"Selena, gumising ka na. Nandito na tayo, anak." sabi ni Papa at naramdaman ko na huminto na ang sasakyan.
Kinusot ko ang mata ko upang maging malinaw ang nakikita ko.
Oo nga pala at hindi ko naisuot ang salamin ko sa mata.
Isang babae na medyo may katandaan na ang abot langit ang ngiti na lumapit sa sasakyan at hudyat narin ni mama para salubungin siya, si tita Veronica.Magtatangka si Papa na bitbitin ang bagahe na hawak ko ngunit simabi kong ako nalang, kaya sumunod na kami kay Mama na lumabas sa kotse.
Pero lakong gulat ko sa reaksyon ni tita na hindi mo mawari kung matutuwa o maiiyak."Ito na ba si Lorraine? Sobrang ganda parin ng batang ito ano... manang mana sa tita." ngumisi ako nang pilit dahil sa sinabi niya. Huwag niyang sabihin na nanay ko siya. Nakakatawa talaga si tita.
"Ay naku mare, ang sabihin mo ay mana sa Mama." kakasabi kang ni Mama iyon ay tumikhim si Papa kaya napatawa kaming lahat. Ayaw ba naman patalo.
"Ay pasok kayo. Teka lang ha at tatawagin ko ang anak ko para maipaghain namin kayo ng miryenda... Coleen!!!!" tawag nito sa anak at sabay tumungo sa kusina.
Nagmiryenda muna kami pagkatapos ay tumungo kami na kami sa wakas sa titirahan ko.
Isang mumunting bahay na kompleto naman sa gamit pang kusina, sa sala at kahit sa kwarto.
Perfect ito para sakin lang. Wala akong balak na magkaroon ng makakasama dito dahil hindi ako kumportable. Kung sa kaligtasan ko naman ay kaya ko ang sarili ko, marunong naman akong mag-self defense.
Tsaka para wala akong iisiping iba kundi ang pag-aaral ko at ang pagbawi ko sa bahay namin.Dalawang kanto lang inilayo ng bahay nina Sarrah mula dito, kaya kung mayroon mang emergency ay agad akong makakahingi ng tulong.
Sinigurado naman ng mga magulang ko na wala akong magiging problema."Magiingat ka dito Selena, ha? Kung may kailangan ka o may sasabihin ka, tumawag ka agad sa amin ng Papa mo ha?" bilin ni Mama.
Tumango ako at yumakap na sakanya.
"Wag mong papabayaan ang sarili mo dito ha? Kung may mananakit sayo, gugulpihin ni Papa. We love you, anak." naluha naman ako sa mga bilin ng dalawang mahalaga sa buhay ko kasi naman eh, parang ayaw ko na tuloy silang umalis.
Nagpaalam na nga sina Mama at Papa at naiwan na akong mag-isa sa bagong titirahan ko, at okay lang naman sigurong tawagin ko itong bahay ko. Kahit hanggang sa matapos ako sa pag-aaral.
Nakaupo ako sa sofa dito sa sala, kaharap ko ay isang Television at mga lalagyan ng mga babasahin.
Sa kaliwang pinto sa isang dipa mula sa sala ay ang pinto nito, iyon ang kwarto ko.
Sa kanan naman, ay ang kusina. Mayroon ditong ref na sakto lang sakin at stove. Mini-L kitchen style for short.
Ang CR naman ay nasa tabi ng kusina.Gusto kong umidlip muna saglit upang mawala manlang konti ang pagod ko sa biyahe.
Ngunit nang bumagsak ako sa kama ko, napansin kong hindi siya maalikabok. Marahil ay nilinis muna 'to nina tita Veronica.
Tumingin ako sa phone ko, nagbabakasakali na may Lance man lang na magparamdam.
Ngunit wala kahit isang tawag, chat o text man lang na natanggap ko.
Ano ba kasing nangyayari sakanya? He's being unreasonable.Alam ko mali yun dahil hindi ako nakipag-usap ng maayos bago ako lumuwas dito, ngunit hindi naman kasi niya ako sinasagot ng matino.
Sa katunayan tinatawagan ko siya buong byahe maliban nalang nang nakatulog ako. Tsaka kahit ngayong mga oras na ito, sinusubukan ko siyang i-contact pero sa kasamaang palad, walang signal sa Maligaya.
Hindi ko yun naisip dahil noong mga bata pa kami, hindi naman pino-problema 'tong mga ganto dito.Napatingala ako sa kisame ng kwarto ko at napaisip, kaya ko ba' tong pinasok ko?
Hindi ko mapigilang hindi mapatanong dahil wala akong ideya sa naghihintay sakin sa pagbawi ko sa kung anong para sa akin.
At kung kakayanin ba namin ni Lance na mapalayo sa isa't isa?Nagising ako pero napansin ko sa may bintana ng kwarto ko na madilim na, ibig sabibin ay gabi na.
Kumakalam na ang tyan ko pero wala pa akong mapag-kukuhanan ng pagkain.
Sinubukan kong lumabas, nagbabakasakaling makahanap ako ng kantina o tindahan na malapit mula sa tinitirahan ko at hindi naman ako nabigo.
Hindi nakakatakot na gumala o maglakad-lakad sa lugar na 'to, bukod sa mailaw ay magkakalapit lamang ang bahay.
Naabutan ko sa tindahan ang isang ginang.Habang bumibili ako ay mayroong dalawang bata na nasa likuran ko.
Halata namang bibili din."Bata." tawag ko sa kanila tsaka naman silang mabilis na tumingin.
"Mauna nalang kayo, para makauwi na kayo." alok ko sa kanila."Salamat po, ate." tuwang-tuwa silang nagpasalamat.
Habang bumibili sila,
"Kulang kayo ng sampung piso, Mikay. Umuwi ka muna at kumuha ng pera at bumalik kayo ha?" paggabay ng ginang.Pero bata sila at gabi na, baka kung ano pang mangyari sa kanila.
"Ale, bayaran ko nalang ho kung ano man pong binili nila. Gabi na po kasi eh, baka may masamang magyari sa kanila, gabi pa naman po. Eto ho bayad ko." hindi nakapagsalita ang ginang at agad binigay sa mga bata ang binili nila.
Nang paalis na kami sa tindahan, nagpasalamat ulit ang dalawang bata.
Dalawang batang babae pero mas matanda siguro 'tong isa na bumuli kanina."Anong pangalan niyo?" tanong ko sa dalawa. Nahihiya pa sakin yung mas maliit pero nakangiti sakin ang ate.
"Ako po si Lala, siya naman po ang kapatid ko na si May-may." sagot ni Lala, ang mas matanda sakanila. Natuwa naman ako sa pangalan nila, parehong nauulit. Pangarap ko kasi noong bata ako na cute din sana ang pangalan ko, nabully kasi ako dahil sa Selena dahil pangmatanda raw.
Pero ngayon, nagandahan na ako dahil tunog dalaga, di tulad ng mga nambully sakin, Baby? Pagtanda Baby parin? Hahaha."Ako naman si Selena." nakipagkwentuhan ako sa mga bata, na tatay nalang ang meron sila, kung bakit sila bumili nang sila lang, nalaman ko na 6 na pala si Lala at 4 palang si May-may, tsaka pati narin yung tatay nila, na mabait daw at kung ano-ano pa.
"Saan ka nakatira ate?" utal na tanong naman ni May-may.
"Tanaw na natin ang bahay na tinitirahan ko, May-may. Yun oh..." turo ko sa kanila at nagulat ako nung pareho silang tumakbo.
"Madapa kayo, Lala! Wag kayong tumakbo!" sigaw ko ngunit hindi sila nakinig. Kaya tumakbo narin ako para mahabol sila.
Bakit kasi sila tumatakbo? Nang huminto sila, napahinto nadin ako. Naglakad ako ng marahan upang lumapit sakanila.
"Totoo, ate? Dito ka nakatira?" tumango nalang ako dahil sa pagod sa pagtakbo, at parang hindi pagod 'tong dalawa, pambihira. Matanda na' ko. Napasapo naman ako sa nuo kong butil-butil ang pawis."Bakit kasi kayo tumakbo? Saan ba ang bahay niyo at ihahatid ko na kayo." hingal ko pading sinabi.
"Doon lang... ate." turo ni May-may sa bahay na katapat ng bahay ko, kalsada lang ang pagitan.
"Hala, maghihintay si Tatay, tara na May-may. Salamat po ate, Selena." at ngumiti naman ako.
Anino lang ng tatay nila ang nakita ko dahil pumasok agad siya sa bahay nila. Kawawa naman 'tong mga bata.Pwede ko kaya silang hiramin minsan? Para naman may magbibigay sakin ng saya habang nandito ako.
Masuerte ang tatay nila dahil mayroon siyang mga mababait na anak.
Namiss ko tuloy sina Mama at Papa.

BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...