Chapter 19

753 7 0
                                        

Nagising ako sa isang pagyakap.

"Good morning." salubong sakin ng isang Charles Jacob!?

"Oh my gosh! Hindi, a-anong nangyari?" sigaw ko.

"Walang nangyari Selena. We slept together. Nothing more." aniya.

Yan ang eksena kinumagahan ng Sabado. Naniniwala naman akong walang nangyari dahil wala namang masakit, alam niyo na yun. Hindi ko lang maharap si CJ dahil sa guilt na nararamdaman ko para kay Lance. What if malaman niya, ano nalang ang sasabihin niya?

Pangatlong araw ng foundation week at hindi ko padin siya kinikibo.

Bakit ko kasi nagawa yun?

Ikakasal na ako soon, ano ba kasing naisip ko?

Ginawa kong busy ang sarili ko sa History booth namin.
Kasalukuyan nga kaming nagaassist ng mga students.

"Guys! May symposium daw ang MassCom, attend tayong lahat okay? Attendance is a must. They'll start in an hour kaya tara na." announce ni Mikay.

Yun ba yung imo-moral support ni Mico?

"Alam niyo, balita ko eh may surprise guest daw sa symposium. May pera ang MassCom." bulungan ng group mates ko.
Nang makalabas kami nang booth, nagaantay pala si CJ sa labas.

"Selena, kausapin mo naman ako." pagmamakaawa niya.

"CJ, pwede bang after nalang ng symposium?"

Ako ay nasa History group nang magstart ang pakulo ng MassCom.
Ang mga kaibigan ko naman ay nasa iisang sulok sa kaliwang bahagi ng auditorium.

'Different language of society' ang theme daw ng event.
Paano kaya sila magreraise ng fund sa strategy nila eh wala naman akong nakikitang desk ng entrance fee?

"Last language is the Language of Love." speech ni Dahlia.
Naghiyawan naman ang mga nakarelate.
"To give us an example of this language, please welcome our special guest, Mr. Lance Cameron Alves! Palakpakan naman diyan!" dugtong niya.

"What?" sa sobrang gulat ko ay hindi ako makapagreact. Bakit ngayon pa at bakit dito pa, Lance.

"Good morning! Maaari bang pakituro naman kung nasaan ang girlfriend ko." paunang salita niya sa mikropono.

Oh gosh. Pwede bang kainin nalang ako ng sahig?
Nilingon ko si CJ na alam kong galit ngayon at tama ako.

Walang ekspresyon ang mukha niyang nakatitig sa wala.

"Hon, this is for you.🎶🎶🎶🎶🎶🎶

Lance bakit noong ninanais kong makausap at makita ka ay hindi mo binigay?
Bakit ngayon ka lang? Akala ko, dadating ka na lang kapag tapos na akong mamili.
Deserving pa ba ako sa pagmamahal mo kung gulong-gulo na 'tong puso ko?

Hinila ako ni Dahlia paakyat sa stage.

"Hon, for you." kasabay ng pagabot niya ng bulaklak.

"Lance..." pangalan na lang niya ang kaya kong sabihin.

"Sorry for keeping you waiting. Naging busy lang ako sa preparation for our wedding. That's why I'm here to fetch you. To finally tie the knot." sanabi niya ang mga yun sa mikropono at dinig ng mga tao.
Hiyawan at palakpakan.

"What? You decided for the both of us, for my life without consulting me?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bakit pa natin patata-" hindi siya na tuloy sa sasabihin niya nang pumagitna ni CJ. Oo siya nga.

"Hi there, cousin. It's been a long time. Anyway, walang wedding na magaganap." buo at galit niyang sinabi.
Hinawakan niya ako sa kamay at hinubad ang singsing tsaka niya tinapon kay Lance.

"CJ! What are you doing!?" sigaw ko dahil nagulat ako sa ginawa niya.

"Let's go." yun lamang nasagot niya.

"Charles, hindi lahat nakukuha mo dahil hindi siya sayo!" sigaw niya.

Hindi ko namalayan na tumumba na pala si Lance sa sahig dahil sa suntok ni CJ. Agad akong lumapit sa boyfriend ko at ako na ang umawat.
Nagkagulo ang mga tao sa auditorium.

"Ano ba! Ano bang problema mo CJ!" sigaw ko.

Tumayo si Lance at aakmang susugod pero niyakap ko siya.
"Hon, please tama na. Please..." pagmamakaawa ko at natigilan siya.

"Tantanan mo kami CJ at hayaan mo kaming maging masaya." makalma na niya ngayong sagot.

"Tigilan moko sa kaartehan mo ha, PINSAN?"

Dumami ang tanong ko.

Nagsinungaling si Lance. Ang sinabi niya noong araw na lumabas kami ay hindi niya kilala si CJ.

Pero bakit nandun nga siya sa araw na yun? Ako ba talaga ang sadya niya?
Bakit yun inilihim ni Lance?

"Lance, umuwi na tayo. You owe me a lot of explanation." I stern.

Hindi ako mapalagay, paano kung magsinungaling lang siya ulit?
Pero ang sabi ni CJ sakin, magkaibigan daw sila dati.
Ano nga ba ang totoo?

Nang makauwi kami ay wala akong pinalampas na oras.
"Anong sinabi mo na susunduin moko? Para ano, magpakasal?" galit kong tanong.

"What's keeping us to wait until we graduate kung dun din naman tayo pupunta?" aniya.

"Lance, we're too young! Besides, you can't decide for me. Bakit ka nagmamadali eh hindi naman ako mawawala sayo." sagot ko.

Hindi nga ba, Selena?

"I hope so, Selena. I just want to protect you."

"From what!? From CJ? Sabihin mo nga sakin, pinsan mo ba talaga siya?" tanong ko.

"Yes. Magpinsan si Mommy at ang Daddy niya."

Napasapo ako sa noo ko. So tama nga siya.

"So you lived here before?" tanong ko ulit.

"No, hon. I came home from Brazil noong nalaman kong nagkakaproblema na dito sa masigla." sagot ulit niya.

"Noong naaksidente ako, sinabi mo na boyfriend kita nang mahigit isang taon. Totoo ba yun?"

"Totoo, Selena. Limang buwan tayo noong umuwi ako para ilayo kita dito. Tinulongan tayo ng mama at papa mo na makaalis papuntang Manila. Doon mo piniling mag-bakasyon sa Alaska at doon ka naaksidente." kwento niya.

Duda ako. Sa Alaska ako lumaki at hindi lang yun bakasyon. Hindi ko sasabihin iyon dahil hindi ko pa alam kung ano naman ang kwento ni CJ.

"Bakit kailangan mo akong ilayo, ano ba ang naging problema dito?"

"Your Lola was killed at hindi nila alam kung sino ang may gawa. Your Lolo decided to make his last will and testament sakaling ano man ang mangyari sakanya. He transferred all of his wealth to you. Noong nalaman yun ng mga Zamora, they tried to hunt you down." pagkwento ulit niya.

Napatakip ako sa bibig ko at nanginginig ang kalamnan ko sa narinig ko.
Kaya ba ganun umasta noon si Tita Elaine?
Mula saking likod ay niyakap niya ako at ramdam ko ang init ng kanyang paghinga.

"Umuwi ka na. Hayaan mo muna akong mag-isip." desisyon ko.

Ayokong ikasal sa kahit kaninong may itinatago.
Kailangan ko munang kausipin si CJ sa parehong bagay.

Doon ako magdedesisyon.

Bakit ganito? Pakiramdam ko hindi ako masaya na makita siya.

_______________________________________

A/N:

Hi!

Kamusta kayong lahat? Pasensya na sa matagal na pag-update. Alam niyo na, gumraduate muna hahaha.

Lately, nawili ako sa Paul Laxamana films. Skl.

Keep on voting and reading! Salamat sa suporta at pagtangkilik.
Mahal ko kayo! Stay healthy.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon