"Lorraine, sandali lang ha? Konti narin naman ang mga tao." sabi ni Tita Veronica.
"Naku, ayos lang po, Tita. Makapaghintay po ako tsaka wag niyo po akong alalahanin at mag-focus nalang po kayo sa trabaho niyo." sagot ko. Siya ay isang guro sa Senior High School dito sa Legarda at kailangan niyang magoa-enroll sa Grade 12. Kaya dapat ay maging mabait ako kundi magsusumbong yan sa Mama ko. Haha. Mabait naman ako, so no worries.
Hawak ko na ang enrollment form at sasagutan ko na. Tahimik akong nagfi-fill up nang may narinig ko ang usapan ng mga guro na tinatanong nila si Tita.
"Mare, saang lupalop galing yan?"
"Anak siya ng kababata ko dito, si Mariel. Pero nakatira na sila sa Maynila."
"Tiga Maynila naman pala, eh bakit dito siya mag-aaral, eh hamak naman na mas maganda doon."
"Basta mare, personal na bagay. Wag niyo siyang pagchi-chismisan ha? Malilintikan kayo saken." pagtatanggol ni Tita saken. Hindi alam niya alam kung bakit nga ba ako nandito bukod sa mga nasabi sa kanya ni Mama.
Nang matapos ako ay ipinasa ko na sa isa sa mga naguusap kanina at halata ang gulat sa mga mata na niya.
"Mare, Villaruel naman pala siya. Isa itong himala." sabi nung pinagpasahan ko.
Bakit ganun yung sinabi niya?"Hindi lang siya ang Villaruel sa mundo kaya tumahimik ka." sarkastikong sita ni Tita sa kanya.
"Siya pala ang magiging adviser mo, Selena." turo niya sa isang babaeng may katandaan na. Marahil nasa mahigit 50 anyos na siya sa tantya ko.
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.Lumabas na ako sa hall nang dalawang building na ang nalagpasan ko,
"Aww!" napasigaw ako sa lakas ng pagkabunggo sakin nung lalaki na akala mo ay walang nangyari.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad."Hoy!" sigaw ko sa kanya. Ngunit arogante lang siyang patuloy sa lumakad. Nagpasya akong kumprontahin siya.
"Hindi ka ba magsosorry?" mahinahon ko siyang hinigit sa braso.
At hudyat naman niya na lumingon sakin. Pero walang ekspresyon ang kanyang mukha. Laking gulat ko nang matukoy ko kung sino yun."Ikaw!?" hindi ako makapaniwala. Siya yung tumulong kay Lance at siya din yung nagtake advantage sa yakap ko.
"You're following me, aren't you?" tanong niya. Saang parte ng mundo 'to nakahanap ng kapal ng mukha.
"Para sa kaalaman mo, dito ako pinanganak. At wag mo kong ini-english ha.'Di tayo close." sabay irap ko.
Nagtangka siyang talikuran ako pero hinigit ko ulit siya.
"Hindi ka pa nags-sorry." sabi ko.
"Why should I? Aksidente yun, hindi ko yun sinadya." arogante niyang sinabi, determinado ka talaga ha.
"Because that's what mature people do. Ask me you're sorry for bumping me and foremost, for not telling the truth to my fiancé." mariin kong sabi.
Pwede naman na ako nalang anh huminginng tawad, pero hindi niya deserve, lalo na nang tawagin ko siya ngunit hindi niya ako pinansin.
Ang mga tulad niya, dapat maturuan ng magandang asal."Fine. Sorry." mabilis niyang sagot.
Hinayaan ko nalang siya dahil hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya ganun...lahat ng tao ay may kabutihan..
Uuwi na ako dahil bukas pa naman ang opisyal na pasokan. Natanaw ko ang mga resto malapit sa eskwelahan, hindi na pala problema ang lunch.
Gusto kong puntahan ang bahay na mana ko pero hindi ko alam kung saan yun at kahit itsura nito ay hindi ko alam.
Limang taong gulang ako nung umalis kami dito, sa ganung edad, 'di ko talaga maalala ang mga nangyari. Ang alam ko lang, nakukwento nina Pana na pareho silang lumaki dito. Pero hindi ko alam kung magkapit-bahay ba sila o sa karatig-bayan. Hindi nila nabanggit kung sino ang mga magulang nila sa madaling salita, mga lolo at lola ko sa parehong ina at ama.
Bilang isang tao, alam kong hindi normal na kahit isa, wala akong kilalang mga kamag-anak namin.
Kahit isa...
Si Tita Veronica, kaibigan lamang ng Mama.
Maalala ko lang, bakit ganun ang sinabi ng isang guro kanina sa tanggapan? May kinalaman ba yun sa tinutuklas ko?Bakit wala akong clue kahit isa man lang?
Meron ba akong hindi dapat malaman?"Selena!" hinanap ko kung sino ang tumawag sakin at nakita kong si Coleen pala na naglalakad na palapit sakin. Hinayaan ko siyang sabihin ang sasabihin niya.
"Buti nalang at naabutan kita, may gagawin ka ba mamayang gabi?" tanong niya.Umiling ako bilang sagot.
"Mabuti kung ganun. Baka lang gusto mong sumama sa piesta mamaya. Para makahanap ka din ng kaibigan mo dito bukod sakin." determinadong suhestyon niya.
"Anong oras ba."
"Alas otso. Ano, G ka?"
"Sige, sabihan mo nalang ako kung aalis na tayo. Ito number ko, tawagan mo nalang ako." alok ko.
"No, Selena. You should buy your new Sim, iisa lang ang network na gumagana dito. Iisa lang din kasi ang klase ng Cell-site dito sa Masigla. Ibibigay ko nalang ang number ko para itext mo ko kapag nakabili ka na." nakangiting sabi niya.
"Ahhh, sige. Salamat, Coleen."
Naghiwalay kami ng daan dahil pauwi na ako at page-enroll pa yata siya.
Hindi naman ako tutol sa na suggest ni Coleen dahil tama naman siya na kailangan kong makipagkaibigan, dahil ayaw ko man o gusto, 4 years ako dito at alam kong hindi ko makakaya na wala man lang akong tatakbuhan kung sakali lang na magkaroon ng problema.Nasa tapat na ako ng bahay nang maalala ko ang sinabi ni Coleen, kaya dumiretso ako sa tindahan ni Aling Celia kung saan ako bumili kahapon.
"Ale, totoo po bang iisa lang ang network na pwedeng gamitin dito sa Masigla?" tanong ko nang nakadungaw sa grid chicken wire na sabitan ng paninda.
"Ah oo. Iisa lang kasi ang Cell-site dito." sagot niya.
"Iisa lang, ho? Paano ito nakakayang suplayan ang buong masigla? Eh sinlaki ng Davao 'to?" tanong ko ulit.
"Hindi, ineng... ibig kong sabihin ay iisang brand ng site ang mga nakatayo sa iba't ibang parte dito sa Masigla." aniya.
"Bibili ka ba ng sim card?" dugtong ni Aling Celia.Tumango naman ako. Paano ko nalaman na Celia ang pangalan? Ipinangangalandakan ng mga karatola dito sa tapat ng tindahan.
Nang inabot ko ang bayad ko,
"Magi-ingat ka sa mga bumabagabag sayo ineng, may mga tanong na dapat ay piliing wag nalang sagutin."Natigilan ako sa nasabi ng ale. Hindi dapat malaman ng kung sino man ang pakay ko sa lugar na 'to dahil maaaring maging hadlang iyon sa pagtuklas ko sa totoong kwento.
"Ah, hindi po. Mag-aaral lang ho ako dito." sagot ko at sinabayan ko ng pagtalikod.
Maaaring itinatago lang nila sa mga tao kung ano nga ba ang misteryong bumabalot sa probinsya ng Masigla at aalamin ko iyon habang nandito ako.

BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...