"Oh yes Keo. It would be great if you'll be there." pagkumbinsi niya sa kaibigan niya.
"Fine. How can I say no? So get off." pagpayag niya.
"Oh my gosh, Keo. Did you just blushed?" panunukso niya.
"No. I'm about to explode. Now release me or I'll kiss you." pagbanta naman niya.
"Okay. Chill."
______________________________________
"Umabsent ka na dahil sakin. Sorry." paghingi ko ng pasensya.
"Okay lang ano ka ba. Financial Supporter nga ako diba." biro niya.
"Salamat ha. Ayos naman na ang pakiramdam ko. Pwede mo na akong iwan." sabi ko.
"Umabsent na nga tayo edi lubos-lubusin na natin." sagot niya habang nagluluto. Oo siya padin daw ang magluluto dahil mabibinat daw ako kapag napagod ako.
Nakapaswerte naman ng magiging asawa ng lalaking 'to.
"Ha? Anong lulubusin?" tanong ko. Nakatalikod siya sakin. Buhay prinsesa ako ngayon dahil sa kanya. Nagtataka lang ako kung bakit madami siyang niluto eh dalawa lang naman kaming kakain.
"Mamamasyal tayo kasama ng mga bata." sagot naman niya. Naramdaman kong uminit ang mukha ko sa narinig ko. Kung sabihin niya yun ay para naman kaming isang pamilya na mamamasyal.
"Eh andami mong niluto eh hindi naman malakas kumain ang mga bata?" tanong ko ulit.
"Dadaan muna tayo sa pinyahan at doon tayo magtatanghalian kasama sina mang Kiko." pagsagot niya sa tanong ko. Hindi ko na nga matandaan kung ilang linggo na akong hindi dumalaw dun. Sana may bunga pa ang mga pinya hahaha.
"Ah okay. Masarap kumain dun ah. Malamig ang hangin doon." sabi ko.
"Ganun talaga sa ilalim ng mga puno. Unang beses mo bang kumain dun noong dinala kita sa pinyahan?" siya naman ang nagtanong.
"Di ko alam." sagot ko tsaka ko siya tinulungan sa paglalagay ng mga pagkain sa basket.
"Bakit hindi mo alam?" tanong ulit niya.
"Dahil hindi ko maalala. Aware akong may nakalimutan ako hindi ko lang alam kung ano. Siguro isa na yon sa mga hindi ko maalala tulad mo." sagot ko.
"Naaksidente ka ba?" tanong na naman niya.
"Oo."
"Keo, I want to puke." sabi ko sa katabi kong mas lasing na kaysa sa akin. Kaya ko pa namang tumayo kaya ako nalang mag-isa ang pumunta sa restroom. Hindi din naman ako masasamahan nun sa restroom.
We're in a club here in Alaska.
I'm about to pee when I overheard some guys at the door talking.
"Dude, I want Selena tonight. She can't just dump me."
Oh no. Parang delikado ako. Wala pa naman sa huwisyo si Keo.
I need to bring him home.
I sneaked out from the restroom and immediately tried to wake Keo up.
"Keo, wake up. Hey!" should I slap him?
I'm about to do it when I saw them walking towards here.
"Oh my gad! Sorry but I'll be back, Keo."
"Yun ang sabi ng witness, natagpuan nalang daw ako sa downtown at tatlong poste ang binangga ng kotse ni Keo." pagkukwento ko.
"Keo? Your ex boyfriend?" tanong niya.
"No, he's gay. Bestfriend ko siya. Paggising ko nandito na ako sa Pilipinas. Una kong nakita si Lance."
"Paano mo nakilala si Lance?" tanong na naman niya.
"Hindi ko alam. Ang sabi niya paggising ko ay boyfriend ko siya at isang taon na kami. LDR ba. Wala namang nagclaim na ibang boyfriend ko kaya alam kong totoo yun."
"Tara na. Naghihintay na siguro ang mga bata."
______________________________________
CJ's POV
Nakarating kami sa pinyahan nang walang kibo si Lorraine.
Sana hindi nalang ako nagtanong.
Tama ako, mayroon nga siyang Retrograde Amnesia.
Mas lalo tuloy ang paghahangad kong malaman ang nangyari.
"CJ! Magandang tanghali! Nandito pala ang mga prinsesa namin oh. Silong po kayo ma'am Selena mainit." pagsalubong ni mang Kiko.
"Salamat po Mang Kiko. Kumusta po kayo at ang mga pananim natin?" tanong ko. Inalalayan naman ni nanay Suling si Lorraine at ang mga bata sa pagupo at paghanda ng mga pagkain.
"Ayos na ayos naman po. Heto nga po pala ang kita noong unang harvest." pagabot niya ng pera.
"Ipagbili niyo nalang ho ng binhi para sa susunod nating itatanim. Tsaka bunos niyo nalang po yan mang Kiko. Paghati-hatian po ninyo at heto po ang sahod ninyo. Sa susunod na harvest nalang po yung sa akin." pagtanggi ko.
"Napakabait mo talaga CJ. Kung tatakbo kang alkalde aba't ibuboto kita hahahaha." biro ni Mang Kiko.
"Manong, wala pa yan sa kabayaran sa ginawa ng pamilya ko sa kabuhayan ninyo." sagot ko.
"Hindi naman kami naniningil CJ. Sa tatlong taon naming pagtatrabaho sayo ay hindi namin kikitain sa pagtutubo sa mga Vill-"
"Huwag na po ninyong banggitin yan at marinig pa po tayo ni Selena." pagputol ko sakanya.
"Ay oo nga pala. Pasensya na CJ nakalimutan ko. Tignan mo naman sir parang nanay na siya ng mga anak mo. Kung hindi ko nga kayo kilala eh iisipin kong isang pamilya kayo." komento niya.
"Komplikado Mang Kiko. Hindi naman sikreto sainyo ang naging relasyon namin noon pero madami kasing nangyari sa nakalipas na tatlong taon. Umaasa padin ako na sana makabalik din kami sa dati." sakanya ako nakatitig habang sinasabi ko ang mga iyon. Abala siya sa pagpunas ng pawis nina May-may at Lala.
"Paano ko naman makakalimutan eh mga batang gusgusin pa kayo nung araw." nagtawanan kami dahil sa salita niyang 'gusgusin'.
Sana nga lang ay maging maayos na ang lahat.
______________________________________
Selena's POV
"Kiko! Sumilong nga muna kayo't tirik na tirik ang araw! CJ! Kain na tayo anak!" sigaw ni nanay Suling sa dalawang naglilibot sa gitna ng pinyahan.
"Mauna na tayong kumain ng mga bata Selena at alam matagal pa ang mga yan." natatawa na siya ngayon.
"Lala, anong gusto mo? Ituro mo po." paglalambing ko sa bunso. Si May-may ay kinandong naman ni nanay Suling at sila daw ang partner.
"Iyon... At wala na..." turo ni Lala sa kalabasang may sahog na karne. Pero nang kumain siya, iniiwasan niya ang karne.
"Lala, kain kadin po ng fish para tumaba ikaw." panggagaya ko sa boses niya.
Ngumiwi lang siya.
"Hindi yan kumakain ng manok at isda.... naaawa daw sakanila ba. Hindi naman niya alam na ang itlog ay sa manok." natawa ako sa kwento ng isang manggagawa.
"Eh heto nalang, Lala. Menudo. Paborito ko yan." sabi ko kahit hindi naman para lang madami siyang makain.
Nagawi ang paningin ko sa Charles Jacob na nagbubuhat ng lagayan ng mga napitas na pinya.
Lumabas ang mga muscles ng biceps niya at bumakat ang katawan sa kanyang t-shirt dahil sa pawis.
Natulala ako ng hindi ko alam kung gaano katagal dahil inaabutan na niya ako ng pinya.
"Uy. Okay ka lang? Heto oh tikman mo." sabi niya.
"Ah sorry. S-sige." sagot ko.
Selena, mga mata mo pahamak.
Dapat si Lance lang ang nakikita mo.
Okay? Hinga.
Naligo din kami sa dagat pagkaalis namin sa pinyahan.
Buong araw din akong nakalimot sa mga problema ko.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Ficción GeneralCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
