabi kami matulog. Nagising ako na... topless siya at nasa sahig yung jacket ko. Pero siya nagsabi na... nothing happened. And meron ako nun! So wala talagang nangyari!!
"WALANG NANGYARI! ANO KA BA!"
"AYUSIN MO KASI SAGOT MO! TARA NA! ANDYAN NA YUNG ADVISER NATING DRAGON!"
"Sige wait. Magpupulbo lang ako."
"MAGPUPULBO KA PA EH ANG PUTLA MO NA NGA? ANO TO HALLOWEEN PARTY NA? HAY NAKO EURA!"
"Ok ok. Di na! Tara na nga. Init nanaman ng ulo mo eh."
"Eh iniistress mo ako eh! Sheesh! Ang aga ko magkaka-wrinkles nyan eh!"
"Over naman to."
Lumabas na kami ng cr tapos pumunta na sa classroom. Dada ng dada tong si Arianne.
"Huy! Wag ka ngang maingay!"
"Eh ikaw kasi!"
Pagpasok namin sa classroom, wala yung teacher namin sa classroom. Buti na lang. Ayaw nun ng pakalat-kalat kami sa corridor eh. Umupo na ako sa upuan ko, which is katabi ni Derrick.
"Ano nangyari sayo?"
"Anong nangyari sakin??"
"Nagsuka ka nanaman?"
"Hindi ah!"
"Bakit ang putla mo?"
"Ha? Ah.. Eh.. Nag-foundation kasi ako! Oo, nagfoundation ako. Effective no?"
"Ganon? Edi Happy Foundation day sayo."
Sasabat sana ako kaso dumating na yung teacher namin.
"Pasalamat ka may teacher na. Kundi baka nasigawan kita."
"Salamat."
Jeez. Ang sungit nanaman.
"Ok class. Settle down. I have a special announcement to make."
Ano kaya yun? Suspended ang classes? Nasusunog yung office ng principal? Umapaw yung pool? ANOOOO PAKIBILISAN.
"Announcement of Top 10 for the first quarter."
Feeling ko magsusuka ulit ako. Sobrang kinakabahan ako sa mga ganyang bagay. Ang higpit ng competition betweem me and Derrick.
Habang inaannounce yung mga nasa Top 10, unti unti din akong nalalagutan ng hininga. OK ANG OA. Haha.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.