Chapter 21

723 7 0
                                        

Tanging ilaw lang ng mga building ang nagsilbing liwanag sa paglalakad namin. Ang sabi niya ay marahil alam niya ang sagot pero wala namang nagsasalita.

Kahit malayo na kami mula sa auditorium, rinig padin hanggang dito ang tugtog.
Hanggang sa nadako kami sa soccer field ng university.
Nagulat ako nang hubarin niya ang hoodie niya.

"CJ, ano ba. Akala ko mag-uusap tayo." tanong ko.
Ngumisi lang siya.

"Kung ano-anong iniisip mo. Mag-uusap talaga tayo pero suotin mo muna 'to baka ginawin ka." abot niya sa hinubad niyang hoodie. Habang sinusuot ko yun,
"Selena kahit nirerespeto kita, kung ikaw na mismo ang magsabi pagbi--aww!" pinutol ko na ang sasabihin niya sa pamamagitan ng kurot.

"Seryoso nga kasi. Gusto ko kasing malaman ang lahat." pagbago ko ng mood dahil baka kung saan na mapunta ang usapan.

Umupo siya sa damuhan sinabing umupo din ako.
Sa gitna kami ng field umupo. Sa sobrang lawak nito, pakiramdam ko kami lang ang tao sa campus.

Nakatingala ngayon si CJ sa kalawakan. Oo, tila gusto ng mga bitwin na masaksihan ang sandaling ito.

"Ano ka sa buhay ko 3 years ago?" yan ang una kong tanong.

"Boyfriend mo ako. Nang umalis ka, dalawang taon na tayo." sagot niya.

Jusko, hindi ko alam kung kanino ako maniniwala. Magkaiba ang sinasabi nila.

"Bakit ako umalis kung dalawang taon na pala tayo, kung nandito pala ang boyfriend ko?" tanong ko ulit.

"Dahil kailangan. Dahil ang ikaw ang taga-pagmana ng Hascienda Villaruel na yun ang gustong angkinin ng Zamora. Nang nalaman nila na natransfer na lahat pangalan mo, binalak kang patayin." kwento niya.

"Dito ba ako lumaki?" tanong ko na naman at sa puntong ito, umaasa ako na masasagot niya nang tama.

"Oo. Ikaw, ako, si Coleen, Kyle at Mico. Tuwang-tuwa nga kami noong bumalik ka na dahil nabuo tayo." tugon niya.

Mali. Ang sabi ni Lance na bakasyon lang ang pinunta ko sa Alaska. Sabi naman ngayon ni CJ na dito ako lumaki kasama sila.

Oo at nakalimot ako, pero naaalala ko padin na sa Alaska ako nag-aral ng secondary education. Si Keo ang kasama ko buong highschool. Bihasa lang ako sa pagtatagalog dahil sa international school ako nag-aral at Filipino ang isa sa subject ko. Hindi ko noon alam kung bakit pero ngayon ay naiintindihan ko na.

Pero hindi kaya artificial memory lang na lumaki ako sa Alaska?
Hindi kaya epekto ito ng aksidente at naghalo-halo na ang memories na nagremain sa isip ko.

Maybe.

"Bakit ka nagalit kay Lance? Anong kasalanan niya sayo?" huli kong tanong.

"Dahil hindi siya tumupad sa usapan. Noong pinaghahanap ka ng mga taong papatay sayo, saktong uuwi siya galing bakasyon sa Brazil, kailangan niyang lumuwas sa Maynila para sa pag-aaral niya. Nagmakaawa akong itakas ka niya."
Huminto siya sa pagsasalita kaya lumingon ako sakanya.
"Habang nage-empake siya, nagbilin akong balitaan niya ako at kapag naayos ko na ang lahat dito ay susunod ako. Isang linggo, isang buwan hanggang isang taon na pero wala na siyang paramdam. Ang sabi niya, hindi na daw kayo nagkita matapos ka niyang ihatid sa mga magulang mo. " kwento niya.

Pero sa mga panahong iyon ay natutunan ko na siyang mahalin. Naging masaya kami habang may naghihintay pala sakin.

"Tapos?" tugon kong magpatuloy siya.

"Yun, nang maayos na ang lahat. Nabigyan ko na ng trabaho ang mga magsasakang nawalan ng trabaho dahil sa pamilya ko at naging maayos na ang kalagayan ng mga bata dahil sa trauma... sinubukan kong hanapin si Lance. Sa araw na inaayos ko ang sasakyan niya, ang sabi niya ay wala na daw siyang balita sayo. Kaya noong niyakap mo ako sa araw na yun at sinabi mong akala mo ako si Lance, ang sakit."

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon