Nagising akong kompleto naman ako kahit papaano. Wala namang masakit gaya sa mga pelikula kapag nalalasing ang babae ay pinagsasamantalahan.
Pero ang taong huli kong natatandaan kagabi ay si CJ. Siguro kung ibang tao 'to baka naisuko na ang Bataan.Nagulat ako sa tunog ng mga kubyertos sa kusina. May magnanakaw kaya?
Unti-unti kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at bumungad sakin ang amoy ng abs, este butter.
Nagluluto siyang topless.
Nakatayo lang ako sa frame ng pinto dahil nahihiya ako sa fact na wala siyang t-shirt at sa fact na sina-walang bahala ko ang mga tanong niya.
Alam ko ang pakiramdam ng madaming katanungan at hindi mo alam kung saano mo makukuha ang sagot pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko masabi ang totoo. Na hindi ako ang Lorraine na minahal at minamahal niya...nakasama niya.Isa lang akong supporting character sa istorya nila ng kapatid ko.
"Mag-almusal ka na. May gagawin ako sa pinyahan kaya aalis nako." aniya.
Tinitigan ko siya sa mata.
Nakakapanghina lang kung paanong hindi sakin ang lalaking 'to. Minsan naiisip kong panindigan nalang 'to eh. Pero mali.Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayan na lumapit na pala siya. Naabot niya ang kamay ko.
"C-CJ, salamat sa paghatid pero hindi nako kakain. S-salamat din pala sa pagluto." Tugon ko.
Ngumiti siya nang pilit.
Katahimikan ang bumalot sa bahay hanggang may kumatok, nang binuksan ko... si Coleen.
"S-Selena, sabi ni Mama... may natagpuang bangkay sa gubat malapit sa dagat. Nakasulat daw ang pangalan mo sa katawan ng lalaki!" mabilis niya binalita. Alam kong nahagip ang niya ng tingin si CJ pero hindi na siya nagtanong.
Mabilis kaming pumunta sa gubat kung saan ang bangkay na sinabi ni Coleen.
Maraming nagkumpulang tao sa labas ng dilaw na palatandaan. Nandoon pa ang bangkay at tinakpan ng puting tela.
"Sir, pwede ba akong lumapit sa bangkay? Pangalan ko kasi yan eh, baka lang kilala ko." tanong ko sa Pulis at pinayagan naman ako.
Walang dugo sa lupa o kahit sa mga dahon. Nanginginig ang kamay kong lumapit sa bangkay pero salamat kay CJ, siya na ang tumanggal sa kumot.
Napatakip ako sa bibig ko nang makilala ang namatay. Si Mang Francis, ang nagsabi sakin na driver siya ng Lolo at tutulongan daw niya ako. Pero paano pa niya magagawa yun at patay na siya. Nakaukit ang pangalan namin ng kapatid ko mula sa dibdib hanggang sa tiyan.
Lorraine Villaruel
Niyakap ako ni CJ at sinamahan akong umuwi.
Ayon sa mga Pulis, madaling araw daw noong nangyari ang krimen ngunit naniniwala silang hindi siya pinatay sa gubat kundi doon lang nila ito tinapon. Hindi rin daw taga Masigla ang biktima pero ang sabi niya sakin ay nakatira sa malapit sa talyer.
Isang Colt 45 ang ginamit para barilin siya mismo sa ulo.Dapat lang na harapin na 'to ni Samantha.
_______________________________________"Ma, just stop! Kailangang umuwi dito ni Samantha. Isang buhay na naman ang nawala dahil sa problemang 'to." Katwiran ko.
"Anak, may sakit ang kapatid mo. Hindi niya kakayanin ang stress na harapin sila." Paglilinaw naman ni Papa.
"I-consider niyo din naman ako. Kailan niyo naman iisipin ang kaligtasan ko gaya ng sakanya? Dahil ba sa mas independent, mas malakas at mas matapang ako? Pa, isa lang din ang buhay ko. Tsaka hindi ko naman hahayaan na mapahamak ang kapatid ko. Tutulongan ko naman siya." sabi ko.
Walang nagsalita sa kabilang linya.
"Gets ko naman po ang plano niyo, kailangan ko lang na maging matapang din siya para sa pangako niya kay Lolo. Pa, hindi naman ako laging independent, minsan mahina din ako at hindi naman talaga ako matapang." iyak ko.Tanging buntong hininga lang nila ang dinig ko hanggang sa pumayag si Mama.
"O sige. Uuwi ang kapatid mo diyan in four days. Anak, utang na loob mag-ingat kayo. Kung pwede lang sana na kami nalang ng Papa niyo ang gumawa niyan pero wala kaming kakayahan."Yan ang pag-uusap namin ng mga magulang ko.
Apat na araw, Selena.
_______________________________________
Author's Note: Pa-bonus ko na yung next chapter sa inyo. Icomfort niyo na lang si Selena through voting and reading.
Sana abangan.
I want to know your feelings and insights about ASTROPHILE.
Keep safe, everyone.
![](https://img.wattpad.com/cover/61976968-288-k497352.jpg)
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Fiksi UmumCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...