"Opo, Mama. Ayos lang po ako. Huwag kayong mag-aalala ni Papa." napangiti ako na nakakausap ko ngayon si Mama. Ramdam ko ang pag-aalala niya.
Sobrang biyaya sa akin ang magkaroon ng mga magulang na mapagmahal at supportive.
Napatawag daw siya dahil napanaginipan ako.
Si Mama talaga, masyadong nagpapaniwala sa mga pamahiin."Si, L-lance, Ma. Anong balita? Tinatanong ba ako?" tanong ko nang may pagaalinlangan dahil hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sagot. May naglapag ng gamit sa harap ko. Si Sarah.
Ningitian ko siya at ganun din siya sakin. Sinenyas ko sakanya na tapusin ko muna 'tong tawag at tumango naman siya."Hindi eh. Pero nadaanan ko isang araw sa malapit sa opisina, ang sabi ay abala daw silang maglipat ng gamit sa Zambales. Maaaring yun ang dahilan kung bakit hindi ka kinaka-usap bukod sa iba ang network dyan." nalungkot naman ako sa balita ni Mama. Hindi pa pala sila tapos maglipat.
Nakakapagtaka nga kung bakit natawag sakin si Mama kung iisa lang ang network dito. Bumili kaya siya ng Sim noong hinatid ako dito bago sila umalis? Hayaan ko na nga, ang mahalaga ay madali ko lang silang kontakin."Ano yun, Sarah?" tanong ko nang natapos kaming magusap ng Mama ko.
Nandito ako sa isang park dito parin sa Legarda nakatambay dahil ilang mga guro ay abala parin sa pagaasikaso ng mga late na nag-enrol."Nakauwi ka ba ng maayos kagabi? Hindi na kasi kita nakita matapos kang sunduin ni CJ sa stage." aniya.
Oo nga pala at wala siyang ginawa para ipagtanggol ako, kundi isa siya sa nga sumuporta nung muntik na akong mapahiya."Oo, wala namang nagyari sakin. Salamat sa pag-aalala." sabi ko.
Anong klase kasi ng tradisyon yun? Kahit sa Maynila, hindi ginagawa yun."Yun lang naman. Kung wala kang kasamang kumain mamayang lunch, itext mo lang ako at isasama kita." alok niya.
Tumango ako at nagpaalam nang hahanapin ko ang section ko.
Nang nahanap ko ang pangalan ko na nakapaskil sa labas ng isang classroom, pumasok na ako.
Hindi ako umiimik dahil baka mapagdiskitahan ako. Namiss ko tuloy ang mga kaklase ko sa Willford.Naupo ako sa tabi ng bintana na kita mo ang ilang building sa labas.
"Miss..." kabalit sakin nga isang babae na medyo singkit at may kaputlaan ng konti. Katabi ko siya ngayon.
"Ano yun, miss?" tanong ko.
"Ako nga pala si Selena." alok ko ng kamay ko."Selena...ang ganda mo. Totoo." puri niya sakin. Sus, nambola pa'to gusto lang yata ng makokopyahan. Biro lang.
Dalahan ko lang naman eh white lettuce top, coffee-colored below the knee pleated skirt, white converse low cut, black hand bag at light make-up lang. Ganito naman talaga ang nga pormahan ko."Totoo ba 'to?" hawak niya sa kulot kong buhok.
"Ah, oo. Nagmana siguro ako sa Mama ko, kulot din." sagot ko.
"Hindi ka tiga dito noh. Kahit' wag mo nalang sagutin. Halata naman Selena. Tingnan mo yung mga kaklase natin, matutunaw ka na sa tingin nila." turo niya sa dulong row at tama siya. Parang may sisisihin dito sakali mang mawala ako.
"Umiwas ka sa mga yan, Selena. Sikat yan sa pinanggalingan nilang paaralan nung high school. Sikat sa sakit ng ulo." natawa ako dahil sa galing niyang magsalita.
Gaya ni CJ, totoo siya. Bihira na lang kasi ng tao na ia-appreciate ka."Business Management ka rin ba?" tanong ko sa course niya.
"Hindi. Business Marketing ako." sagot niya.
Hapon na at uuwi na dapat ako nang nakasalubong ko sina Sarah, CJ at iba pa nilang kasama. Nginitian ako ni Sarah at mga kasama nila maliban sa mga babae ngunit hindi ako pinansin ni CJ. Anong problema nun?
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Ficção GeralCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...