Chapter 20

719 8 0
                                        


"Babe, can't we just run away?" malambing na suhestyon niya.

"Lorraine, susundan lang nila tayo. Hindi din ako maaaring sumama dahil sa mga bata at mga taong apektado. Kailangan kong ayusin ang naiwan nilang gulo." pagtanggi ko.



Niyakap ko siya ng napakahigpit na dagil ito na tila ito na huling sandaling yakap ko siya.



"Then what's the plan?" tanong niya.


"Makakauwi na si Cameron bukas. Escape with him. Your parents are waiting for you, susunduin nila kayo. Susunod ako sa Maynila kapag okay na ang lahat." sabi ko at hinalikan ko siya sa noo.
______________________________________



Huling araw ng foundation week kaya todo bigay kami sa booth namin.
Mahirap naman kung kaming Business Management ay matatalo sa fundraising.
Mamayang gabi nadin ang concert ng Engineering.




Hindi ko pa mahagilap si CJ kaya hindi pa kami makapag-usap.
Si Lance naman, umuwi na kinabukasan matapos ang paguusap namin.



Nagbibilang na ngayon ang group namin ng mga nalikom naming fund.
"Selena, okay ka lang?" tanong ni Janela.
Tumango ako bilang sagot pero sa totooo lang ay hindi ako okay.



Pinagmamasdan ko ang daliri ko kung nasaan ang engagement ring ko noon.
Nakakapanibago.



"Manonood ka ba ng concert-concertan Mikay?" tanong ng isa naming classmate.
Natawa kami sa choice of word na ginamit niya. Akala mo naman talaga concert ng bata.



"Hindi. Kung kakanta lang naman si Jimuel, wag na." sagot niya. Nagulat ako sa sinabi ni Mikay, akala ko hindi 'to makabasag pinggan.



"I smell something fishy." biro ni Janela.



"Naiinis ako sa pagmumukha niya." tugon ni Mikay.




"Bakit? Gwapo naman ah, mabait tsaka may sense of humor." gatong ko.
Sa mga mini-talks namin, ay yun naman talaga siya.




"Ang sabihin mo, 99% sense of humor, 1% mabait." sagot niya.




"Arte naman neto." pagsagot ng classmate namin na may beri-layt lang na baluktot.



"Eh ikaw ba Selena, manonood ka ba?" tanong naman ni Mikay.




"Oo, wala naman akong gagawin. Tsaka support ko nadin sa kaibigan ko." tugon ko.



Nang sumapit ang hapunan, niyaya ako ni Coleen na kumain sa kanila. Nagkwentuhan naman kami ni tita Veronica at heto na ko ngayon, kaharap ang mga pagpipiliang damit na susuotin ni Coleen.



"Sis, maganda ba? Tignan mo nga parang mataba akong tignan." aniya.



"Kahit anong suotin mo, maganda ka. Baka hindi na nga maaalis ni pareng Kyle ang paningin niya sayooo. Hahahaha!" tawanan namin.



"Eh buti sayo sexy ka. Kaya nga sasagutin ko na si Kyle mamaya para wala na siyang kawala. Bwaha-aww." pagbibiro niya.



"Bilisan mo na diyan. Isang oras ka nang nagbibihis." pagpapaalala ko. Tumayo naman na siya at pinulot ang unan na binato ko sakanya.



Nakakahiya naman sa kasama ko. Baka mapagkamalan akong anak niya.
Makalugay ang mahaba at straight niyang buhok. Yellow dress with matching flat sandals at purse. Dinner yarn?
Eh ako simpleng royal black sleeveless, high waist pants, sling bag at white shoes. Tsaka ponytail.



ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon