Eto po yung totoong Chapter 26. Na-upload lang yung isa by accident. Sorry! :)
---
"All bilingual or multilngual students, please proceed to the Common Hall."
(A/N: Di naman halatang potterhead ang author ng storyang to no? Hahaha.)
Ang Common Hall ay ang hall na pinagmi-meetingan ng mga estudyante. Iba to sa Prefect Hall, ang prefect hall ay for confidential meetings lang. Diyan nagme-meeting ang SC. I swear, pinsan ata ni J.K. Rowling ang founder ng school na to. Haha.
Tumayo kami ni Arianne. Sumama na din sila Derrick at Kevyn.
"Sa Gryffindor common room ba?" tanong ko kay Arianne.
"Hindi. Sa Slytherin!" Slytherin kasi tong si Arianne. Ewan ko ba. Patay na patay kay Draco Malfoy.
"Potterheads." Bulong nila Kevyn at Derrick sa likod.
*
"Is everyone already here?"
Walang sumagot. Syempre, alam ba namin kung sino pa marunong ng alien language dito.
Kinausap kami na ngayon daw ang International Students Viewing Day. Ang ISVD ay ang pagbubukas ng school for international students. Madami daw dadating na foreigners kaya walang klase! Hahaha. Pero kailangan kami dito ngayon, para kausapin tong mga porenjer na to.
"Who among you are multilingual?"
Nagtaas ako ng kamay. Not for boasting. Tinanong niya eh!
"Oh well then, Ms. Dominguez. You have a big role today."
"A big what?"
"Role. As you can see, ikaw lang ang multilingual sa school na to." Lumingon ako sa mga nasa paligid ko. Ako lang ang nakataas ang kamay. "What languages can you speak?"
"Uhh. Kailangan ko ba talaga sabihin?"
"Ano ba sinabi ko Ms. Dominguez?"
"Sabi ko nga." Huminga muna ako bago ako nagsalita. "Chinese, Korean, Japanese, French, German, Italian, Thai, Polish and Greek."
"Parseltongue." bulong sakin ni Arianne. Tumawa na lang ako ng mahina.
Nakanganga yung mga estudyante pati yung principal.
"How come you know Greek?!"
Ako pa tinanong nito. Tanungin mo psychotic parents ko!
"I don't know. I just.. learned it when I was young."
"What else can you do besides being multilingual."
"Ma'am, magsusulat po ba kayo ng autobiography ko? Bakit po kailangan niyo pa malaman? Can we please proceed to whatever ang ipapagawa niyo samin."
Natawa yung mga estudyante. Eh kasi naman, taga Daily Prophet ba to?
*
Binging-bingi na ako sa kung mga foreign words. Nagkakandaloko-loko na din yung utak ko. Maya-maya may kakausap sakin na Hapon, tapos may dadating na Chinese, susunod ang mga French. Aruy ang sakit sa ulo. Nagtatago na nga ako para lang wala ng kumausap sakin pero may kumakausap pa din sakin.
Dumating sila Kenneth.
"Oh iced tea. Kanina ka pa daldal ng daldal dyan. Pati kami nahihilo sa mga sinasabi mo."
Kinuha ko yung iced tea.
"Thanks."
Kakaupo ko lang may lumapit na agad sakin.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
أدب المراهقينMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.