"Nakausap ko na si Veronica para sa titirahan mo doon, anak."
Tinutukoy ni mama ang kaibigan niya doon sa Masigla. Magkababata sila at ganun din kami ng anak ni tita Veronica.Tumango lang ako bilang tugon.
"Nabanggit mo na ito kay Lance?" tukoy niya sa pag-aaral ko sa Legarda.
Napayuko ako at animo'y pinagpatuloy ko ang paghihimay ng gulay na siyang iluluto ni mama at uulamin namin mamaya."Hindi pa po Ma eh. Sigurado akong magtatampo yun dahil ang alam niya dito ako kaya nasabi niya na bibisitahin nalang daw niya ako." sagot ko.
"Oo nga ano. Mas malayo pa naman ang Masigla mula sa Zambales" tumango ulit ako bilang sagot.
Sa totoo lang, 'di ko alam kung paano ko sasabihin yun kay Lance.
Susubukan kong sabihin kapag nagkita na kami. Busy kasi sila sa paglilipat ng gamit sa kung saan magkakaroon ng branch ng business nila.
Alam kong magiging mahirap para saming dalawa na hindi namin makikita ang isa't isa. Unang beses lang kasi naming magkahiwalay.
May tiwala naman ako sa kanya na kahit wala ako sa tabi niya, magiging loyal siya. At ganun din ako sa kanya.Hapon na at napag-usapan namin ni Lance na mamasyal kami.
***Incoming call***
Siya 'tong tumatawag.
"Hello hon, nasan ka na?" tanong ko."Malapit na, hon. Medyo nagkaaberya lang dahil tumirik' tong kotse ko." pagtatakip niya sa hiya na nararamdaman niya, dahil alam kong nahihiya siyang naghontay ako nang mga ilang oras lang naman.
"Malapit kana ba? Pupuntahan nalang kita, hon." sagot ko at nagdala ako ng panyo at damit niya dahil malamang panay pawis na yun sa pag-aayos sa sasakyan niya.
Naririnig ko ang mga metal na nakakalikot. Totoo nga na nasiraan siya."No, hon. Malapit na din namang matapos 'to eh." he made me believed na kaya niya, pero alam kong hindi.
"Lance Cameron Alvarez, nasaan ka ngayon. Kagagaling mo lang sa hospital at tiyak akong hindi mo pa kaya. Please, let me help you, hon."
Ilang segundo pa siyang nag-isip at kalaunan ay pumayag din. Ibinigay niya naman ang exact loction niya.
Nilakad ko nalang dahil hindi naman ganun kalayo.Agad-agad ko naman siyang pinuntahan. Ang sobrang pinagaalala ko ay kung mabinat siya, lalo na't hindi pa siya lubos na gumagaling.
Nang nikita ko na ang sasakyan niya ay mayroon akong nakitang nakadungaw sa bumb ng car niya at sigurado akong siya yan. Bakit hindi nalang kasi humingi ng tulong para hindi na mahirapan eh, may mga dumadaan namang mga tao sa kanto na 'to.
Hay naku Lance Cameron, napakatigas ng ulo mo.
Pero napangiti nalang ako nang matatanaw ko na na napakporma niya para magkumpuni.Gaya ng dati kapag ginugulat ko siya ay dali-dali ko siyang niyakap sa likuran niya at naramdaman kong natigilan siya. Napangiti ako dahil dun, atleast kahit saglit lang ay mapawi ang pagod niya.
"Hon, sana nagpatulong ka nalang. Baka mabinat ka pa. Alam mo namang ayokong mawala ka sakin diba?" malambing kong sambit nang hindi padin ako bumibitiw sa yakap ko sa kanya at hindi parin siya gumagalaw siguro nagulat talaga 'to.
"Hindi naman ako mawawala sayo eh." Yieeehhh... teka, ba't parang mas lumaki ang katawan ng boyfriend ko at tsaka nag-iba ang boses niya. Pero hindi ko nalang yun ibibring-up dahil komportable nako sa ganto.
"Selena? Hon?" boses mula sa likuran ko at siguradong sigurado na ako na ibabang lalaking niyayakap ko dahil si Lance ay ang nasa likod ko.
Oh my gulay!Natigilan ako at unti-unti kong inangat ang paningin ko sa lalaki sa harapan ko at dahan-dahan din akong sumulyap kay Lance na nasa likuran ko at akala mo'y napaso ako sa mabilis kong pagkalas sa pagkakayap ko.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Fiction généraleCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...