"Utang na loob, Lorraine! Can't you just stop pretending na hindi mo alam!? Anak siya ng kriminal!" puot ang bumalot sa apat na sulok ng silid.
"Mom, I know but I can't afford to loose him. Please!" pagmamakaawa niya. Isang matandang lalaki ang sumilip sa pinto.
"Ano nalang ang ipapakain sayo ng lalaking 'yon? Nakaw? Bayad sa pagpatay? Use your brain! For pete's sake."
"Lolo, please help me..." pagmamakaawa ng dalaga.
Tumunog ang telepono at agad sinagot ng ginang.
______________________________________
Isang buwan ulit ang dumaan pero usual routine lang ang nangyayari sa buhay ko. Bahay - school - tambayan. Wala pading paramdam si Lance at hindi ko padin alam kung saan ako magsisimula sa pagbawi sa yaman ni Lolo.
"Lorry, tara na sa tambayan. Nandun na si Coleen." aya ni Mico nang magkasalubong kami sa hallway malapit sa main building.
"Susunod nalang ako. May meeting pa ako sa History Booth." sabi ko. October na kasi at sa susunod na lingoo ay foundation week ng Legarda-Jimenez University. Sa bawat department ay may kanya-kanyang theme at ang saamin ay History. Hindi ko lang alam sa ibang dept. kung anong napagpasyahan nilang theme.
Tumango lang si Mico at tumungo na siya sa parking lot. Agad naman akong sumunod pagkatapos ang meeting.
Hindi naman kami natagalan sa pagdidiskusyon.
Nang makababa ako sa kotse ay rinig ko ang tawanan at palakpakan sa loob. Ano kayang meron?
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad saakin si Lala at May-may na nakabihis ng magagandang gown.
Nang mapansin nila ako ay agad silang sumalubong at yumakap sa bewang ko si May-may at sa hita ko naman si Lala.
Binuhat ko ang bunso at hinila naman ako ng panganay tungo sa sala.
Tukso na naman ang inabot sa dalawang mokong.
"Wife material pareng CJ!" niyuyugyog niya katabi niyang si CJ.
"Bagay ah... Gusto niyo bang siyang maging nanay?" gatong naman ni Kyle. Humiyaw naman ang dalawa at natawa kaming lahat.
Binababa ko si Lala at umupo ako sa stall sa dining table.
"Anong meron at na bihis sila?" tanong ko habang binubuksan ang mga pagkain na nasa harap ko.
"Sa isang araw na kasi yung birthday party ni May-may. Alam mo naman ang bunso nakikibirthday din." pagpapaalala ni Kyle.
Buti nalang at may oras pa pala akong bumili ng regalo para sakanila.
"Pinadala na kasi agad ng pinsan ko 'tong pinatahi namin na damit nila kaya heto at sinusukat nila." pagpapaliwanag ni Coleen.
"May pinsan ka palang designer?" tanong ko.
"Oo, nasa Turkey kasi dun yung susunod nilang fashion show." sagot niya.
"Anyway, anong pakulo niyo sa booth niyo?" pagiiba ng topic ni CJ.
"Ewan ko sa Dahlia na yun. Moral support lang maaambag ko dun." sagot ni Mico - MassCom.
"Sa department namin, concert booth daw." balita naman ni Kyle - Engineering.
Maganda yun ah.
"Kami naman, History booth. We'll showcase LJU's story tsaka kunting pakulo." pagbabahagi ko.
"Food fare, as usual sa HRM. Wala man lang upgrade. Kayo CJ?" inis na sagot ni Coleen - Hotel and Restaurant Management.
"Financial Support?" patanong na sagot nito ay nakipag-apir kay Mico.
Bahala kayo.
Sa mga araw na nagdaan, sobrang nakakapagod physically. Doon palang sa pagpapatayo ng booth ay nauubos na ang lakas ko. Mayroon pa akong gagawing posters, presentation, booklet at hindi ko nadin maalala yung iba.
Dahil nga sa financial at moral supporter nga daw ang dalawa, kaya lagi silang nandito samin nakatambay.
Tumutulong sila dito pero sa sarili nilang booth eh hindi nila magawa.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Ficción GeneralCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
