"Salamat po Mang Francis. Kain muna po kayo ng agahan. Mahaba-haba pa ang ibabyahe niyo pabalik ng Maynila." alok ko.
"Sige po ma'am. Lalarga din po ako agad para ipag-drive ang Papa mo." sagot niya.
Pinapasok ko siya."May business trip na naman ba si Papa?" tanong ko habang naghahain.
Si manong Francis, ang driver ng pamilya. Pero madalas, hardinero siya dahil kapag kaya naman ni Papa ay siya nalang mismo ang magdadrive gaya nalamang noong hinatid nila ako dito sa Masigla.
Ilang araw din ang nakalipas matapos kong sabihin kay Papa na kukunin ko si Kia, ang kotse ko. Natagalan dahil pinayagan daw niya muna ang driver namin dahil may emergency sa kanila."Hindi ma'am, magbabakasyon daw sila. Isinama ako ng Mama at Papa mo." sagot niya.
Bakasyon?
"Abah, ngayon lang sila nakaisip na magbakasyon, na wala ako dun. Gaano po katagal, Mang Francis?" tanong ko sa nagaalmusal nang driver namin. Napagod siguro siya sa biyahe lalo na't wala siyang kapalit sa pagdadrive.
6 O'clock na nang umaga kaya kailangan ko na ding kumain kaya sumabay na ako sakanya.
"May nadaanan akong malapit na talyer sa may liko dyan sa tapat ng bilihan ng mga damit ma'am. Kapag may problema kay Kia, doon ang malapit na talyer dito sa tinutuloyan mo." sabi niya. Hindi ko iyon nakota dahil nakatulog ako sa biyahe.
"Hindi ba sila mahihirapan kay Kia?" tanong ko dahil hindi naman sa pagmamayabang pero iba hindi siya typical na kotse.
"Opo ma'am. Maayos na auto mechanics shop. Nagtanong-tanong nadin ako kanina sa nagbukas ng talyer, may-ari siguro." sagot niya.
Hindi rin nagtagal si Mang Francis at umalis na din.
Ngayon, mas dadali na ang buhay ko sa Legarda. Hindi ko na kailangang mag-commute at maglakad para kumain. Tsaka mahahanap ko na nang mabilis ang bahay ng Lolo.Nang makapark ako sa school, hindi pa ako pumunta sa classroom, dumiretso ako sa computer room.
Kailangan kong igoogle map ang bahay ni Lolo. Hindi ko magamit ang phone ko dahil mahina ang Internet dito.[Barangay Masigla, Villaruel street]
[Barangay Masigla, Villaruel residence]
[Barangay Masigla, Villaruel Mansion]
Ilan lang yan sa mga sinubukan kong iresearch.
Maghapon na halos wala akong bakante sa schedule ko, pero maayos naman akong nakakain kaninang lunch. Maghapon ding hindi ko nakita si Coleen o kahit si CJ.Patungo ako kay Kia dahil uuwi na ako at bibili pa ako ng dinner.
Nang makita ko si Janela na nauna nang maglakad kaysa sakin."Janela! Pauwi ka na?" sigaw ko at baka hindi niya narinig pero narinig naman. Bumalik siya.
"Oo, Selena. Nagmamadali ako baka kasi maunahan ako sa tricycle. Uwian na kaya daming students nito for sure." pagexplain niya.
"Bakit ba?" dugtong niya."Wala ka nang ibang pupuntahan?" tanong ko. Umiling siya bilang sagot.
"Ihatid na kita. Halika." alok ko. Hindi naman sa pagmamayabang sa kanya na may kotse ako kundi gusto ko siyang ihatid dahil mahirap magcommute.
Nagtaka siya sa sinabi ko, marahil ay hindi niya maisip kung paano ko siya ihahatid. Sumunod naman siya kahit nagugulohan si Janela.
Nakarating kami sa kotse ko nang may mga tao na nakapaligid kay Kia.
Teka, may balak yata silang sirain.Pinundot ko ang unlock button sa car key na nasakin at alam ko na nagulat sila. Lumapit kami kay Kia.
"Selena, tara na. Commute nalang tayo." natatakot sa sabi ni Janela. Nang makita akong lalapit sa mga tao.

BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...