Chapter 23

98 1 1
                                    

At dahil natuwa ako sa first ever na nag-comment sa story na to, nag-update ako! I-dedicate this chapter to you! :*

Medyo Halloween Special to. :D

----

"Derrick! Buksan mo na kasi to!"

Binuksan niya yung pinto niya. Bumulaga sakin ang irritated na Derrick.

"Saglit nga lang kasi! Bakit ba? At bakit naka-wedding dress ka pa din? Nilulubos mo?"

"Tanga hindi. Kaya ako nandito kasi magpapatulong ako!"

"Papatulong ng ano?"

"Patanggal nung lock sa likod. Haha." Tumalikod ako sa kanya.

"Di mo ba kaya?"

"Magpapatulong ba ako kung kaya ko?"

Tinanggal niya yung lock sa likod ng gown ko.

"Pati yung zipper, please."

"Minamanyak mo ba sarili mo?"

"Ano?! Di kaya! Pinapatanggal ko lang eh! Nasty mind you have there, huh."

"Tss."

Binaba niya yung zipper hanggang sa waist ko.

"Tha--"

"Bakit wala kang bra?!"

WHAT THE HELL.

"Pati ba nama yun pakekealaman mo?"

"Eh bakit nga wala?!"

"Kasi po may foam yung gown. Di na kailangan mag-bra. Di mo ba naisip yun?"

"Ano bang alam ko dyan? Lalaki ako. Bumaba ka na pagkabihis mo."

"Yeah right."

Pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis. Naghilamos ako tapos nilugay na yung buhok ko.

*

"Oh ngayon? Ano na gagawin natin?" Mukhang bored na bored na tong kasama ko.

Nagiisip kami ng gagawin namin ngayon. Friday night, wala kaming gala. Siguro pagod kami kaya di namin naisipan gumala.

"Movies?"

"Anong movie?"

"Kahit ano."

"Horror na lang."

"ANO? AYOKO!"

"Eh ano gusto mo? Chick flicks? Mag-isa ka."

Tumayo siya para umakyat. Pero pinigilan ko siya.

"Di na di na. Isip ka kasi ng iba! Yung magugustuhan ko!"

Umupo na siya sa tabi ko.

"Mag-isip ka din ng magugustuhan ko!"

Nag-isip ako ng pwedeng gawin para makapag-decide ng movie na papanoorin namin.

"Alam ko na!"

"Ano? Dapat matino yan ha!"

"Oo matino to! Hanoi tower tayo! Ang manalo siya magde-decide ng papanoorin. Hindi pwedeng mag-complain ang loser!"

"Ako pa hinamon mo dyan. Go."

Kinuha ko yung Hanoi Tower ko sa kwarto ko.

"Game. 15 moves? Ang pinakamablis ang panalo."

"Geh. Ikaw mauna."

Inorasan niya ako. Gumana ka utak.

"Ha! 15 moves yun! Ilang seconds?"

"Seconds ka dyan. Inabot ka kaya ng 1min and 15 secs."

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon