Chapter 5

111 1 0
                                    

LATE NA AKOOOO!

Birthday na birthday ko late ako. Pano ba naman, anong oras na ako nakatulog. 2AM na ata. Kasi naman yung magulang ko, ang dami pang pinakita sakin na regalo nila sakin. Ang dami nga. -____-

Tapos paggising ko ng mga 6:10AM, WALA NA SILA. Hinayupak nga naman oh! Pagkatapos ako ipagkasundo sa isang lalaki, iiwan nanaman ako. HA HA HA. Natatawa ako. :|

At dahil 6:10 na ako nagising, eto ako at late na. Tumatakbo papunta sa gym. Flag ceremony pa kasi.

Ang bigat pa ng dala ko. Bobo kasi! Ngayon ko pa naisipan dalhin yung PE uniform ko tsaka swimwear. Tapos yung lintek na jersey pa. Edi ang bigat ng bag ko.

Nakarating na din ako sa wakas sa gym. Pumila ako sa likod kasi medyo late na ako. AY. Kahit naman pala di ako late dito din ako pipila. Ang tangkad ko kasi. Haha.

Pagtingin ko sa gilid ko, si Derrick pala yung katabi ko.

Nahiya naman ako bigla. >////<

"Bakit late ka?" Tumingin ako sa kanya.

"Ako ba?"

"Hindi. Yung nasa harap mo." Ay pilosopo. "Oo, ikaw. Bat ka late?"

"Late na kasi ako nakatulog. Late na din ako nagising."

"Kaya pala mukha kang panda."

Panda? Anong panda? Kinuha ko yung pocket mirror sa bulsa ko.

FUDGEEE! Ang lalim ng eyebags ko! Anyway, cute parin naman ang mga panda. Edi cute ako. =))

After ng mga usual seremonyas ng flag ceremony, umakyat yung principal namin for a special announcement. Suspended kaya classes? May nakick-out? Bakit kaya? Minsan lang kasi to magsalita sa harap ng student body. Madalas eh yung SC President yung messenger nya.

"Good morning." Wow naman. Ang laki talaga ng boses ng matandang dalaga na to. May inannounce siya na kung ano-ano. Akala ko tapos na.. pero may pahabol pa pala. "..and in behalf of the administration and faculty, I would like to congratulate the engagement of Derrick De Mesa and Eura Ysabel Domingeuz." WHAT? ANO DAW?

Tahimik ang gym dahil lahat sila nakatingin saming dalawa. Napatingin na lang ako kay Derrick. Nakatingin lang din siya sakin. PANO NILA NALAMAN?

Maya-maya pinabalik na kami sa classroom. Tahimik lang kaming dalawa ni Derrick na naglalakad. Gusto ko magtanong sa kanya at alam ko na gusto niya din ako kausapin. Pero walang nangunguna sa amin na makipagusap. Una na kaya ako magsalita?

"Akin na nga yan." Kinuha niya yung bag ko. Ay oo nga pala mabigat yun. Nakalimutan ko na yung kabigatan nun eh. "Bakit ang dami mong dala?"

"Di ko kasi nadala yung jersey at PE uniform ko nung isang araw."

Tapos tahimik ulit kami.

"Bat mo sinabi?" Nagsalita ulit si Derrick.

"Alin?"

"Yung sa engagement."

"Di ako nagsabi. Late nga ako diba?" Adik to, pagbintangan ba ako.

"Eh sino nagsabi?"

"Ewan ko. Baka ikaw."

"Namimintang ka ba?" Medyo masungit pa yung tono niya.

"Hindi. Ikaw nga nauna mamintang eh." Totoo naman diba? Siya nauna?

"Nagtatanong lang ako kanina."

"Oh edi nagtatanong lang din ako."

Tapos tahimik na ulit kami. Ang galing ng usapan namin.

Ang bagal pala namin maglakad. Kasi pagdating namin sa classroom andun na silang lahat. At ang mga mata nila ay halatang nagaabang sila ng chika mula sa amin. 

Pagpunta namin sa upuan namin, nilagay lang niya yung bag ko sa upuan ko tapos umupo na kami pareho. Di kami nagpapansinan. Ang awkward kasi. -___-

Maya-maya kinalabit niya ako. Lumingon naman ako syempre.

"Happy Birthday." Napangiti ulit ako dun. Siya pa lang kasi yung unang tao na bumati sakin dito sa school. Except sa gm ni Arianne kaninang umaga.

"Thanks." :)

"ANO BA YAN DI MAN LANG NAGKEKWENTO!" Sabay na pumasok si Arianne at Kevyn sa classroom. Nagulat naman ako sa dalawang yun.

"Huy teh. Ingay." Umupo sila sa harap namin.

"AY EURA!! HAPPY BIRTHDAYYY!" Ang lakas talaga ng boses nitong si Arianne. Tapos may binigay siya sa akin na maliit na box.

"THANKS BESTFRIEND! Ano to?" Binuksan ko yung box.

O___O

"Arianne.. Seryoso ka?"

"Mukha bang hindi? Di mo ba nagustuhan?" Tapos nagpa-awa face pa.

"ANO KA BA! Syempre nagustuhan ko!" Tapos niyakap ko siya. Kasi yung regalo niya sakin ay yung eiffel tower pendant from Paris na gustong-gusto ko na idagdag sa charm bracelet ko.

"EH. Mamaya na yan. Magkwento muna kayo." Singit ni Kevyn sa cheesy moment namin ni Arianne.

"Ay oo nga. KWENTO." Naging seryoso yung mukha nila Arianne at Kevyn. Nanahimik din yung mga kaklase ko. Makikinig tong mga to syempre.

"Baka dumating na si Ma'am." Iwas ko sa tanong nila.

"May meeting sila, walang teachers." SC President kasi si Arianne.

OK. Walang kawala. Tumingin ako kay Derrick.

"Ikaw na magkwento. Ikaw lalaki eh."

"Bat ako pa? Ikaw na."

"ANO BA YAN. Nakakatampo ka naman teh." Nagtatampo talaga si Arianne.

"Sorry. Kagabi lang kasi nangyari lahat. Edi di ko na nasabi sayo kagabi. Tsaka dapat ikekwento ko sayo ngayon. Gusto ko sana ikaw yung unang makakaalam. Kaso naunahan ako nung principal. Ewan ko nga kung san niya nalaman yun."

"Ikaw naman Derrick. Tol naman! Di mo sinabi sakin! Magpopropose ka na pala. Alam mo bang mahalaga na dapat andun ako? Ouch yung tol! Ouch." Nagdadrama naman tong si Kevyn.

"Ang drama mo Kevyn. Hindi kami. At lalong di ako nagpropose. Ayoko pa kaya magpakasal."

"Ang bata pa namin para magpakasal no."

"ANO DAW? EH PANO..." sabay na sabi nila Kevyn at Arianne.

"Arranged kami."

O____O

Ganyan ang mukha ng lahat ng tao sa classroom namin pagkasabi ni Derrick nung salitang yun.

HAHAHA. Gusto kong tumawa ng malakas.

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon