Chapter 7

2.2K 16 0
                                        

"Lala?" banggit ko sa pangalan ng bata.
Napatingin siya sakin at nginitian ako.
"Ate ganda!" sigaw nito.
Nakakunot-noo si CJ na tumingin sakin.

"Kilala mo siya? O pati si Maymay?" tanong niya sakin.

"Opo tatay!" sagot ni Maymay at saakin siya tumabi. Inupo ko naman siya sa upuan sa counter. May mga anak na pala si CJ. Siguro kaya ganun na lamang siya nagalala sakin kanina dun sa dalawang lalaki tsaka dun sa stage dahil may mga babae siyang anak at alam niya na ayaw niyang mangyari yun dito sa mga anak niya.
Ang akala ko, magkaedad lang kami, o baka naman maagang nakabuntis.

"Anong iniisip mo at ganyan ka makatingin sakin." tanong niya sakin. Ha? Bakit, pangit na ba ang tingin ko sakanya?

"Hindi, wala. Napahanga lang ako dahil pinanagotan mo sila kahit sa murang edad." sagot ko.

"Mga anak, pumunta ba si tito Kyle kanina?" tanong niya sa mga bata. Napaka-cute. Lance, ano na? Biro lang.

"Opo, tatay. Binigyan po kami ng laruan. Tsaka pinasyal po kami. Tsaka ng ice cream. Tsaka ng..." tuloy-tuloy na kwento ni Lala pero sinuway siya ng ate niya.

"Tatay! Matutulog na kami ni Lala. Goodnight po ate Selena, goodnight po tatay." pagsingit ni Maymay sa kapatid niya. Humalik sila sa tatay nila at nagulat ako nung lumapit din sila para halikan din ako sa pisngi.
Umakyat na sila sa kwarto nila.

"Napakabait na mga bata. May mga anak ka na pala, paano mo kinakaya?" hangang-hanga akong nagtanong.
Pero natawa siya.
"Nagbibiro ba ako? Totoo, hindi kita pinandidirihan." dugtong ko sabay taas ng kanang kamay ko bilang panata.
Naging seryoso naman siya matapos nun.

"Paano pala kayo nagkakilala nang mga bata?"

Kinwento ko ang nangyari habang kumakain kami. Pasado alas-dose na nang matapos kaming kumain. Napatagal dahil sa kwentuhan namin tungkol kay Lance, sa kung anong nangyari sakanya noong magkasakit siya. Nagtanong kasi siya kung kumusta na ang kaibigan niya.

Ihahatid daw niya ako pero sinabi kong hindi nalang dahil sa tapat lang ng bahay nila ang bahay ko. Nasa tapat ako ng maliit na gate na hanggang bewang lang ang taas nang nagsalita siya.

"Alam mo, dito nakatira ang pamilya ng mga bata noong nasunog ito at hindi kinaya ng mga magulang nila, silang dalawa nalang ang naiwan. Kahit isa, walang gustong kumupkop sakanila dahil sabi nila, marahil sila daw ang dahilan ng pagsunog. Kaya nagpasya akong kunin sila at alagaan sila. Noong una, ayaw ng batas na kunin ko sila dahil nag-aaral pa ako at hindi daw ako capable para mag-ampon..."

Hindi pala niya anak ang mga bata. Napapikit ako dahil sa naisip ko kanina tungkol sakanya. Nakatingin siya sa bahay at sinasariwa ang makaraan. Napatitig ako sakanya. Sa mapungay niyang mga mata, makapal niyang kilay, mahahaba niyang pilik-mata, matangos na ilong at sa  labi niyang tingin palang ay maniniwala ka na sa lahat ng sasabihin niya.

"...Pero gumawa ako ng paraan para mapapayag sila. Kaya yung tinanong mo kanina kung bakit may yaya eh hindi naman nakakapagod sa bahay dahil automatic naman lahat pero dahil yun sa mga bata." pagtatapos niya sa pagkukwento.

Napangiti ako dahil sa pagiging totoo niya.

"Salamat." nakangiti parin ako sakanya.
"Saan?" mabilis niyang tanong sa nasabi ko.

"Salamat sa pagpo-protekta sakin kanina, sa pagiging totoo at pagtitiwala tungkol sa mga bata kahit hindi mo pa ako lubos na kilala.
And by the way... Hello, stranger. I am Selena Lorraine Villaruel." pagpapakilala ko dahil sa totoo lang, wala kaming pormal na pagpapakilala, kasi nga naman sa una, pangalawa at pangatlo naming pagkikita ay puros sungit kami sa isa't isa.
Natawa naman siya dahil inilahad ko pa ang kamay ko sa harap niya na ani mo'y ngayon lang talaga nagkita.

"Kahit huli na para magpakilala tayo sa isa't isa. Charles Jacob Zamora, my pleasure to meet you. We're not strangers now." inabot naman niya ang kamay ko at nagpaalam nang matutulog na.

Sabay ng pagsara ko ng gate ang pagtalikod niya para umuwi na. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papalayo.
CJ, napakabuti mong tao at ako ang isa sa mga masayang tao na nakilala kita. Pero bakit parang pamilyar ka?
Bakit parang kilala kita?
Sino ka ba talaga?

***********
Mariels' POV

(A/N: Mama ni Selena. Enjoy!)

"Karlo, hindi ko yata kakayanin na mawala sa atin ang anak mo!" sabi ko sa asawa kong palakad-lakad sa harapan ko at nagiisip kung ano ang nararapat na gawin.

"Mariel, gustuhin ko man na huwag na siyang pumunta dun, ay wala tayong magagawa. Alam kong alam mo kung bakit siya pumayag na mag-aral doon." sagot niya sakin na alam kong kinakabahan din siya sa anak namin, gaya ko.

"Kung hindi nalang kaya natin ituloy ito. Papa, hayaan nalang natin silang kunin ang bahay basta huwag lang mapahamak si Selena." suggest ko.

"Ano ka ba. Naniniwala ako na hindi lang bahay ang babawiin ng anak mo kundi marahil nandoon sa loob ang titulo ng ilan sa mga ari-arian ng papa. Tsaka pati mga kapatid mo, pwede na silang bumalik sa Masigla kapag nagtagumpay ang anak natin." pagsisiguro niya.

"How do you know about this, Karlo?" tanong ko.

"Dahil narinig ko si Papa na nakikipag-usap sa telepono sa abogado ng pamilya na ang ilalagay niya sa testamento ay si Selena ang magmamana lahat. Huwag kang mag-alala, mama. Hindi magagalaw ang anak natin sa Masigla." pag-papaalala niya.

"Pero, isa padin siya sa kanila at kinakabahan ako, paano kung mapahamak si Selena dahil sa kanya?" tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"Mariel, ilang beses na ba niyang pinatunayan ang sarili niya? Sina Veronica at ang mga taga Masigla na kakampi ng Papa? Mahal nila ang Villaruel. Kaya mag-tiwala lang tayo at ipagdasal ang anak natin na ilayo siya sa kapahamakan. Magtatagumpay siya, Mariel."

Tumango ako. Tama siya, para din ito sa mga manggagawa ng Papa na tinanggalan ng karapatan sa lupa na pinangako ng Don, kaya nararapat lang na manindigan ako na ipag-laban ang kalayaan ng Masigla sa kamay ng mga Zamora.

*************

A/N: Magtatagumpay kaya si Selena?

Samahan niyo siyang tuklasin ang totoong pangyayari sa Masigla. Sino ang mga Zamora at sino si CJ sa buhay ni Selena? Ano kaya ang ginagawang hakbang ni Lance?

Hanggang sa susunod na chapter!

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon