CJ's POV
"Tol, sinong inaantay mo?" tanong sakin ni Jimuel nang maadaanan niya ako sa tapat ng building ni Lorraine.
"Si Selena, tol." matipid kong sagot.
"Nakita ko siya kanina sa dumaan sa likod ng campus." balita niya.
"Sige, salamat." Matamlay kong sinabi.
Mabilis kong tinungo ang direksyon na binigay sakin.
Nakarating na ako sa huling building ng campus. Dito ay ang soccer field na kung saan ay naramdaman ko na tila amin ang kalawakan.
Mukhang wala namang tao. Siguro dumaan lang siya dito.
Aalis na sana ako nang makarinig ako ng mala-anghel na pag-awit.
Sinundan ko ang tinig hanggang nahanap ko ang babaeng may ari ng puso ko. Nakasandal siya sa isang malaking puno, nakapikit at kumakanta.
Siguro ay hindi niya narinig ang mga hakbang ko sa mga natuyong dahon dahil sa earphone na gamit niya.
Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
Mula sa kinatatayuan ko ay pinagmamasdan ko siya.
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until you learn to forgive
Mahal, handa akong patawarin ka sa hindi mo pagbalik at sa pagsasa-walang bahala.
Try as hard as I might
To flee the shadows of the night
It haunts me and it makes me feel blue
Dahil ikaw ang pahinga at ang pagluha.
Ikaw ang salita sa mga blangkong pahina.
But how can I try to hide
When every breath and every hour
I still end up thinking of you?
And in the end, everything we have makes it worth the fight
So I will hold on for as long
Mahal, lalaban ako sa pagitan ng ako at siya. Sa pagitan ng ngayon at umpisa. Sa pagitan ng mga nakalimutang ala-ala.
As leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until you learn to forgive
Hindi ko napigilan ang sarili nalumapit sa kanya. Sa pagmulat ng mga mata niyang maningning, nakita ko ang lungkot.
"C-CJ. Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Selena, kailangan nating mag-usap." sabi ko.
Tumayo siya at nagayos ng gamit.
"Wala tayong kailangang pag-usapan." sagot niya.
Nagsimula siyang maglakad papalayo at ganun din ako sa pagsunod sa kanya.
"Selena, pwede ba this time huwag mo kong takbuhan!" Sigaw ko sa mga pasilyo ng paaralan. Wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Tuloy lang siya sa paglalakad papalayo. Ngunit lakad-takbo ang ginawa nang higitin ko siya sa braso.
Hindi siya lumingon at hindi din siya nagsalita.
Kaya naman hudyan na sa akin yun na tangayin siya patungo sa kung saan kami makakapag-usap nang maayos.
Sa kagustuhan kong hindi siya makawala, sinigurado kong mahigpit ang hawak ko.
"CJ, nasasaktan ako!" Daing niya. Binitiwan ko siya mula sa braso pero hinigit ko din siya sa kamay.
Tinungo namin ang alam kong lugar kung saan kami makakapag-usap nang maayos.
Sa konting oras ng pagbaybay namin sa daan patungo doon ay tila isang kisap ng mga mata. Walang imik.
Nadako kami sa isang espesyal na lugar sa aming magkakaibigan, ang tambayan.
Isinara ko ang pinto tsaka ko siya binitiwan.
Dumiretso ako sa ref at kumuha ng icepack. Nilingon ko siyang nakatayo lang sa harap ng bintana. Lumapit ako sakanya at dahan dahan kong nilapat ang icepack sa kanyang braso.
"Pasensya na." Mahina kong sinabi.
"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin." Aniya.
Nilapag ko ang hawak ko kung saan at nagsimulang magtanong.
"Hindi mo ba talaga ako maalala?" Tanong ko.
"Hindi." Matipid niyang sagot. Hindi ako nakapagsalita sa kanyang tugon.
"Lorraine, please. Sabihin mo ang totoo, kasi nadami akong gustong malaman." mungkahi ko.
Sabihin mo na bumalik ka para sakin.
"Ano bang gusto mang malaman, CJ?" Tanong niya sa mataas na boses.
Sa gitna ng nag-uumapaw na emosyon ko, napakawalan ko ang mainit kong mga luha.
"Gusto kong sabihin mo kung anong nangyari sayo matapos kitang ipinagkatiwala sa pinsan ko. Kung panong hindi moko maalala, kung bakit bumalik ka at kung bakit pinili mo siya over me?" Mariin kong sinabi.
"Hindi ko alam." Aniya. Nialayo niya ang kanyang tingin mula sakin at tsaka tumayo.
"Pwede bang for once, bigyan mo naman ako ng sagot! Selena, bakit moko nagawang halikan at sinabing mananatili ka sakin kung si Cameron naman pala yung pipiliin mo?" Tugon ko.
Tumayo ako at lumapit sakanya na nakatalikod.
Hindi siya sumagot.
Mula sa kinatatayuan ko, amoy ko siya. Ibang-iba sa nakasanayan kong pabango niya.
Marahan ang paglapit ko nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Nakalimutan kong may kanya-kanya pala kaming susi dito sa tambayan.
"CJ? Selena? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Coleen. Hindi ko namalayan yun pala ang pagkakataon na lumabas si Selena.
Hindi ko na siya hinabol dahil hindi din naman siya magsasabi ng totoo kahit pa ikulong ko siya o kahit pa kaya kidnap-in ko siya.
Napasapo ako at marahang umupo sa pinakamalapit na upuhan.
"Anong nangyari, CJ? Okay ka lang ba?" Tanong niya.
"May tao bang magsasabing hindi sila okay kung tatanungin mo sila kung okay lang ba sila?"
_______________________________________
A/N: What's up madlang pebbles. Sana safe kayo mula sa lahat ng bagyo at lindol na naranasan natin. Alam kong hinihiling niyo na sana bumagyo din ng updates ang ASTROPHILE pero hindi ko kayang gawin yun kaya pasensya na.
Please do vote and share you insights through commenting.
XOXO.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
