Chapter 2

143 1 0
                                    

HInila ko yung kamay ko. Ang awkward kasi eh. Tiningnan niya lang ako.

"Umuwi ka na. Kaya ko na to." Nakakahiya nama kasi.

"Ok." Tumalikod na siya. Ay aalis nga. Pft, ano pa ba ine-expect mo. Naglakad na ako. Ang dilim. Mamaw. Sana walang mamaw dito. Waah. Bata pa po ako para ma-rape. AHH. Bat ko ba siya pinaalis. Ajujuju.

"Pst." O__O Wala yun. Palaka lang yun. Lalalala. Eura tandaan mo, pinagaral ka ng tatay mo ng Karate tsaka Taekwondo marunong ka magself-defense. Kaya mong bugbugin yang rapist na yan.

May humila sa kamay ko. O_O Hala anong gagawin ko. Sisigaw ba ako.. o bugbugin ko na ba to?

"AAAAH! RAPEEE! RAPE!" Nag-panic ako eh. Tumili na lang ako.

"Huy ano ba. Ang ingay mo." Tiningnan ko yung rapist.

"DERRICK?"

"Baliw ka eh. Pinaalis mo ako. Sabi mo kaya mo na. Tapos may humawak lang sayo rape na agad."

"Eh kasi..." HALA. "Baka naman rapist ka talaga! Wag Derrick. Wala ka mapapala sakin. Huhuhu."

"Rape ka dyan. Saksakin kaya kita."

"Sabi ko nga di ka rapist."

"Ang ingay mo. Tara na nga." Hinila na naman niya ako.

----

Matapos ang ilang minuto ng hilahan at panisan ng laway, nakarating na kami sa bahay namin.

"Salamat sa paghatid. Gusto mo pahatid kita?"

"Di na." Tapos umalis na siya. Naiwan ako na nakatayo sa labas ng bahay namin.

"Derrick!" Lumingon siya. "Thanks!" Nag-Ok sign lang siya tapos umalis na siya. Pumasok na ako. Pagbukas ko ng gate, nakita ko yung mga maids namin na nakakumpol sa isang sulok. Ay.. ano to? Hahaha.

"Anong ginagawa niyo dyan?" Tapos sumilip ako sa loob ng bahay. Baka may magnanakaw na eh.

"Uy si Eura. May boyfriend na. Hahaha."

"Boyfriend kayo dyan? Pauso niyo ha!"

"Sino yun? Ang gwapo ha."

"Si Derrick. Kaklase ko."

"Bat ka hinatid?"

"Kasi daw gabi na."

"Eh nasan si Arianne?"

"Ewan dun. Nakipag-date ata. Iniwan ako."

"Tapos kayo naman yung nag-date?" Nag ngitian sila. May mga asawa ba talaga tong mga to. Alam ko isa lang ang single sa kanila eh. Hahaha.

"Mga pauso niyo. Pakawalan ko kaya si Stanley para habulin kayo!" Si Stanley yung German Sheperd namin na ang laki-laki.

Pumasok na sila. Ano ba yan napagod ako. Kakalakad siyempre. Ang haba ba naman ng nilakad namin eh.

---

Next Day.

Birthday ko na sa isang araw. At di ako worried sa mga mangyayari. Di tulad nung sweet 16th party ni Arianne. Stressed na stressed kami sa preparations.

Pagpasok ko sa school, good mood pa ako. Pero pagpasok ko sa classroom, bad mood na ako. Lahat sila nagsilabasan nung dumating na ako. Alam kasi nila kung paano ako magalit eh. May nakasulat kasi sa whiteboard na "Eura Ysabel Dominguez is a big fat flirt." tapos may pictures galing kahapon. San nila nakuha yun? Wala naman akong naaalalang flash kagabi. Haha. Nakakainis ah.

Lumabas ako. Yung mga kaklase ko, kulang na lang hilahin ng pader sa sobrang dikit nila. Natatakot pa rin sila sakin?

"Sinong may gawa nito?" Walang sumasagot. "Sinong may gawa?!"

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon