Chapter 27

559 11 0
                                        

Nasa gitna ako ng pagluluto ng pininyahang adobong manok nang may kumatok.

"Coleen, may kailangan ka ba?" tanong ko.

"Sis, birthday ni Mico today. Punta daw tayo sa kanila mamayang hapon. Punta tayo ha?" Yaya niya sakin habang tinutungo ang kusina ko.

"Hindi ko alam, parang nagugulumihanan akong lumabas matapos yung nangyaring krimen." tugon ko.

Binuksan niya ang takip ng adobo tsaka tumikim.
"Hmmm, sarap nito ha. Ano ka ba, nandun naman yung tatlo. Anong silbi nila kung hindi nila poprotektahan tong mga jowa nila. Tsaka safe naman dun kina Mico." Aniya.

Mga jowa nila?

"Anong mga jowa nila?" Tanong ko.

Lumapit siya saking nakaupo sa sala.

"Hoy, babae. Huwag mo kong pinaglololoko. Umagang umaga ako pumunta dito kahapon. Nakita ko siyang walang t-shirt sa loob ng bahay mo... hindi ako maniniwala kung sasabihin mong walang nangyari sa inyo." aniya.

"Teka, mage-explain ako. Nakainum ako noon tapos hinatid niya ako pauwi, yun lang ang naalala ko. Nagulat din ako kung bakit wala siyang damit nang nagluluto. Hindi ko na natanong hangga't kumatok ka." Paglilinaw ko.

"O sige, sabi mo eh." Aniya at nag-decide na ding umuwi.

Nang matapos maluto yung manok, nagpasya akong mag-share din sa kapit-bahay ko. Sa sobrang dami ko nang utang na loob dun, kahit sa paborito man lang niyang ulam ako makapag-pasalamat.

Lumabas ang nakasimangot na si Lala ngunit lumiwanag ang kanyang mukha nang makita niya ako.

"Tatay! Si ate ganda!" masaya niyang sigaw.

Lumabas si CJ nang naka-apron.

"Hi." bati ko tapos inabot sakanya 'tong mangkok na hawak ko.

"Pasok ka, kakain palang naman kami. Kumain ka na?" Tanong niya.

Umiling ako bilang sagot.

Inabot niya ang ulam kay nanay berta tsaka niya sinara nang bahagya ang pinto nang pagpasok ko.

"CJ, pasensya na nga pala sa inasta ko nung isang araw." paghingi ko ng pasensya.

Hinubad niya ang suot niyang apron tsaka niya ako hinigit sa kamay.

"Naiintindihan ko naman, Lorraine. Alam kong isang araw ay handa ka nang sabihin sakin ang lahat." Aniya.

Tumango ako at nagpatangay sakanya patungo sa kusina.

Puno ng tawanan at asaran. Kesyo may gusto daw kami ni CJ sa isa't isa.

"Lala, anak. Matutulog kayo ni ate May-may ha? Sabi nila mabilis daw lumaki ang batang natutulog sa tanghali." Bilin ni CJ.

"Tatay, matutulog din po ba si ate ganda?" tanong ni Lala.

"Hindi po. May pupuntahan po kasi kami ni ate ganda." Sagot niya.

"Yieh..." Pang-asar naman ni May-may.

Natuwa ako sa asaran ng maga-ama at syempre sa pasensya at pagmamahal ni CJ sa mga bata.
Samantha, napakapalad mo sa lalaking ito. Kung pwede lang akong maging selfish at magpalit nalang tayo ng kapalaran.

Alam kong mali yun.

Si Lance ang boyfriend ko at ikakasal na kami at ang kapatid ko ang nagmamay-ari kay CJ.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon