"Lorraine, promise me. Take what's rightfully yours. Apo, magpagaling ka. Mahal ka ni Lolo."
______________________________________
Friday at huling araw ng preparations para sa foundation week. 10 AM na at malapit na kaming matapos.
Makakahabol pa ako sa paghahanda sa birthday party ni May-may.
Mabuti nalang at nakabili na ako kahapon ng ireregalo ko.
"Mikay, okay na ba lahat?" tanong ko sa leader namin.
"Oo Selena mauna nalang kayo at magrereport pa ako sa Student Council." pagpayag niya saming umuwi.
Hindi na ako nagbihis dahil pagpapawisan lang ako sa pagprepare kaya tsaka nalang kapag natapos kami.
"Nandito na si Lorry kompleto na tayo!" masiglang pagbabalita ni Mico nang makarating ako sa bahay nina CJ.
"So, anong maitutulong ko?" tanong ko.
"Selena dito!" sigaw ni Coleen sa mini stage sa may garden.
Pagdedecorate ang gagawin namin nina Kyle at Coleen.
Si Mico, busy sa rehearsal sa paghohost. Kwela kasi siya kaya bebenta siya sa mga bata. Kahit di na nga magpractice eh.
Si CJ naman, nakatutok sa mga event organisers. Hands-on Dad.
Hindi na daw sila uuwi dahil nagdala na sila ng damit. Eh sa tapat lang naman ang bahay ko.
Ano kayang susuotin ko? Paparty din daw kami pagkatapos kaya siguro yung all in one.
Dress nalang.
______________________________________
"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you!" 🎶
Kumakain kami nang nagbago ang expression ng mukha ng mga kasama ko.
"T-tita Elaine. Hello po." bati ni Kyle.
"Nasaan ang pinsan mo Kyle?" tanong niya imbes na pagbati.
"He's inside tita. May kinuha lang." sagot ni Kyle.
Marahil ay nanay siya ni CJ.
"Tita upo muna kayo." alok ni Coleen. Halata sa mga mukha nila ang pagkataranta.
Anong meron?
"Ma? What are you doing here?" gulat na tanong ni CJ.
"Oh son! Malamang dahil birthday ng apo ko. I brought you gifts May-may and Lala. I've missed you." halik niya sa mga apo niya.
Nagawi ang tingin niya sa akin at alam kong nagulat siya.
Well, pamilyar ba ang mukhang 'to?
"So it's true. Lorraine Villaruel is finally back! What brings you here in Masigla ija?" buo ang pagkwestyon niya sa akin.
"Para po sa pag-aaral ko." sagot ko nang kalmado. Mukhang inaasahan na niya ang bawat isasagot ko.
Baka sayo na ako magsimula, Elaine Zamora.
"Ohh! Hahaha you must be kidding. UP, UST, Adamson, FEU... Mga unibersidad ng Maynila na higit pa sa Legarda. Bakit kaya dito mo napiling mag-aral?" I'm convinced na alam niya ang pakay ko.
"Gusto ko po dito. Wala naman sigurong masama sa pagpili ng paaralan hindi po ba? Kayo din naman po, mayaman kayo pero bakit dito nag-aaral ang anak at pamangkin niyo?" pagsagot ko.
"Sassy... I like that, Lorraine." natatawa niyang binigkas.
"Selena nalang ho." sagot ko.
Bago pa man siya makaimik, hinila ako ni CJ papasok nang bahay.
Bumitiw ako nang nakalayo na kami.
"CJ, alam mong wala pa 'to sa lahat ng mangyayari." pagpapaalala ko.
"I know. Hindi ka titigilan ni Mama kaya nilayo na kita. Alam kong hindi ang party na ito ang pinunta niya kundi ikaw." aniya.
Napasandal ako sa pader sa stress.
Selena, sabi mo nga wala pa 'to.
Nagulat ako nang lumapit siya at lalo na nang dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. It's warm and it brought me shivers.
"If you could only remember, I was your knight and shinning armor. I'll always be." he said in husky.
Mali 'to.
Tinanggal ko ang kamay niya at dahan-dahang binaba.
Mali kasi ito.
Nang makabalik ako sa table namin, wala na si Tita Elaine at dahil dun ay nakahinga ako nang maluwag.
8 PM palang pero nakatulog na sa pagod ang magkapatid. Napagod sa tuwa. Nagkaroon ba naman sila ng mga kalaro.
"Lorry, umiinom ka ba?" tanong ni Mico.
"Oo, konti." sagot ko.
Di ko alam actually, ang naaalala ko sa Alaska ay malakas ako uminom pero mula noong umuwi ako sa Pinas, hindi ako pinapayagan ni Lance.
Nang malasing si Mico, hinatid na ni Kyle sa guest room.
Ni Coleen, hindi masyadong uminom, ayaw na daw niya ng hangover.
Kaming tatlo nalang ang umiinum.
Nahihilo na din ako ng konti lang.
Nagkukwentuhan lang sila habang ako ay nakikinig lang.
Hindi naman kasi ako makarelate sa throwback moments nila.
Ayoko ding umimik dahil awkward sakin ang nangyari kanina samin ni CJ. Kahit na ganun lang yun, para sakin big deal na yun.
Naguguluhan na ako. Ayoko sana pero tuwing naiisip ko si CJ nakakalimutan ko ang boyfriend ko. Mali 'to kaya nga dapat itigil na. Kaya ko naman sigurong bawiin ang yaman ni Lolo nang wala ang tulong niya.
Nakakarami na din ang inom niya. Tumigil na ako dahil nahihilo na ako.
"Hoy madam! Sabi ko, mauna na ako. Ihahatid lang ako ni Kyle. Buti sayo at sa tapat ka lang uuwi." pagpapaalam ni Coleen.
"O sige mag-ingat sa daan. Uwi agad ha." pagbibiro ko.
Nakaalis na sila at bagsak nadin 'tong kasama ko. Ba't kaya siya naglasing?
Teka, tatawag lang ako ng matulong para iakyat siya sa kwarto niya.
Kapag minamalas ka nga naman oh. Tulog na yata sila.
"CJ, umakyat ka na sa kwarto mo. Halika na tutulungan kita." paggising ko sakanya.
"Hmm.. yoko." apela niya.
Jusko pano 'to. Mabigat pa naman siya. Hintayin ko na kaya si Kyle?
Baka naman matagal pa yun.
"Aalalayan kita ha. Wag mo kong pahirapan." sabi ko.
Mars, ambigat niya. Buti nalang at kaya pa naman niya ihakbang ang mga paa niya.
Nang makarating kami sa tinuturo niyang kwarto, agad kong binuksan ang pinto at ihihiga na sana siya sa kama pero sa couch lang ang kinaya ng lakas ko.
Tinanggal ko muna ang sapatos niya at belt niya para makahinga.
"CJ, lumipat ka na sa kama para makatulog ka na." utos ko at dahan-dahan naman siyang lumipat.
Ang kaso nga lang hindi siya humiga ngunit sumandal siya sa headboard ng bed.
Lagyan ko nalang ng unan sa likod niya at uuwi narin ako.
Ilalagay ko na sana ang unan sa likod niya nang agawin niya yun at inilagay sa pagitan namin.
Nawindang ako nang hilain niya ako para mas lumapit pa sakanya at hinalikan ako. Oo, hinalikan niya ako...
Mali 'to, CJ.
Mali.
Pero hindi ko kayang bumitiw.
Hindi ako makahindi sa mainit niyang labi at paghinga.
Hindi ako makahindi sa gusto ng puso ko.
Alam kong mali.
Pero nagsimula akong gumanti sa mga halik niya.
Mali.
Lalo na nang maramdaman ko ang mga kamay niyang nililibot ang katawan ko.
Mali.
Pero nalulunod ako sa mga haplos at halik niya.
Mali nga bang bumalik sa nakaraan?
"Jacob..." tawag ko sa pangalan niya.
Pareho kaming naghahabol ng hininga.
"Lorraine, please dito ka lang." malambing niyang binulong.
Pwede bang kahit ngayong gabi lang maging tama ang isang mali?
"Dito lang ako." sagot ko at muli niya akong hinalikan nang marahan.
Kahit ngayon lang na maging totoo ako sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
