Chapter 1

6.1K 34 0
                                    

Mayroon akong nararamdaman na lumalaro sa buhok ko dahilan kung bakit ako nagising.

Nakatulog pala ako sa kakahintay sakanyang magising.

"Hi" salubong niya sakin.

Si Lance.

Teka, panaginip lang pala yun.

"H-hi" hindi makapaniwalang sagot ko.

Parang totoo yung panginip na yun. Pero mas gusto ko kung ano man ang katotohanan ngayon-na okay siya at buhay siya.

"Okay ka lang, hon?" tanong niya sakin.

Oo. Okay na ako, lalo na't nagising ako sa bangungot na yun.

"Oo, okay lang ako. Gutom ka ba, hon?" pagiiba ko ng usapan.

"Opo. Tagal mong magising eh." tapos ay nagpout siya na parang bata.

Lumapit ako sakanya at yumuko para maabot ko siya sa kanyang pagkakasandal sa bed niya.

Pagkatapos ay hinalikan ko siya nang mabilis. "Sorry po." Sabi ko at pinaghanda ko na siya ng makakain.

Si Lance ay isang kidney cancer survivor.
Natuklasan namin na may sakit siya noong pagkagraduate naming highschool.
Isang taon siyang ginamot at inoperahan siya noong last summer before kami maggrade-12.

Kinaylangan nilang tanggalin ang isa niyang kidney dahil malala na. Dahil sa operasyon niya ay nacomatose siya ng mahigit o kumulang na five months at dalawang linggo palang siyang gising.

Kaya ko siguro napanaginipan iyon ay dahil sa sitwasyon niya.

Pero cancer free na siya. Yun ang sabi ng doctor.

Hands on ako sa pag-aalaga sakanya dahil ayokong maramdaman niyang naiiwan na siya sa pag-aaral kaya naman kung nandito ako sakanya, sinisigurado kong wala akong ginagawang school works.

Pagkatapos naming kumain ay ikwinento ko sakanya ang panaginip ko at hindi ko alam kung anong nakakatawa doon.

"Anong nakakatawa?" tanong ko nang nakapameywang.

"Hahaha. Sinigawan mo talaga sina mama?" tanong niya.

"O-oo. Eh paano naman kasi..." sabi ko.

Oo nga 'no? Nasigawan ko pala sila dun.

Kahit naman sino kung ganun ang nangyayari.

Hinigit niya ako at niyakap.

"Hindi ako mawawala." aniya.

"Kasi masamang damo ka?" biro ko.

"Hindi. Kasi magaling ang nurse ko." agad ko siyang pinalo.

"Aww!" reklamo niya.

"Mamamatay ka na nga, nakuha mo png mambabae! At sa nurse pa!" sabi ko. Alam ko namang ako yung nurse na tinutukoy niya.

"Ewan ko kung bakit mahal kita. Eh sino bang nag-aalaga sakin ngayon?"

"Wala kasi aalis na ako, kasi gabi na." sabi ko. Ako naman ngayon ang yumakap sakanya.

"Ay, oo nga pala. Magingat ka sa paguwi mo, hon." sabi niya.

"Oo naman po. Para sayo, hon." iniagat niya ang baba ko para pumantay ako sa kanya. Tsaka niya nilapat ang labi niya sa labi ko. Humgpit siya pagkakayakap niya at bumulong.

"I love you, agape mou." bulong niya.

"I love you more, agape mou." sagot ko.

Si Lance, ang nagbigay sakin ng pag-asa...dahil sakanya ay nagmahal ulit ako. Noong na-comatose siya hindi ko alam nun ang gagawin ko, gusto kong mag-aral at makapagtapos ngunit pas naging priority ko si Lance, dahil ang pag-aaral ko ay makakapaghintay pero si Lance, hindi ko siguro kakayanain kapag nawala siya sa buhay ko.

Paglabas ko mula sa bahay nila, nakita kong madilim na.
Lumingon muna ako sa bintana ng kwarto niya at nakita kong nakadungaw siya sa may beranda, nakasuporta ang kamay niya sa nakabendang beywang niya na naoperahan.
Pinanlakihan ko siya ng mata na nagsasabing pumasok ka na.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kuya ko para sunduin ako.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang isipin ang napanaginipan ko.
Para kasing totoo, kahit nalaman kong panaginip lang yun...naaapektuhan parin ako.

1 month ago kasi, parang may ganung usapan na ang mga tao tungkol sa kalagayan niya, kahit mga kapitbahay nila o sa school man yan ang sinasabi.
Na bakit hindi nalang daw siya pagpahingahin kasi kawawa daw. Kahit daw mabuhay siya, baka hindi rin daw maganda ang kalalabasan na maaaring habang buhay lang siyang nakaratay.
Sa totoo lang, sobra akong nadepress noon. Hindi ako makausap nang matino sa bahay, kahit ang studies ko napabayaan ko na.
That time parang gusto nang maniwala nina tito kaya siguro ganun ang laman ng panaginip ko.

Kaya naman sobrang saya ko nang magising siya. Katatapos lang ng exam ko noon nang tawagan ako ng ate niya at ibalita sakin ang paggising ni Lance.

Tatlong araw na din ang nakalipas simula nung nilabas namin siya sa hospital at napagpasyahang sa bahay nalang nila magrecover si Lance kaya tatlong araw nadin akong pabalik-balik sa bahay nila.
Sa isang araw na din yung Completion Ceremony namin, kaso hindi na kami sabay na magtatapos dahilan ng hindi niya pagpasok ng anim na buwan.

Maiiwan muna siguro siya sa Winston High para tapusin ang senior high school.

Kakayanin namin 'to.
Hindi ang Kidney Cancer nayan ang tatapos sa apat na taon naming pagsasama.

Kaya namin' to.

Kaya ko 'to.

**************

Sorry po sa mga nabibitin sa paisa-isa kong pag-update, intindihin niyo po ako mga minamahal kong readers dahil collage student po tayo at nasa critical year po tayo' noh? Haha.
Anyway, it's 16th day of March, 2021.
I'm officially changing this book's title from We're Done But You're Still The One to Astrophile.

This is to finally uplift through changing the flow of the story of Selena and not mine anymore. I do hope and pray that you would understand.

Regards wuth your families
God bless and keep safe.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon