Chapter 13

1.1K 9 0
                                    

Isang linggo kong pinag-isipan ang mga bagay na bumabagabag sa utak ko. Dapat ko bang pagkatiwalaan si CJ kung siya mismo ang nagsabi na huwag akong magtiwala kahit kanino at kahit sa kanya?

Pero 'tong damdamin ko, gustong gusto siyang pagkatiwalaan. Siguro nga parte siya ng buhay ko noon dahil isang parte sa isipan ko ay may mga bagay na laman nito kahit hindi ko maalalang ginagawa ko o nakita ko.
Ramdam kong gusto niyang kilalanin ko siya at maalala kong sino siya sa buhay ko.
Nasa byahe kaming dalawa tungo sa isang lugar kung saan kami daw nagawi dati.
Narating namin ang isang burol kung saan ay kita ang kabuoan ng Masigla, ang dagat at ang pinyahan. Nakakalula sa ganda.
Ipinakita niya sa akin ang puno kung saan ang lilim nito ang aming silong at doon kami umupo, kaharap ang buong mundo.

"Selena, ano ang sasabihin mo?" tanong niya.
Dapat ay alamin ko muna kung tugma ang mga sasabihin niya sa naalala ko.

"Bakit ako nandito 3 years ago? Dahil kung kailangan mo ng sagot, mas kailangan ko ng mga sagot sa napakadami kong tanong na kahit nga magulang ko ay hindi nila kayang sagutin." kalmado kong sinabi.

"Nakatira kayo dito, lumaki ka dito at umalis nalang kayo 3 years ago." agad niyang sinagot ang tanong ko.

"Anong pangalan ko ang natatandaan mo at saan ako o kami nakatira?" agad ko ding tanong.

"Lorraine Villaruel at sa bahay na ipinakita ko sayo noong isang araw." he's really sure of his answers.

"Kung ganon, kayo palang mga Zamora ang may hawak sa bahay ng Lolo ko. CJ, ano 'to?"
Anong pinaplano niyang gawin.

"Lorraine, umalis ako sa bahay dahil alam kong mali sila. Binuhay ko ang sarili ko at ang mga manggagawa sa Masigla dahil ayokong matikman ang yaman ng pamilya mo na inangkin ng pamilya ko dahil mahal kita." I know that he's sincere but I couldn't just believe everything.

"How would I know you'll not gonna betray me after telling you things against your family?" I hissed.

"You know I can't do that. Selena, tutulongan kitang gawin ang dahilan kung bakit ka bumalik. Just promise me you'll going to trust me no matter what." sabi niya.

Ang issue ko ngayon,
"Dapat ba kitang pagkatiwalaan?"

"Kung ano ang sinasabi ng puso mo, Selena. Kahit hindi mo ako pagkatiwalaan, tutulongan parin kita." nang sinabi niya yun, hinawakan niya ang kamay ko.
'Tong puso ko, pinipili siyang papasukin ka sa buhay ko.
Pinipili kang pagkatiwalaan.

"Kahit maghirap ang pamilya mo pagkatapos kong bawiin ang lahat ng para sakin, tutulongan mo parin kaya ako?" malamig kong tanong dahil I need assurance na hindi ko siya masasaktan dahil kahit malabo, it matters to me kung anong mararamdaman niya.

"Oo, Selena dahil dyan kami nanggaling. Hindi ko naman sila hahayaang magutom sila pero gusto kong matutunan nilang paghirapan ang mga magiging yaman nila."

Alam ko sa sarili ko na dapat kong tanungin ang mga magulang ko kung ano ang totoong nangyari sa pamilya namin at kung anong nangyari sakin.

"Uuwi muna ako at tatanungin ang mga magulang ko kung totoo nga ba ang mga sinasabi mo. Luluwas ako sa Sabado." pasya ko at tumayo ako.

"Sasama ako." sagot niya tsaka din siya tumayo. Ano?

"Paano na ang pag-aaral mo? Hindi maaari na makita ka ni Lance at kung ano pang isipin niya lalo na't maayos na kami." pag-aalala ko.

"You want the truth then I'll give you the truth. Sasama ako para masigurado na sasabihin nila ang totoo."
______________________________________

CJ's POV

"Nanay kapag may emergency tawagan niyo si Claire at hindi sa kahit sino, kahit kay Kyle. Salamat po, mag-ingat po kayo, kung pwede huwag niyo munang papasukin ang mga anak ko habang wala po ako. Sige, 'nay." bilin ko ulit kay Nanay Berta. Mabilis naming nabaybay ang byahe pabalik sa dito sa Maynila dahil si C8 ang sasakyan namin. Malapit na daw kami sakanila pero dumaan muna kami sa Gas Station dahil maubos na ang fuel ni C8.
Sumakay agad ako pagkatapos kong tumawag kay Nanay.

