"Sabihin mo sakin kung may silbi ka pa o dapat nalang kitang patayin! Hindi kita binabayaran ng malaki para lang sa mga kapalpakan mo." galit na sigaw niya sakanyang tauhan. Dahil sa hindi mabilang na pagkakataon ng kanyang pagkabigo.
"Huwag naman boss. Ang sabi kasi sa mga record sa lahat ng airlines ay hindi pa siya nakakalabas. Hindi ko alam na nandyan na pala siya."
Sinampal siya ng kanyang pinagsisilbihan."Wala ka talagang kwenta! At nagdadahilan ka pa. Gio, alam mo na ang gagawin!" panggigigil nito.
Ininutok niya ang baril sa sentido ng pumalpak na tauhan at sa pagtalikod ng pinagsisilbihan ay kinasa at ipinutok ito.
Hindi ako papayag na isang kutong lupa lang ang tatapos sa mga pinaghirapan ko.
______________________________________
Paikot-ikot ako dito sa terrace ng kwarto ko, nagiisip kung ano ang susunod kong gagawin ko since hindi wala naman na pala akong mahihintay.
Natapos ang buong araw na hindi parin nakauwi ang mga magulang ko dahil nagka-emergency daw ang mga clients kaya hindi nila maaaring iwan.
Naiintindihan ko naman yun, kaso sayang din kasi yung byahe at pagliban namin ni CJ sa klase.
Wala din naman pala kami—akong napala.Nahihiya na tuloy ako sakanya dahil iniwan niya ang mga bata para lang samahan ako. Dapat pala ay sinama nalang din namin sila at baka kung anong nangyari na sakanila. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung mangyari yun.
Maalala ko lang din ang pag-uusap namin ni Lance. Pinaghihinalaan niya ako na meron daw akong agad na babalikan sa Masigla kaya nagpupumilit na akong bumalik doon kaysa hintayin ko daw siya na lumuwas papunta dito. Sinabi ko naman nang dahil sa pag-aaral ko pero hindi niya maintindihan.
Away-bati nalang kami palagi.
Siguro normal lang sa mga long distance relationship 'to, diba?Hindi ako makapaniwala sa inaasta niya. Akala ko ba pinagkakatiwalaan namin ang bawat isa? Ako nga ay wala namang sinasabi sa mga pinag-gagagawa niya sa Zambales.
Baka siya nga itong may babae.Kumain na kaya si CJ? Tulog kasi siya kaninang yayain ko sana siyang kumain.
Lumabas ako mula sa kwarto ko at nagtungo sa isa sa mga guest room kung nasaan siya.
Kumatok ako ngunit gaya kanina, tulog padin siya. Tss, sleepyhead.Lumapit ako sa natutulog na CJ at umupo sa gilid ng kama.
"CJ... Gumising ka na, kakain na tayo." tawag ko sakanya sa mahinahon at mahinang boses.
"CJ." nagawi ang paningin ko sa luha niya sa kanyang mata.
Paanong tumatangis siya nang tulog? Pwede ba yun?
Tinawag ko siya ulit."Please... Take care." ungol niya at kasabay nun ang pagkahulog na ng luha niya sa kanyang pisngi at dumaan sa kanyang leeg.
Napansin ko ang tattoo sa likod ng tenga niya na isang maliit na bitwin o tala. Ngayon ko palang ito nakita. May tattoo pala siya. Kung sabagay, hindi hindi din naman kasi talaga pansinin.
Patuloy siya sa pagmamakaawa sa kanyang panaginip at nag-alala ako kaya pinilit ko siyang ginising"Nanaginip ka, CJ." pagpapaalala ko nang nagulat siya sa nangyari.
Napahahilamos siya sakanyang mukha.
"Okay ka lang?" tanong ko. Halata sa mga mata niya ang bakas ng pagluha.
Ako nga ba dapat ang pumunas ng mga yan?"Yeah. Just another nightmare. Salamat." sagot niya at palihim niyang pinahid ang mga yon.
CJ, patawarin mo ako kung hindi ka maalala ng isip ko at hindi ka rin pamilyar sa puso ko.
Noong pumunta ako sa Masigla, buong akala ko ay madali lang na gawin ang lahat. Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo.
Pakiramdam ko ay kalahati ng buhay ko ay hindi ko alam.Tantya ko'y magtatatlong minuto na wala sa amin ang umimik kaya ako na ang nagpasyang bumasag sa katahimikan.
"Uuwi na tayo bukas. Hindi makakauwi ang mga magulang ko dahil nagkaemergency kaya siguro sa makalawa pa daw sila makakaalis. Pasensya ka na kung nasayang lang ang oras mo dahil wala naman tayong napala." pagbabalita ko.
"It's okay, Selena. Walang sayang sa pagtry. At least you already made a step." sagot niya at nakatitig na siya ngayon sakin.
"CJ." tawag ko.
"Hmmm?"
"Sorry din sa mga narinig mo mula sakin noon sa sagutan namin ni Coleen. For real, sinabi ko lang yun dahil sumobra na siya sa pananalita niya. Pero hindi ko dapat sinabi yun. Sorry." I sincerely apologised.
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito nang may pag-iingat.
"Selena, naiintindihan ko. Alam ko na mahirap sayong mag-adjust from your life here to your aloneness there. To trust people you're not used to. I understand and it's fine. Don't feel guilty about it." paninigurado niya.
Tila nabunotan ako ng tinik sa dibdib.
Napangiti ako."Talaga? Baka pagbawalan mo na sina Maymay at Lala na pumunta sakin ha." haluan mo pa ng hampas para hindi talaga niya gawin.
"Pag-iisipan ko. Hahahaha biro lang." pang-aasar niya sakin.
Nagkwentuhan kami hanggang nagutom kami. Hindi ko akalain na parte pala kami ng buhay ng isa't isa. Pangit ngalang yung paraan ng pagtatagpo naming muli.
Paanong hindi ko matandaan na minahal ko ang isang Charles Jacob Zamora?
Selena, maaaring parte ito ng nakaraan. May posibilidad na damay kami sa mga nangyari noon.
Pero sino ang nakakaalam?Sino ang saksi?
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
قصص عامةCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...