Chapter 29

116 0 0
                                    

 UPDATE. Pasensya na po sa soooobrang tagal na update. Ang daming activities sa school. Tsaka ang daming hindrance! Anyway, magu-update na ako ngayon. Sana yung mga readers ko andyan padin. :D Tsaka pabibilisin ko na story nito, kaso ang dami pang mangyayari kaya baka medyo matagal pa to. So.. eto na! Enjoy! :D

Derrick's POV

Bago ata to ah, di pa gising si Eura. Wala pa kaming almusal. Makapag-cereal na nga lang. Kumuha ako ng cereal at milk tapos umupo sa dining table.

Habang kumakain ako, bumaba si Eura. Muntik ko ng ibuga yung cereal ko nung nakita ko siya.

"Bakit ka nakatitig sakin?" Tanong ni Eura sakin na halatang wala pa sa mood.

"Wala. Bakit? Masama?"

"Di naman." Lumapit siya sakin tapos kinuha yung kutsara ko at sumubo sa cereal ko. Lalo akong di makagalaw nung lumapit siya sakin.

"Ano ba? Naiilang na ako. Bakit ba?"

"Bakit ba kasi ganyan itsura mo?" Kasi naman, naka-polo shirt siya na puti na naka-unbutton yung dalawang butones sa taas, tapos maiksing short. At yung buhok niya, ang gulo. Parang... parang kakatapos lang ... Ok alam nyo na naiisip ko.

"Eh kasi naman kung tinatawagan mo na yung gagawa ng aircon sa kwarto ko, edi sana matino suot ko ngayon."

"Ganyan na lang suot mo araw-araw, masaya pa ako."

"Alam kong sasaya ka, manyak ka eh."

Umakyat siya sa kwarto niya. Naligo na ata. Alam mo naman yun balat-kalabaw, ayaw sa mainit.

 Eura's POV

Maya-maya bumalik na ako sa sala. Naligo na ako at nakalimutan ko na may lalaki nga pala akong kasama dito na may pake. -___-

"Ano ok na?"

"Oo. Salamat!" Umupo ako sa upuan, ilang inches lang ang layo sa kanya.

"Ang boring talaga."

"Sobra." Humiga ako sa may tuhod niya. "Ano bang pwedeng gawin?"

"Kukutuhan na lang kita." Hinalukay niya yung buhok ko. Tapos kunwari nagtitiris. Mahilig to sa kuto no?

"Halungkatin mo nga yung mga dvd na dinala ni Kuya Dex dito nung isang araw."

May mga dinala kasi si Kuya Dex na mga dvd nung isang araw. Eh di naman namin nahalungkat kasi busy kami nung araw na yun. Dinala niya yung mga dvd sa tabi ko. Nagtingin kami ng mga dvd.

"Pano ko kukunin eh nakahiga ka?"

"Kaya mo yan. Si superman ka diba?"

"Alam ko. Pero napapagod din si superman kaya bumangon ka muna." Bumangon muna ako. Kinuha niya yung mga dvd at nilagay sa tabi ko. Namili kami ng pwedeng panuorin. Eh halos naman lahat to napanood na namin.

"Eto na lang di ko pa napapanood eh." Pinakita ko sa kanya yung dvd.

"Ako din eh. Ano yan na lang?" Tumango ako. Napagkasunduan namin na manood na lang ng... Love and Other Drugs. May mga naririnig ako na medyo inappropriate tong movie na to. Pero ano bang alam ko, di ko pa napapanood eh.

Umupo na siya sa tabi ko. Wag na mag popcorn! Haha!

Nag-start na yung movie. Ang pogi pogi talaga ni Papa Jake. :">  Humiga siya sa balikat ko. Sa totoo lang di ko talaga alam kung ano mangyayari sa movie na to.

*Bandang kalagitnaan ng movie*

FCK. Sabi ko na nga ba inappropriate tong movie na to eh! Biglang umupo ng maayos si Derrick. Sobrang ayos. Tinitigan ko siya, tapos lumayo siya sakin. Nagtataka ako bakit to lumalayo sakin... Saka ko lang naisip na, LALAKI nga pala siya! Lumayo din ako sa kanya, nasa magkabilang dulo kami ng sofa. Parang di magkakilala.

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon