Chapter 13

102 1 0
                                    

Hello readers! Ginanahan lang mag-update. :D

----

Eura's POV

After namin kumain, inakyat namin yung mga box para makapag-ayos na. Kulang na lang eh murahin ako ni Derrick sa sobrang dami ng gamit ko eh.

"Madami pa ba? P@#a! Pagod na ako."

"Kaya mo yan. Superman ka naman eh. Man of steel."

"Sige mangbola ka. Di effective yan ngayon Eura. Pagod na ako."

Bakit kasi di na lang sabihin! Ang dami pang sinasabi.

"Edi tigilan mo! Pagod ka na pala eh!"

Tutulong tulong tapos magrereklamo. Bwiset! Kanina pa ako iniinis nito eh.

(A/N: PMS ka Eura?)

Oo ata. CHE WAG KA MAGULO! :|

Bubuhatin ko na sana yung box kaso pinigilan ako ni Derrick.

"Ano nanaman ba?"

"Galit ka nanaman eh!"

"Umakyat ka na! Wag mo na ako tulungan dito kung pagod ka na!"

PMS nga ata to. Pero sobra namang PMS to. Bakit ganto.

"Sige sabi mo eh. Wag kang magrereklamo na pagod ka na ha!"

"TALAGA!"

Umakyat na siya. Gago talaga to. Walang puso. Sarap lumayas sa bahay na to eh.

"Bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng makaranas nito, ako pa? Nakakainis." Binuhat ko na yung mga gamit ko. Naiiyak na ako. Sa sobrang awa sa sarili ko. I look like a damsel in distress. Abandoned wife. "Puta ang drama ko. Pero di ako iiyak. Siya lang iiyakan ko? Swerte niya ha." Napatingin ako sa pinto ng kwarto niya bago pumasok sa kwarto ko. SARAP SIPAIN NG PINTO MO!

"P@ny#ta."

Minsan lang ako magmura. Pag sobrang inis ko na talaga.

Derrick's POV

Medyo nainis na ako kay Eura. Kanina pa laging galit eh. Ang hirap intindihin.

Pinapakinggan ko lang siya sa gilid ng hagdan. Di naman niya ako kita dito. Sumilip ako sa kanya. Pinagpatong niya yung dalawang kahon tapos nagsalita siya.

"Bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng makaranas nito, ako pa? Nakakainis." tapos binuhat niya. Ang lakas naman nito.

Umakyat na siya sa hagdan, nagtago na ako sa loob ng kwarto ko. Narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Puta ang drama ko. Pero di ako iiyak. Siya lang iiyakan ko? Swerte niya ha." 

Nakita ko na tumingin siya sa kwarto ko bago siya pumasok sa kwarto niya. Nasilip ko dito sa may gilid. Haha.

"P@ny#ta."

Tama ba yung narinig ko? Nag-mura si Eura? Alam ng lahat na di nagmu-mura si Eura, unless sobrang inis o galit siya.

Nako-konsensya naman ako sa ginawa ko sa kanya. Pano ba ako magso-sorry dito?

Eura's POV

8:00 PM 

Sa sobrang inis ko, mabilis ko natapos yung paga-akyat ng mga gamit. Natapos ko na ding ayusin yung gamit ko. Ang bilis ko kumilos ngayon eh. Bakit kaya?

*knock knock*

Sino pa ba ang kakatok sa pinto ko kundi si kokey. Kokey na itatawag ko sa kanya simula ngayon. Pero sakin lang yun, wag kayo maingay ha.

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon