Chapter 11

1.3K 14 0
                                    

"Ma, kumusta na siya?" tanong ko sa Mama ko na nasa kabilang linya.

"Ayos naman anak, tumawag siya sakin at nangangamusta." sagot niya.

"Sana maalala niya ako." malungkot kong sinambit.

"Magkakasama din kayo, anak. Makakapag-usap din kayo, maghintay at magtiwala lang tayo. We miss you so much."

______________________________________

CJ: Susunduin ka namin ni Mico sa classroom niyo. We will celebrate.

Celebrate, ano kayang meron?
Nireplyan ko siya.

Selena: Sige. 11:30 matatapos ang klase ko.

CJ: Okay yun para mas maaga tayo. 10:30 din naman ako lalabas dito 'cause it's friday.

*poke*

"Hoy." sundot sakin ni Janela.
Nahuli ko siyang nakadungaw sa phone ko kaya nilock ko ito.

"Hmm?"

"Abot langit ang ngiti ah. Jowa mo yun?" tukoy niya sa katext ko.

"Hindi, kaibigan ko." natatawa kong sinabi.
Pumasok ang professor namin kaya niliitan ni Janela ang boses niya.

"Anong ganap mo mamaya sa half day vacant mo?" tanong niya.

"May pupuntahan ako kaya ikaw, mag-focus ka sa mga subject mo pang natitira dahil wala kang kaChika mamaya." pangaasar ko.

"Sana all nalang ako." sagot niya.
Ganun talaga dahil hindi kami parehas ng schedule. Kapag college ka, matuto kang maging independent.

Nagkaroon kami ng activity na sasagutan individually.
Malapit nang matapos ang klase namin nang nagbulong-bulongan ang mga kaklase namin.
Hindi naman naririnig ng professor namin dahil matanda na siya at minsan mahina ang pandinig niya.

Sa bintanang nasa tabi ko ay dumungaw ako kung saan ang tinitignan ng mga kaklase ko.
Sila pala, ang sundo ko. Biro lang.

Anong ginagawa nila dito? Bakit wala si Kyle?

Tinitignan ako.

Napakagwapo nila.

Cute ni Mico pero kay CJ lang kakalampag.

Napailing ako sa mga bulongan ng mga babae.
Natapos ang klase namin nang nag-unahan sila sa paglabas.

"Bakit kasi nandito yang mga yan? Siguro manggugulo na naman sila." inis komento ni Janela.

"Janela, ano ka ba. Sinusundo nila ako dahil may lakad kami, inimbita kasi nila ako kasama si Coleen." sita ko sakanya. Huwag naman sana siyang mag-isip ng ganyan sa kanila o sa ibang tao dahil sa pagkakakilala ko sa kanila ay mabubuti silang kaibigan. Sadyang hindi lang sila maintindihan ng iba...katulad ni Janela. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis niya sa mga bago kong kaibigan.

Lumabas ako at naabutang nakikipag-usap si Mico sa mga babae at nasa likod niya si CJ na nakakunot ang noo.
Lumiwanag ang mukha niya nang matanaw ako sa likod ng mga ng sisiksikan nilang tagahanga.
Agad namang tinalikuran ni Mico ang mga babae na kausap niya nang nilagpasan ko sila at nagtungo kami sa parking lot sa likod ng building namin.

"Nakakastress talagang mapadaan sa building niyo Selena. Napapagod na ako sa mga babae." makulit na pinagsusundot ako sa braso ko na parang batang nagsusumbong.

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon