Selena's POV
Bahala na kung anong mangyari. Ang importante ay makapag-usap kami ni Lance.
Kunti lang ang dadalhin kong damit dahil dalawang araw lang naman ako dun, kasama na ang byahe.
Nakarinig ako ng katok habang nageempake ako.
"CJ ano ba! Hindi ba malinaw sayo ang mga sinabi ko!?" sigaw ko. Sinundan niya yata ako.
Kumatok ulit. Sa tingin ko ay ibang tao yan dahil hindi man lang siya nagsisisigaw.
Dahan-dahan kong binuksan at naging handa parin ako dahil baka masama ang pakay niya.
Kaharap ko ngayon ang isang lalaking matipuno.
"Sino ka at anong kailangan mo?" tanong ko.
"Si Jasper 'to. Hindi mo ba ako naaalala? Ikaw ang may kailangan sakin, Samantha." sagot niya. Ha? Sino daw?
"Hindi ako si Samantha. Ako si Selena." tugon ko.
Kumunot ang noo niya sa sagot ko.
"Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw si Samantha. Ang apo ni Don Leandro Villaruel." aniya.
Hinila ko siya sa loob nang bahay inikot ko ang paningin ko sa paligid kung may nakakita at nakarinig sa kanya.
"Teka. Hindi tayo magkaintindihan eh. Oo, apo ako ni Don Leandro pero Selena ang pangalan ko. Selena Lorraine." paglilinaw ko.
Sa kanyang bag, may kinuha siyang envelope at inabot niya sa akin.
Umupo ako at inisa-isa kong tinignan lahat ng laman.
Pictures ni Lolo dito sa Masigla at kasama niya ako. Mula bata hanggang sa nagdalaga. Lumaki talaga ako dito?
Eh si Keo, totoo ba siya? Ang paninirahan ko sa Alaska, totoo ba yun?
"Bodyguard ako ng Lolo mo at nakita kitang lumaki. Ito oh, 3 years ago yan." sabi niya sa isang portrait solo picture ko.
Ngunit habang pinagmamasdan ko yun, isang bagay ang natuklasan ko sa litrato na sumagot sa ilang katanungan ko. Ang picture ay may tattoo sa leeg niya, sa may baba ng tenga. Parehong pareho sa tattoo ni CJ sa parehong parte ng katawan.
Jusko.
Hindi kaya...
"Kuya, tignan mo 'to. Tattoo ba 'to?" turo ko sa larawan.
"Ah oo. Kayo ng boyfriend mo na nagpatattoo sinama niyo nga ako noon eh." aniya.
Tama nga ako.
"Kuya, wala po akong tattoo. Tignan mo oh... at hindi ako magpapalagay." sabi ko at ipinakita ko pa sa kanya ang leeg ko.
"Paano nangyari yun?" pagtataka niya.
"Kuya, hindi po kaya... may kambal ako?" tanong ko.
"Kambal? Wala namang nababanggit si Don Leandro noon na apo niya bukod kay Samantha. Ang mga magulang mo, wala ba silang nasabi?" tanong niya.
Wala...
Pero yun lang ang alam kong dahilan ng lahat ng ito. Marahil mayroon akong kakambal.
Siya ang nakasama nila dito sa Masigla.
"Hindi pa tayo nakakasiguro kuya Jasper. Kailangan kong makausap ang mga magulang ko dahil sila lang ang makakasagot niyan." sabi ko.
"Mabuti pa nga." pagsang-ayon niya.
"Saan po kayo nakatira? Ihahatid ko na po kayo." alok ko.
"Doon lang sa pasukan ng Masigla." sagot niya.
"Tamang-tama po at luluwas na ako ngayon paMaynila. Sakto po ang dating ninyo at nalaman ko ang mga 'to bago ako uuwi."
Nang makarating ako sa Maynila ay umaga na. Dali-dali akong pumasok sa gate at hindi ko na napark nang maayos ang kotse ko.
"Nay, sina Mama po?" tanong ko kay nanay Linda.
"Susmaryosep kang bata ka! Nagulat ako. Nakaalis na sila para magtrabaho. Bakit ka napauwi anak?" tanong niya.
"Wala po 'nay." pagsisinungaling ko.
Pumasok ako sa kwarto ko at baka may mahanap ako ngunit wala.
Sa kwarto kaya nina Papa?
Nang makapasok ako sa kwarto nila at naglock ako ng pinto.
Nahalughog ko na lahat ng gamit nila maliban sa isa... closet.
Sa loob ng closet, may box na naka lock at kailangan ng password. Dahil hindi ko mahulaan ang password, binato ko nang paulit-ulit sa pader pero hindi parin nasisira at dahil sa ingay nito ay nabahala ang mga kasambahay. Humihiyaw sila at nagtatawag ng tulong.
Nainip ako kaya lumabas ako, buhat ang box at nagpatulong ako sa isang security guard na sirain ito.
Kinailangan niya itong lagariin at hampasin ng martilyo.
Hanggang sa nabuksan niya ito at naglalaman ito ng mga documents at isang USB.
Pumasok ako sa kwarto ko at naglock ulit.
Ang mga nilalaman ng mga documents ay passport nila at birth certificate ko at birth certificate ng nagngangalang Samantha Lorraine Villaruel.
Napatakip ako ng bibig nang makita iyon.
Tama nga ako na may kakambal ako.
Binuksan ko ang laman ng USB gamit ang laptop ko at ito ay naglalaman ng isang video.
Video ng birthday party naming magkapatid noong bata pa kami. Ito ay nakunan sa bahay sa Alaska.
Jusko.
Bakit nilihim nila ang tungkol sa kapatid ko? Bakit sa dinami-dami ng pwedeng mabura sa alaala ko, bakit siya pa?
Wala akong ginawa kundi umiyak.
Hindi pala ako ang hinihintay ni CJ.
Hindi pala ako yung Lorraine na minahal niya.
Kaya pala ganun nalang ang pagkahilig ni CJ sa bitwin, dahil simbolo pala yun ng pagmamahalan nila.
"Selena! Kausapin mo si Nanay! Anak..." sigaw ni nanay Linda nang kumakatok.
Lumabas ako at napayakap ako sakanya.
"Nanay." pagiyak ko bisig niya.
"Bakit... anong nangyari anak?" tanong niya.
Naghintay ako sa pag-uwi ng mga magulang ko. Gusto kong sabihin nila ang totoo kung nasaan si Samantha at kung buhay pa ba siya.
Gusto kong malaman kung bakit hindi nila pinaalala sa akin na may kapatid pala ako?
Si Lance, totoo bang ako ang kasintahan niya o si Samantha?
"Selena?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
"Let's talk." walang paligoy-ligoy kong sanabi.
Sasagot palang sana si Mama nang mapansin niya na hawak ko ang nasirang box.
"B-bakit nasayo yan?" tanong ni Papa.
"Hanggang kailan niyo ililihim sakin 'to Papa?" sinagot ko siya ng tanong?
"Sasabihin naman namin yan sayo anak, hindi pa kasi niya oras na malaman mo." sagot ni Mama.
"Nasaan siya?" tanong ko ulit.
"Anak..." pagaalinlangan ni Papa.
"Pa, nasaan ang kapatid ko? Buhay pa ba siya?" tanong ko na naman.
"Karlo, sabihin na natin." pagpilit niya kay Papa, tumango naman siya.
"Anak, she's alive at nasa Germany siya. Nandoon kami nung umuwi ka dito." pagsiwalat ni Mama.
"Bakit niyo nilihim sakin 'to?..." umiyak ako at napaupo sa sofa.
Umupo si Mama sa harapan ko at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Selena, patawarin mo kami. Nilihim namin sayo dahil alam naming hindi ka papayag na magkahiwalay kayo."
"Gusto kong malaman ang lahat Ma. Totoo bang lumaki ako sa Alaska? Totoo ba si Keo? Ako ba ang alam ng Masigla na apo ni Lolo? Sa akin ba talaga pinamana ang lahat?"
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
