"Hi. Namiss kita." paglalambing ko.
"I've missed you too, hon. I'm sorry." sagot niya sa kabilang linya.
Matapos ang isang buwan, ngayon lang siya nagparamdam.
Tinanong ko kung paano niya ako nacontact ay tumawag daw siya sa bahay at nabanggit ni Papa ang sitwasyon.
Bumili daw siya ng sim sa online gaya ng sa akin. May cell-site kaya dun ng ganito?
"Ibaba ko na 'to, hon. May klase pa ako." paalam ko.
Sa buong araw, parang lahat ng bagay magaan sa pakiramdam. Siguro ay dahil maayos na kami ni Lance.
Nakauwi na ako at magluluto na sana nang may malakas at nagmamadaling katok na gumambala sa akin.
Huwag lang akong iinisin ng kung sinong nilalang na yan.
"Coleen? Anong nangyayari?" natataranta kong tanong dahil agad siyang pumasok sa bahay ko.
"Selena, nakita mo na ba si CJ?" tanong niya. Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao?
"Hindi. Buong araw ko siyang hindi nakita." sagot ko.
"Selena, ilang araw na siyang hindi pumapasok. Hindi siya sumasagot sa mga tawag namin. Wala ba siyang nabanggit sayo?" tanong niya ulit.
"Ganun ba? Wala naman siyang nabanggit, hindi nga siya tumatawag o text lang. Baka nagbakasyon lang." sabi ko. Sa dami ng iniisip nung tao hindi ako nagugulat na may inaatupag siyang iba.
"Pwede ba. Wala yung panahon na nagwaliwal. Siguro may nasabi ka sakanya, Selena. Tama ba?" tumaas ang bosed niya.
"Coleen, wala akong dahilan na sabihan siya ng kung ano-ano. Tsaka huwag mo akong sisihin dahil wala akong ginagawa." igting ko.
"You can't blame me na sinabi ko iyon dahil magmula noong galing tayo sa bahay nila Kyle, wala na siyang imik at hindi narin siya nagsalita! You're being insensitive, talking about your boyfriend infront of him." sigaw ni Coleen. Tinalikuran ko siya pero hinigit niya ako sa braso ko. Insensitive ako?
"Don't you dare insult me with Lance. You just know my name and nothing more. Babanggitin ko ang boyfriend ko kung gusto ko at kahit kanino. Walang dapat ikainis o ikasama ng loob ni CJ dun because he's out of the picture." paglilinaw ko. This is none sense, accusing me even I didn't do anything. This is insane.
"Sa tingin mo, Selena. Bakit ka nandito? Hindi ba't sa paghihiganti? Is it not for CJ?" naghalukipkip pa siya.
"Coleen, if he's missing then go find him. I don't think makakatulong yang mga salita mo. Dyan ka naman magaling." sagot ko at bumalik ako sa kusina. Kung gusto niyang lumabas, hindi sira ang pinto.
"Ganon lang yun sayo, Selena? After he protected you, after he trusted you, after he chose you over me, ganon lang yun?" kung nakasigaw siya kanina, ngayon ay tila nanghihina siya.
"Hindi ko siya inutosan para gawin yun dahil kaya ko ang sarili ko at anong gusto mong gawin ko? Hiwalayan ko ang 4 years ko nang nakasama sa 2 months ko pa lang na kilala? Should I do that?" napipikon na ako sa babaeng 'to.
"Oo, Selena dahil una mo siyang minahal. Ngayon kung ayaw mo kaming tulungan, bahala ka. It's your lost." sagot niya at umalis na siya.
Ano? Una kong minahal si CJ? Paano naman nangyari yun?
Lumabas ako at binuksan ang pinto para icheck kung tuluyan na siyang umalis.
Pero laking gulat ko nang makita si CJ sa harapan ko at si Coleen na naglalakad papalayo.
"Are you setting me up?" tanong ko dahil baka sinadya ni Coleen na sabihin yun sakin para marinig ni CJ lahat ng sinabi ko dahil ang totoo ay hindi man siya nawawala.
"Pasko yun noong sinagot mo 'ko. Hindi mo kailangang ipangalandakan na hindi mo na ako mahal." malamig at malungkot niyang sinabi.
Teka, nalilito ako at wala akong maintindihan. Masakit ang ulo ko, yun lang ang tanging malinaw sa ngayon. Sobrang sakit.
"Jacob..."
______________________________________
CJ's POV
Anong nangyari, Lorraine?
Anong ginawa nila sayo?
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nagtiwala.
After 3 years, narinig ko ding tinawag mo ako sa pangalan kong gustong gusto mong itawag sakin.
Mahal, alam mo bang hindi ko hinahayaan ang kung sino na banggitin yun kundi ikaw lang?
Naglakas-loob akong pagmasdan ang mukhang kay tagal kong inasam na muling masilayan.
Hihintayin kitang magising at itatanong ko sayo ang lahat ng ginawa nila sayo.
"Hmmm...no, no..." I think she's having a nightmare.
"Shhh, Selena. I'm here." pagpapatahan ko sakanya.
Naluha ako sa kalagayan ng minamahal ko. Tatlong taon siyang nawalay at tatlong taon din akong nangulila at ngayon na nandito na siya, napakakomplikado parin ang lahat.
This time, I will protect her with all I can. I won't let anyone take her away again from me.
"Anong nangyari?" tanong niya pagkamulat niya.
"Nawalan ka ng malay." sagot ko at nagpunas ng luha.
Tumayo ako at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko.
"CJ, I'm sorry. I'm really sorry. Akala ko kasi iniinis ako ni Coleen because of her jealousy. Sorry, sorry." narinig ko ang paghikbi niya.
Ito ang kahinaan ko na hindi alam ng tao. Nilingon ko siya, naka-indian seat siya. Umupo ako sa harapan niya at hawak ko ngayon ang kanyak buong mukha.
"Stop crying, I understand. Hindi ko lang matanggap na hindi mo na ako kilala." pagpapatahan ko sakanya at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya gamit ang hinlalaki ko.
"CJ, maniwala ka wala akong maalala. Kahit sarili ko, hindi ko kilala." iyak padin niya.
"Lorraine, anong ginagawa nila sayo? Sinaktan ka ba nila? Sabihin mo sakin at hindi ko palalampasin 'to." galit kong binitawan ang mga salitang iyon.
"Sino sila? CJ, wala akong maalala... Hindi ko alam. Hindi ko alam."
Pinakalma ko siya at sinabing kailangan niyang ikwento lahat ng naaalala niyang pangyayari. Hindi man ngayon pero kung kailan siya handang magtiwala sakin.
Lance, kung malaman ko lang na may kinalaman ka dito...magtutuos tayo.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Genel KurguCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...
