"...Mom and Dad, this is for you. Also, hon thank you for coming just to witness my, I mean our victory. I love you." sabi ko sa dulo ng speech ko at nagflying kiss ako kay Lance na nasa baba kasama ang mga magulang ko.
Dito na matatapos ang yugto ng buhay ko bilang isang Senior High School. Nakakalungkot na hindi na kami magsasabay na gumraduate ni Lance.
But indeed I am happy na nakadalo siya at okay na siya.
That matters the most.Nagpalakpakan ang mga tao at nakipagshake hands na ako sa mga teachers at sa dean at sa mga mahahalagang tao na nasa stage tsaka ako bumaba at yumakap sa mga mahal ko sa buhay.
Nagtapos ako sa Senior High School na bitbit ang titulo na with highest honor.
Sobrang bait talaga ng Panginoon dahil sa kabila ng matindi naming pinagdaanan bilang magkasintahan, hindi Niya kami pinabayaan.This is it.
Nakipagpicture muna ako sa mga kaklase ko at sa mga kaibigan ko bago ako lumapit kay Lance na nasa likod ng crowd. Alam kong hindi niya kayang makipagsiksikan sa mga tao dahil sa sugat niya dahil sa surgery.
Kaya naman nilapitan ko siya.
Agad niya akong hinalikan nang marahan at inabot sakin ang hawak niyng bulaklak."Congratulations, hon." ngisi niya sakin.
"Thank you, my inspiration." sagot ko.
Nakita ko siyang namula.
"Naku, ngayon ka pa ba magba-blush eh 3 years na tayo, hon." natatawa kong biro.Ngumiwi lang siya at humaqak siya sa sugat niya.
"B-bakit? Masakit ba? Teka, hon umupo muna tayo." natataranta kong sinabi.
Hala kanina pa ba kaya masakit?
Hindi ko alm kung namimilipit ba siya sa sakit dahil yumuko siya at... lumuhod. Nang nakangiti.
Napapikit lang siya ng kunti dahil siguro sa posisyon niya, kumikirot marahil ang sugat niya.Ano bang ginagawa niya?
Nakita kami ng mga estudyante at mga bisita at sabay-sabay silang naghiyawan.
Bakit?
"Hon, after what happened. I can assure that it's you whom God gave me. A lot of times that I proved how much you love me. And I want to prove to you too how much I love you. So, my Selena Lorraine Villaruel, can I spend my second life with you?" sambit niya sa harap ng madaming tao. Sa harap ng pamilya ko.
"Aww..." daing niya kaya pilit ko siyang pinatayo.
Nagpro-propose ba siya?
Napahawak ako sa dalawang pisngi ko na mainit na mainit. Exaggerated ba?
Hindi ako makapagsalita dahil sa kilig at sa mga kung anong nasa tiyan ko.
Inabot ko nalang ang kamay ko na nagpapahiwatig na isuot na niya yung singsing.
Pero teka, ba't wala siyang pinapakitang singsing?Aissh. Siya palang yung magpoprose na walang singsing!
"Nasan yung singsing?" tanong ko.
Nagsmirk lang siya at napakamot sa ulo.
What? So wala talaga? Seryoso ba siya?
"Binibiro mo lang yat-" hindi pa ako natapos magsalita ay pinutol na niya ako.
"Teka, meron. Nasa bouquet mo." sabi niya at kinuha niya sa hawakan ng bulaklak. Loko 'to eh paano kung nalaglag?Nagtawanan ang mga tao dahil sa inasta namin.
Hahaha nakakaloka. Natawa tuloy ako sa ginagawa namin.Naghiyawan sila nung sinusuot na ni Lance ang singsing sa daliri ko.

BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Ficción GeneralCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...