Days later..
Niyaya na agad ako ni Derrick umuwi after ng Physics exam. Last subject kasi yun. Pumayag naman na ako kasi inaantok na din ako.
Dire-diretso lang siya. Lumagpas na nga siya sa sakayan ng tricycle eh.
"Derrick! Lagpas na tayo sa sakayan ng tricycle oh!"
"Sumakay ka kung gusto mo."
Ay sungit.
"Bat ka badtrip?"
"Wala."
"Wala? Sigurado ka ba?"
Tumigil siya tapos humarap sakin. Nakasimangot.
"Bakit ba kasi Physics ang may pinakamalaking unit?! Pwede namang Math na lang!"
Tumalikod ulit siya at naglakad. Tumakbo na ako para makasabay sa kanya.
"So.. Physics lang ang problema mo?" Di siya sumagot. "Ano ka ba! Physics lang yan tsaka 1st Quarter pa lang naman."
"First quarter pa nga lang. Pero dungis ng card ko nun."
"Asa namang dumungis card mo. Ako din naman nahirapan sa Math eh. In fact, muntik na akong sumuko sa pagsasagot. Pero nagpapaaepekto ba ako? Hindi naman ah."
"Di naman kasi ako tulad mo!"
"Then.. try!"
Tumigil ulit siya at tumingin sakin.
"Wag mo ako igaya sayo. Lahat na lang ng bagay tinatawanan mo. Hindi ka marunong mag-seryoso."
"Ok, that's it. Tinutulungan lang naman kita eh. Oo lahat tinatawanan ko, nginingitian ko lang na parang wala lang sakin. Pero wag mong sabihin na hindi ako nagse-seryoso kasi di mo ako kilala! Kung tingin mo ay pwede mo na akong husgahan dahil nakatira na tayo sa iisang bahay, nagkakamali ka."
Nakakainis. Lagi na lang ba ako ang mali? Bakit ba lagi siyang ganyan. Wala ng araw na di kami nag-away. Simula ng nangyari tong lintek na kasunduan na to, lagi na lang kaming nagaaway. Himala na lang kung di niya ako aawayin at pagsasalitaan ng kung ano ano. Minsan nagbibing-bingihan na lang ako. Iniisip ko na lang na this is for my parents. I decided to be a total slave for the sake of the company.
Inunahan ko na siya maglakad. Bwiset, badtrip na rin ako ngayon at trip ko na ding maglakad pauwi.
"Eura.." Hinila niya yung braso ko.
Hinila ko din yung braso ko at humarap sa kanya.
"You know, I would like to stay and chat but you're a total asshole so I'm off."
Umalis na ako at naglakad na. Lumalabas ang Amerikanang ugali ko. May dugo din akong American at tumira ako sa California for 1 year. 1 year is enough for me to adapt to their lifestyle.
Napagod na ako maglakad. Sumakay na ako ng tricycle.
Pagdating ko sa bahay umakyat na ako agad. Di ako nagugutom. Bahala siya magutom.
Sobrang naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko at sinundan ko pa siya. Sana sumakay na lang ako edi sana di ako nababadtrip ng ganto. Akala ko pa naman may kasama na ako. Yun pala.. ganun din. Lonely pa din ako sa bahay. Nakakulong ulit sa kwarto. Wala ng ibang ginawa kundi humarap sa gadgets. Haaaay buhay.
Wala pa din si Derrick. Baka naglakad talaga. Bahala siya, malaki na siya. Kaya na niya sarli niya. Matutulog muna ako.
---
After two hours, nagising na ako.
Chineck ko agad yung cellphone ko. May 3 text.
Isa galing kay Arianne: "Ano nangyari sa inyo? Nagaway nanaman daw kayo? Spill it na French fries."
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.