"Yun, lumiko tayo sa kanan." turo niya sa magkaibang daan. Kinakabahan ako. Paano kung makita ako ng mga magulang niya at itaboy nila ako? Paano kung pinili nilang itago kay Selena lahat para hindi na siya maghanap pa, para hindi ko na din siya mahanap.

"We're here. Bababa ako para buksan nila ang gate." sabi niya at ginawa nga niya.
Isang malaking itim na gate ang bumukas at bumungad sa akin ang gray, white at black na kulay ng isang malaking bahay.
It's obviously a modern house.
Walang ganitong disenyo ng bahay sa Masigla.
Kung wala sa kanila ang yaman ng Lolo niya, paanong may bahay padin silang ganito kalaki?
Sa garahe kung saan ako nag park, may isang sports car, isang pick up at isang kotse.

Kumatok si Selena sa bintana ng kotse ko at hudyat para patayin na ang makina at kunin ang gamit ko sa likod.
"Pasok ka. Feel at home. Huwag mo nang isipin ang maghotel dahil mahihirapan kang maghanap ng malapit dito." pagbasa niya sa isipan ko.
Baka magbigti si Lance kapag nalaman niyang dito ako matutulog.

"Welcome back, ma'am Selena." bati ng isang kasambahay. Sa loob ng bahay, parang nasa bahay ako ng presidente. Ibang klase.
Lumapit sa akin ang isa sakanila at kinuha ang bag ko.

"Where are they? Bakit hindi nila sinasagot ang tawag ko?" tanong niya.

"Out of the country sila, kasama si Francis. May bisita ka pala, bakit hindi mo alukin ng miryenda." sagot ng isang matanda galing sa isang kwarto.

"Bakit daw Nanay? Anong gagawin nila don?" tanong ulit niya. Inalok niya ako ng pagkain.

"Bakasyon daw eh. Uuwi na sila bukas, yun ang sinabi ng Mama mo kagabi. Sino naman ang binatilyong kasama mo, Selena?" tanong ng matanda.

"Si CJ 'nay, kaibigan ko sa Masigla. CJ, siya si Nanay Linda ang punong abala dito sa bahay." pagpapakilala niya sa amin.

"Aba't mabuti naman at natuto kang makipagkaibigan. CJ, mabait ba itong alaga ko o pasaway?" tanong ni Nanay Linda. Bawal magsinungaling.

"Si Nanay talaga, sinisiraan ako. Hahaha biro lang." tawa ni Selena.

"Medyo lang po, pero mas mabait ako. Aww." hampasin ba naman ako ng katabi ko.
Hinatid ako ni Selena sa guest room daw nila. Parang isang hotel ang bahay nila, nakakalula sa laki.
Ano kayang naging trabaho nila dito sa Manila at parang hindi na nila kakailanganin ang Villa at ang Mansyon.

"Bored ka 'no." tsaka kumatok ang isang napakagandang diwata.
Ngumiti ako bilang sagot.

"You can watch sa TV tsaka iconnect nalang kita sa WiFi alam ko namang ibang network ang sim mo." she offered.

"No, it's okay." I answered.

Dahil sa pagod ko sa byahe namin, pinili kong matulog nalang kaysa mag cellphone pa.
Bumangon nalang ako nang naisip kong yayahin si Selena na mamasyal dahil matagal-tagal na din akong hindi nakalibot sa Manila. Hindi naman kasi ako nagenjoy noong huli akong pumunta dito, kung kailan ko nakita si Selena 'cause it's urgent.

Hinanap ko siya sa kanyang silid pero wala siya. Itinuro ni Manang Linda na nasa labas lang daw siya.

"For Pete's sake, Lance! Anong gusto mong gawin ko, hintayin kita? Kelan? Next year? Nag-aaral din ako kung nakakalimutan mo... At pinagdududahan mo ko? Sino namang kikitain ko sa Masigla hon?"

Hindi ko naman sinadya na marinig si Selena sa mga nasabi niya kay Lance sa kabilang linya.
Halatang ayaw niyang bumalik si Selena sa Masigla. Malinaw na may kinatatakutan siya.

Bantay salakay huh?
Don't worry Alves, wala naman akong aagawin. Kukunin ko lang kung ano ang akin.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon