Chapter 10

1.5K 16 0
                                        

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na." he asked.

"Just enjoying to watch the stars how they shine through the dark." sagot ko. It is a silent night. Listening to the waves of the sea hugging the shore and to the sound of the night are music in my ears.

"You are loved, Lorraine. I can feel, this is hard for you...pero magiging okay din ang lahat." and I felt secured.

"Bakit kasi may mga tao na kailangang maging masama para lang makuha ang gusto nila." paglalabas ko ng hinanakit ko.

"Heto ang tatandaan mo, Lorraine. You will be inheriting all of my properties. Yan ang dahilan kung bakit pinatay si Mariano. Promise me, to take care of yourself." he softly bid the last part.

"Yes, Lolo."

______________________________________

"Anong lugar 'to?" tanong ko.

"Ito ang mansyon ng mga Zamora." malamig niyang sagot.

"Ito ang bahay niyo? So bahay lang ng mga bata yun?" tukoy ko sa bahay niya.

"Hindi, wala akong balak na tumira sa bahay na yan." halata sa boses ni CJ ang galit.
Oo, siya ang sumama sa akin na maglibot at hindi si Kyle dahil ngayon pala ang date nila ni Coleen dahil weekend naman.

"Let's go." sabi niya at umalis din agad kami kahit kahihinto lang ng sasakyan niya.
Sa gitna ng tahimik naming pagbaybay ang susunod naming pupuntahan ay napatanong siya.
"Selena, wala ka bang naging sakit?"
Natawa ako.

"Bakit ka naman biglang nagtanong ng ganyan? Oo, noon." sagot ko.
Pagkahinto ng sasakyan, bumaba siya kaya hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto at bumaba din ako.

Nandito kami sa isang bukid.
"Dito ang isa sa pinakamalaking pinagkukuhanan ng yaman ang mga manggagawa ng Masigla, ang Pinyahan."
Nakakalula ang lawak ng pinyahan. Hindi ko matanaw ang hangganan.
Sinalubong kami ng isang matandang babae at inabutan niya si CJ ng payong.
"Salamat po 'nay Suling." pagpapasalamat niya.

Nakisilong kami sa mga nagpapahingang manggagawa at naabutan namin silang nagmimiryenda.
"Magandang araw, Sir CJ." bati nila.

"Magandang araw din po sa inyo. Ito si Selena, kaibigan ko. Ipinapakita ko nga po sakanya ang mga ipinagmamalaki ng Masigla. Pwede po ba akong pumitas, Mang Kiko?" pagpapaalam niya.
Tumawa ang mga tao sa kanya.

"Itong batang 'to talaga. Eh kahit hakutin mo lahat eh sayo naman ito." sabi ni Mang Kiko. Inabutan naman siya ng isa sa mga maggagawa ng straw hat o Balanggot sa tagalog, proteksyon sa masakit na sikat ng araw.

Pinatabi ako ni Aling suling sa kahoy na bangko kung saan siya nakaupo.

"Selena, pasensya na ha. Amoy araw ako dahil sa pagbababad. Nako heto, kumain ka muna." alok niya sa mga kakanin na nasa isang bilao. Wow.
Sobrang tagal ko nang hindi nakakakain nito kaya hindi na ako tumanggi.

"Salamat po. Sobrang sarap." sabi ko. Totoo, lalo na 'tong suman.

"Ay salamat naman kung ganon. Alam mo si CJ, mabait na bata yan. Dati maluho yan. Pero noong nakita niya na nahihirapan ang mga tao, ibinenta niya ang mga kotse niya at kung ano-ano pang mapagkukuhanan ng pera. Binili niya itong pagkalawak-lawak na bukid para dito kami magsimula." kwento niya. Napatingin ako sa masayang pumipitas na si CJ sa hindi kalayuan kasama si Mang Kiko.
Mabuti nga siyang tao.

"Talaga po? Paano po niya kayo nabibigyan ng sahod kung siya lang po? Tumulong po ba ang mga magulang niya?" tanong ko. Nagtinginan sila at sinagot ako ni Aling Suling.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon