Chapter 15

1K 6 0
                                        

Ang tanging malinaw ay ang ulan at wala nang iba.

"Eat something, please. Kahit konti lang." panunuyo niy9a kahit alam niyang hindi rin siya pakikinggan.

Sinundan nalang niya ang tingin nito sa labas ng bintana. Tanging malabong salamin na pinapaliguan ng tubig-ulan.

"Hon, okay lang kung hindi moko matandaan. Let's just start together. Mahal kita at aalagaan kita." pangako niya.

______________________________________

"Tapos na kayo kay Sir Joseph?" tanong ni Janela nang makasalubong ko siya sa hallway.

"Oo, kaya lumabas na ako to have lunch." sagot ko.

"Sige. Salamat, Selena. Saan ka pala pumunta last weekend? Tinanong ka kasi ni Ma'am Veronica." tanong ulit niya.

"Umuwi lang ako saglit sa Manila. Bumalik din ako agad. Sasabihin ko nalang sakanya mamaya. Salamat."

Patungo ako sa kotse ko nang tumambad nalang si Coleen sa harapan ko.

"Coleen."           "Selena."

Natawa kami pareho dahil sa sabay na pagtawag namin sa isa't isa.

"Selena, sorry talaga sa mga nasabi ko. Hindi na mauulit." sabi niya.

"Sorry din. Tara kumain tayo." sagot at yaya ko.

"Ano ka ba. Yan nga din sana ang sasabihin ko. Tara at naghihintay na sila." sabi niya.

"Sila?" pagtataka ko. Akala ko ba kaming dalawa lang at bakit pati ang tatlong pasaway na yun. Pero biro lang, hindi naman sila pasaway. Mukhang masungit lang sila pero mababait yun, pwedeng utangan. Hahahaha.

Sa gitna ng byahe namin papunta sa sinasabi niyang kainan, ay humirit ako at tinukso si Coleen.

"Maalala ko lang, what convinced you na payagan si Kyle na manligaw sayo wherein sinasabi mong may nararamdaman ka kay CJ?" kunwari seryoso ako pero nakita ko siyang namula.

"Ewan ko ba. Siguro nakulitan ako, tsaka tinanggap ko nalang na malabo talaga kami ni CJ para sa isa't isa. Alam mo, prinsipyo ko 'to eh. Mahirap kalabanin ang nakaraan. Lalo na kung iyon padin ang laman." opinion niya.

Ako ba ang tinutukoy niya? Well I guess hindi niya naman ako kailangang kalabanin. Wala namang nilalaban si CJ pero choice parin naman nung tao.
Hindi ako sumagot o hindi talaga ako nakasagot dahil nakarating na kami. Hindi naman kasi malayo.
Parang isang normal lang na bahay. Hindi naman siya two storey.

Nang pumasok na kami ay tumambad sa amin si Kyle na nakahiga sa isang sofa at nagbabasa ng libro, si Mico na tutok na tutok sa PS5 at mga pagkain sa lamesa. Itinigil ni Mico ang paglalaro nang mapansin kami.

"Welcome sa aming munting tambayan, Lorry!" sigaw ni Mico.
Lorry? Lorraine na nga lang tamad pa niyang kompletuhin.

May sala, dinning area, CR syempre at isang kwarto. Meron din sila ng mga necessary appliances tulad ng refrigerator at kung ano-ano. Pwede ka ngang tumira eh. Tsaka napansin ko din na kasya ang tatlong sasakyan sa may tapat ng bahay.

"Okay 'tong tambayan niyo ha. Nasaan nga pala si CJ?" pag-agaw ko sa atensyon nila.

"Pinakain lang mga anak niya. Pabalik na siguro yun." sagot ni Kyle.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon