Chapter 28

532 7 0
                                        

Selena's POV

"Excited na ako!" Tili ni Coleen.

"Krengkreng, sakit mo sa tenga." Reklamo ni Mico.

"We have to finish our finals first, love." Paalala ni Kyle.

"Oo nga naman pero pwede niyo bang sabihin sakin kung saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Gulong-gulo ako. Kasi naman, katatapos lang ng exam ko ngayong tanghali kaya nahuli akong pumunta dito sa tambayan. Naabutan ko silang nagpaplano ng retreat.

"Sis, pupunta tayo sa trending na pasyalan sa karatig bayan. May beach, campsite at resort daw doon. Mags-stay tayo dun ng tatlong araw." Balita niya.

"Ah, okay." Pagsang-ayon ko.

This day is tiring. Buti nalang nakapagfocus ako sa pag-take ng exam kahit napakadaming ganap sa buhay ko lately.

Wala naman akong magagawa kundi ang sumama. Ano naman ang buhay ko sa tatlong araw na yan kung magpapaiwan ako? Tsaka para nadin masulit ko pa sila kahit sa ganung kaikling pagkakataon lamang.

"Lorry, matanong ko lang. Bakit pangalan mo ang nakasulat sa katawan nung namatay?" Tanong ni Mico out of the blue.

Bakit nga ba?

"H-hindi ko alam, Mico." Sagot ko dahil yun ang totoo. Hindi ko alam kung ano ang atraso namin sa pumatay kay Mang Jasper pero isa ang sigurado, ang Lorraine na tagapagmana ang pakay niya. Malas nalang niya dahil hindi ako yung kailangan niya.

Tumayo si CJ mula sa sofa at tumungo sakin.

"Guys, listen. Hindi natin alam kung ano ang dahilan ng killer para idamay si Selena kaya nasa panganib ang buhay ng kaibigan natin. Sa pagpunta natin sa retreat may pusibilidad na tangkain nilang gawan ng masama si Selena kaya kung may kahinahinala, sabihan niyo 'ko." Bilin ni CJ.

Napatingin ako sakanya nang may paga-alala.

"Tama si CJ. That's why when we get there, no one must get left behind." Pagsang-ayon ni Kyle.

_______________________________________

Naga-ayos ako ng gamit ko sa locker dahil magiiwan ako ng books. Weekend na naman bukas pero wala akong gagawin kaya iiwan ko nalang ang mga libro ko. Nakakastress talaga Friday na nga kailangan pang mag-uniform, nakakatamad pa naman ang skirt. Nakarinig ako ng mga nagtitilian pero hindi ko yun pinansin dahil baka nagkakatuwaan lang ang mga kapwa ko estudyante. Tumambad sakin ang isang Charles Jacob Zamora nang isara ko ang locker ko.

"CJ, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sinusundo kita." Sagot niya at naunang maglakad.

"Hindi mo na kailangang gawin 'to." Reklamo ko sa likuran niya.

Umikot siya para harapin ako.

"Sa tingin mo ba mapapalagay ako after what happened the other day?" Aniya.

"Kaya ko namang umuwi mag-isa." Pagpupumilit ko.

"No. Paano kung nandito pala sa campus ang killer? Selena, quit it. Susunduin kita everyday and anywhere." Pangangatwiran niya.

"Okay, sige. Ikaw ang bahala." Tugon ko at nauna nang maglakad nang nakasimangot.

"Hey, galit ka ba?" Halos pasigaw na niyang tinanong.

Ramdam ko ang pagbuntot niya sakin. Nang malapit na kami sa parking lot, hinigit niya ako sa kamay at hinila.

Nagulat nalang ako nang sinalubong niya ako ng isang marahan na halik.
Agad naman siyang humiwalay. Dinig ang bulungan ng mga estudyante na nasaksi sa nangyari.

"Hala, diba may boyfriend na siya yung guest noon?"

"Malandi din naman pala si Selena."

"Paano niya nagawang lumandi kahit may namatay na nga dahil sa kanya?"

Iilan lang yan sa mga pinagsasasabi nila. Halos maluha ako nang marinig ang mga salitang yun. Bahagya namang pinunasan ni CJ ang mga nakatakas kong mga luha.

"Hey, get a life! Puro kayo chismis!" Sigaw niya sa mga nagbubulongan at agad naman silang umalis.
"Shh.... I'm sorry. Stop crying." Pagtahan niya sakin.

Buong byahe, walang nagsalita samin. Wala akong balak magsalita pero ako ang unang bumasag sa katahimikan nang mapansin kong hindi ito ang daan pauwi.

"CJ, saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa lugar kung saan tayo lang dalawa." Sagot niya.

Ilang minuto ang lumipas nang marating naman ang sinabi niyang lugar. Ito ang lugar kung saan ginanap ang car racing noong sinabak ako ni Kyle.

Hinila niya ako sa mga upuan kung saan naupo ang mga audience sa laro.

"Upo tayo." Aniya at umupo nga kami nang magkatabi.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang na walang ibang tao na makakapagisip, makakapagsalita o makakagawa ng masama laban sayo." Sagot niya.

"Salamat." Sabi ko.

Inabot niya ang kamay ko at binigyan nito ng halik. CJ, kung alam mo lang kung ano ang nagagawa sakin ng mga halik mo.

"Ayokong umiyak ka." Aniya.

"Edi patahanin mo 'ko." Sabi ko.

Puno nang pagiingat niyang hinahaplos ngayon ang aking pisngi. Gusto ko ang labis niyang paga-alala para sakin at kung paano niya ako protektahan na parang babasaging bagay.

"Pwede ba kahit pagmamay-ari ka ng iba?" Tanong niya.

CJ, kung alam mo lang na sayo ako.

"Dapat siguro na tanungin kita ng parehong tanong." Sagot ko.

"Selena, I'm yours noon pa man." Aniya.

Hinaplos niya ang kanyang mainit na palad sa pisngi ko.

Pero hindi ka akin.

Pagmamay-ari ka ng kapatid ko. Ngunit maaari bang habang wala pa siya, aangkinin muna kita?

Pwede ba yun?

"Anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Iniisip kita." Sagot ko. Dahil dun, mabilis niyang inangkin ang mga labi ko. Mapusok at uhaw na halik.

_______________________________________

Hinatid ako ni CJ pauwi at nang marating namin ang bahay, nagtaka ako kung bakit bukas ang pinto.
Ako at si Tita Veronica lang naman ang may susi ng bahay.

"Bakit bukas ang pinto?" Tanong ni CJ.

"Siguro si Tita Veronica yan." Sagot ko.

"I doubt." Tugon niya.

Nauna akong pumasok at tumambad sakin ang kinalat na mga gamit sa bahay at mga patay na daga.

"Ahhh!" Sigaw ko sa takot.

Naghalong takot at pandidiri ang naramdaman ko. Nanginig ako sa takot at nanghina.

_______________________________________

A/N: Sorry po kung mabagal ang update ko. Sobrang saya lang ng puso ko kaya hindi ko na minsan maalala ang magsulat. We're expecting a big blessing sa buhay namin ng partner ko so please understand me.

Salamuch loveyys!

Stay tuned dahil pasasakitin ko ulo niyo, charot.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon