Chapter 30

507 7 0
                                        

Selena's POV

Nagising ako na wala na akong katabi.
Hindi ko ininda ang sakit ng katawan ko at nagsuot ako ng kung anong damit at short niya na nakita ko sa closet niya. Bumaba ako agad at nakasalubong ko si Nanay Berta.

"Magandang umaga, Selena." Bati niya sakin.

"Magandang umaga din po. Nasan po si CJ?" Tanong ko.

Narinig niya kaya kami kagabi?

"Nasa bahay mo. Dumating kasi sina Sir Kyle para tulungan siyang mag-ayos doon at para narin kumuha ng mga gagamitin mo dito habang hindi pa nila tapos doon." Sagot niya.

"Salamat po." Tugon ko.

"Maiwan muna kita at magdadala pa ako ng miryenda ng mga bata sa pinyahan. Kumain ka na." Aniya.

Gusto kong lumabas para tignan ang sitwasyon sa bahay pero hindi ko kaya. Hirap akong maglakad. Halos hindi ako makakain nang maayos dahil naiisip ko ang nangyari samin kagabi.

Malapit na palang mag 10:00 ng umaga. Pinilit kong kalimutan muna ang mga naiisip ko para matapos na akong kumain. Nasa gitna ako ng pag-kain nang may yumakap sakin sa likod at hinalikan ako sa pisngi. Amoy palang niya, nagbabalik ng alaala ng nangyari.

"Good morning." Bulong niya.

Hindi ako nakasagot nang nakarinig ako ng mga halakhak.

"Yieh! Dami niyong drama ibabahay lang pala ang ending." Tukso ni Mico. Akala ko si Kyle lang ang kasama ni CJ pero nandito pala silang lahat.

"Tama!" Sigaw ni Coleen.

Nilapitan sila ni CJ at inabot ang tablet niya kay Coleen.
"Ikaw na mag-order krengkreng." Sabi niya.

"Alam mo ikaw, tigilan mo nga 'ko sa krengkreng na yan." Reklamo niya pero sumunod naman siya.

Tumayo ako at hinugasan ang mga pinagkainan ko. Dapat magpanggap ako na hindi ako nahihirapang maglakad.

"So, bro. Do you have any idea kung sinong gumawa nun kay Selena?" Dinig ko na tanong ni Kyle.

"Wala. Pero sigurado akong parehong tao ang nasa likod ng gumawa nun sa pumatay sa natagpuang lalaki na may nakasulat na pangalan ni Lorraine sa katawan niya." Sagot niya.

Totoo kaya?

Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Coleen.

"Ano namang motibo nila para gawin yun kay Lorry?" Tanong naman ni Mico.

"Siguro may atraso ang pamilya ko sakanila." Sagot ko.

"But knowing Don Leandro and Doña Olivia, wala silang kaaway bukod sa mga Zamora." Komento ni Coleen.

"Maybe you're right. It could be mom." Pagsang-ayon ni CJ.

"What? Why would you think tita Elaine would do that?" Pagalinlangan ni Kyle.

"She might be threatened sa pagbabalik ng tagapag-mana." Sagot ni CJ.

"Iniisip ba niya na patayin ako para hindi ko makuha ang mana ko?" Tanong ko.

"That could be the scenario, Lorry." Sagot sakin ni Mico.

"If that's the case, you should be safe all the time." Sabi ni Kyle.

"Ako nang bahala kay Selena. Call Irina at papuntahin niyo dito." Utos ni CJ.

"Noted. Ako na ang tatawag sa kanya." Pagprisinta ni Mico.

"Makikita ko na naman ang rude girl na yan." Reklamo ni Coleen.

"Sino si Irina?" Tanong ko.

"She's our friend. She's an undercover investigator for us but she's in abroad." Sagot ni Kyle.

Kaibigan din kaya siya ni Samantha?

_______________________________________

Linggo ngayon at nagbibihis kami para sa pagpunta namin sa simbahan.
Inaayosan ko ngayon ang mga bata at excited sila dahil lalabas kami. Pinili naman ni Nanay Berta na umuwi sa karatig bayan sa kanyang pamilya dahil ngayon ang day off niya.

"Konti nalang po." Pagbaby-talk ko kay Lala na kanina ma naiinip sa bagbibihis ko sakanya. Itinatali ko ang buhok niya nang naglililikot. Si Maymay, kanina pa siya nakaayos.

"Tara na." Balita ni CJ pagkalabas niya nang kwarto.

Napakaliwanag ng ngiti niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Hunawak siya sa bewang ko at bumulong.
"Wala pa ako sa langit pero may anghel na."

"Yieeh! Si Tatay naiinlove!" Tukso ng dalawa.

"Kayo, alam niyo yang mga ganyan ang bata-bata niyo pa." Dipensa naman niya. "Tara na." Dugtong niya.

Ako lang 'to.

Nakasuot ako ng sleeveless na lilac dress, beige flat sandals at sling bag. Nilugay ko ang kulot kong buhok at nagtali ako ng puting ribbon.

Pinagtitinginan kami sa loob ng simbahan. Akala siguro nila mag-asawa kami ni CJ at anak namin 'tong dalawang cute na bata.

Matapos ang simba, kumain kami sa pinakamalapit na restaurant tsaka ipinasyal namin sila sa park. Sobrang natuwa ang magkapatid kaya masaya na rin kami.

Nakikita ko na magiging isang mabuting ama si CJ sa magiging sarili niyang anak. Nakikita ko palang sa paano niya tratuhin ng parang sarili niya ang mga batang ito kahit hindi kaano-ano.

Nakakain na kami ng hapunan nang umuwi si Nanay Berta. Kaya makakkapagpahinga narin kami sa pagaalaga.

Nagpapatuyo ako ng buhok nang tumabi sakin si CJ.

"Bukas na yung retreat natin." Paalala niya.

"Pero may recognition pa sa school diba?" Tanong ko.

"Oo but it's okay not to attend. Mabobored lang naman tayo dun." Sagot niya. Kinuha niya ang blower mula sakin at siya ang nagpatuyo ng buhok ko.

"Lorraine." Tawag niya sakin.

"Hmmm?" Tugon ko.

"Hindi pa ba bumalik ang ala-ala mo?" Tanong niya out of the blue.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Gumawa nalang tayo ng bago." Suggestion niya.

"Tayo?" Tanong ko.

"Tayo." Sagot niya.

_______________________________________

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon