Selena's POV
Isa lang pala akong supporting character sa istorya ng kapatid ko. As I conclude, tama si Lance at CJ sa mga kwento nila. Ang akala lang ni CJ ay ako ang Lorraine na nakasama niya noon.
Tama ako sa desisyon ko na hindi dapat ako ang mag-ayos nang Masigla kundi si Samantha. At some point, I wonder... sobrang magkamukha siguro kami. Ano kayang pakiramdam na tuwing makikita ko siya ay nakikita ko ang sarili ko o tuwing kausap ko siya kinakausap ko ang sarili ko.
Nagpasya na din ako na tatapusin ko nalang ang natitirang tatlong buwan ng school year at itutuloy ko nalang ang pag-aaral sa Manila.
Napamahal na ako sa mga tao dito at alam kong mamimiss nila ako pero gagawin ko ito para sa sarili ko.
Kahit ngayon lang na piliin ko naman ang sarili ko.
Isang linggo nang hindi ako nakikipagusap sa barkada ni Samantha. Syempre hindi naman talaga ako yung kaibigan nila. Isang linggo na din na hindi ako kumakain kasama sila, hindi ako nakikipag-usap sa kanila at hindi ako nakikipag-kita sa kanila.
Sa pagitan ng mga puno sa likod ng Legarda ako nakatambay ngayon kung saan ako natagpuan ni CJ. Tamang soundtrip lang habang nagbabasa ng libro sa next class ko.
Lately, dito talaga ako tumatambay tuwing wala akong klase kesa naman magmukmok ako sa bahay.
Panay ang text ni Coleen sakin pero hindi ko pinapansin.
Kailangan kong tanggapin na hindi para sa akin ang lugar na 'to.
Si Lolo talaga, hindi man lang ako pinamanahan ng kahit konti man lang. Biro lang, Lo.
Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan na pakiramdam ko si Samantha ang mas minahal at mas prinotektahan.
Pero kailangan kong intindihin na siya ang mas nangangailangan ng pag-aaruga.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit tila ayaw ko nang lisanin ang lugar na 'to.
Nasagot lahat ng katanungan ko nang sagutin nila mama ang mga iyon. Tama nga ako sa hinala ko na hindi ako Lorraine na kilala ng Masigla, hindi ako ang girlfriend ni CJ kundi si Lance. Hindi ako ang tagapagmana at hindi ako importante.
Oo, yun yung pakiramdam ko ngayon.
Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa bahay kung saan ako dinala ni Kyle noon. Sa Mansion ng mga Zamora na pagmamay-ari ng Lolo ko.
Napakalungkot ng bahay, parang walang nakatira...tila walang buhay.
Nadako din ako sa pinyahan.
Mula sa araw na pagtahak ni CJ sakin, paulit-ulit kong nai-isip yung mga katanungan niya sakin at dinudurog ang puso.
Gusto kong sabihin mo kung anong nangyari sayo matapos kitang ipinagkatiwala sa pinsan ko. Kung panong hindi moko maalala, kung bakit bumalik ka at kung bakit pinili mo siya over mo?
Pwede bang for once, bigyan mo naman ako ng sagot! Selena, bakit moko nagawang halikan at sinabing mananatili ka sakin kung si Cameron naman pala yung pipiliin mo?
Bakit hindi ko magawang sabihin sakanya ang totoo? O dahil ba hindi ako yung tamang taong magsasabi sakanya?
Mula sa kalsadang kinatatayuan kong nakasandal sa kotse ko, tanaw ko ang kabuohan ng pinyahan at ang mga taong nagmamadali nang tapusin ang kanilang gawain. Sa lilim ng mga puno, nasaglit ang paningin ko sa mga batang kumakaway sa kalayuan.
Si Lala at May-may. Kumaway din ako tsaka umalis din. Paanong nadamay ang mga batang 'to sa trahedya na nangyari sa pamilya ko?
Sa pag-iisip ko sa daan, na dako ako sa isang humble bar, masasabi kong humble dahil maliit ngunit maganda. Sa tapat nito ay ang dagat kung saan minsan din kami namasyal.
Nakakatawa 'no?
Tila binabalikan ko yung araw kung kailan ko nakita ang totoo niyang pagkatao. Nakakapanghinayang lang na ganito na yung sitwasyon nila ng kapatid ko.
"Beer." Order ko.
Natuwa ako sa mga tao dito sa bar. Typically kapag ang babae eh mag-isa, lalapitan yan ng lalaki tapos lalasingin ka o hindi kaya babastusin ka. Pero magi-isang oras na akong umiinum, nangiti lang sila tsaka bumabati. Tila sa lahat ng tao ngayon dito, ako lang yung may problema.
And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now
Dapat ko nang iwasan si CJ para sa future marriage life namin ni Lance at para kay Samantha. Dapat ko nang patahanin ko 'tong mabilis na tibok ng puso ko tuwing lumalapit siya.
And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
And sooner or later, it's over
I just don't wanna miss you tonight
Dapat lang na kalimutan ko na ang bawat dampi ng labi niya sakin. Kahit yung pakiramdam na maging masaya dahil sa kanya.
And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
Kasasabi ko lang na kalimutan ko siya pero naghahallucinate nanaman ako.
"Haysh, lasing ka lang Selena. Okay?" pagpapa-alala ko sa sarili ko.
"Iuuwi na kita." Aniya.
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am
Pinipilit kong idilat ang mga mata ko at nakita kong sinabit niya sa kanyang balikat ang sling bag ko tsaka niya ako inalalayang lumabas nang bar at ang huling kong natatandaan ay nagdrive siya.
I just want you to know who I am
_______________________________________
A/N: Hi guys! It's been a very long time since my last update. Naging sobrang busy ko lately and some bad and good things happened. Haysss hirap ichika. Anyway, iready niyo na ang mga puso niyo dahil sunod-sunod na ang paga-update ko ng Astrophile.
Saranghae~
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Aktuelle LiteraturCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
