Chapter 29

516 8 0
                                        

CJ's POV

"Ahhh!" Sigaw ni Selena.

Napaupo siya at nakataklob ang mga kamay niya sa kanyang mukha at umiiyak. Tila ayaw niyang tignan ang mga kalat sa loob ng bahay niya pati narin ang mga nagkalat na patay na daga.

"Selena, hey. Shhh." Pagtahan ko sakanya. Itinayo ko siya at inalalayan papunta sa bahay tutal sa tapat lang naman ng bahay na tinutuluyan ni Selena.

"CJ, a-anong nangyari dun?" Nanginginig sa takot na tinanong ni Selena.

"Hindi ko alam, Selena." Sagot ko. Dinala ko siya sa guest room para dito muna siya natutulog.
"Magpahinga ka nalang muna dito sakin. Delikado pa sa bahay mo baka balikan ka nung mga gumawa nun." Sabi ko.

Hindi siya sumagot pero humiga siya sa kama at niyakap ang sarili niya at nanginginig parin.
Tinabihan ko siya tsaka ko siya pinakalma.

Nang makatulog siya, hinayaan ko siyang makapagpahinga at nagpalit na ng damit ko dahil nakauniform pa ako, oo nga pala pati si Selena nakauniform pa.

"Nanay Berta, may nanloob po sa tinutuluyan ni Selena kaya dito muna siya matutulog." Pag-inform ko sakanya.

"Aba't kamusta naman siya? Nawa'y hindi siya nasaktan." Pagaalala niya.

"Hindi naman po." Tugon ko.

Tumungo ako sa kwarto nina Maymay at Lala nang madatnan ko silang naglalaro.

"Tatay!" Sigaw ni Lala.

"Bakit ngayon ka lang po?" Tanong ni Maymay.

"Laging po akong school. Namiss ko kayo, pakiss nga." Sabi ko. Dahil sa sitwasyon ni Selena, kailangan ko siyang bantayan kaya minsan hindi ko na masyadong nakakasama 'tong dalawa na tinuturing kong mga anak.
Pero nandyan naman si 'Nay Berta kaya panatag din ang loob ko para sa kanila.

"Tatay, sabi ni teacher very good daw ako." Balita ni Maymay.

"Tatay, may star ako oh." Masigla na ipinakita ni Lala ang stamp ng star sa kamay niya.

"Wow. Ang galing naman ng mga princess ko. Dahil very good kayo, may reward kayo sakin bukas." Pangako ko.

"Yehey!" Sigaw nila.

"Pero, naligo na ba kayo?" Tanong ko.

Umiling si Lala.

"Kaya pala ang asim na ng kili-kili niyo. Maligo na kayo dahil kakain na." Sabi ko.

Again, something mysterious happened back at Selena's at lalo akong nagaalala para sa kanya. Ito yung kinakatakot ko pagmagisa siyang lunalabas o umuuwi dahil sa mismong tirahan niya ginawa nila yun, paano pa kaya sa ibang lugar?

Nagaalala din ako para sa mga anak ko. Paano kung ako pala ang pakay nila at pwedeng madamay ang mga bata? But I won't let them touch anyone I love.

Palubog na ang araw pero hindi parin nababa si Selena mula sa guest room.

"Tawagin mo na siya, CJ at kakain na tayo." Sabi ni 'Nay Berta.

"Mauna nalang po kayong kumain, maybe she's tired. Sasabay nalang po akong kakain sakanya." Tugon ko.

Napatayo ako nang may biglang kumalabog mula sa guest room kaya mas mabilis pa sa mabilis akong tumungo dun.

"Selena, okay ka lang? I'll open the door." Paanyaya ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok nalang ako. Naabutan ko siyang nasa sulok ng kwarto at nakayuko sa mga binti niya.

Tumakbo ako sakanya at narinig kong humihikbi siya.

"Lorraine, anong nangyari?" Tanong ko at hinawakan ko ang mga nakakuyom na kamay.

"CJ, natatakot a-ako." Pagiyak niya nang nakayuko parin.

"Shh... Hey, look at me." I demanded. Unti-unti naman siyang tumingin sa mga mata ko. "Nandito ako. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo." I assured her.

A tear escaped from her eye.

"Natatakot akong mag-isa." Pag-amin niya.

"Hindi ka nag-iisa." Sabi ko.

"Huwag mo 'kong iiwan." Paghikbi niya.

"I won't." Mabilis kong sagot.

I wiped those tears in her face away. Nang tumahan na siya, niyakap niya ako.

"Kung natatakot ka dito mag-isa, you can sleep in my room." I suggest.

"Huwag na." Pagtanggi niya.

"Hindi, okay lang. Para mabantayan din kita. Don't worry, walang ibang mangyayari." I said jokingly.

_______________________________________

Haysss, 'takte. Parang mali yung naging suggestion ko kanina. Hindi ako mapakali, knowing she'll sleep with me. Sleep lang naman.

I'm pretending I'm doing school stuff at my study table near my bed kung saan siya nakaupo at nagsusuklay ng buhok niya sa harap ng salamin.

Sh*t.

I'm going insane just by looking at her wearing my clothes. Sinadya kong buksan ang laptop ko kahit hindi ko naman ginagamit dahil nga kunwari lang na naga-aral ako para takpan ang view na nakikita ko gamit nito. Para iwas tukso, you know...

Stop, dude. May pinagdadaanan na nga yung tao.

"Ipapaayos ko pa yung tinitirahan mo. Kaya dumito ka nalang muna. Kung may kailangan kang gamit mula dun, sabihan mo lang ako at ako ang kukuha." I broke the awkward silence.

"Salamat." Aniya.

Nagiikot ang paningin niya sa loob ng kwarto ko at nilapitan niya ang mga nakasabit na frames ng mga sketches ko.

My shirt is too big for her but it suits her. Hindi ko na-anticipate na ilang hakbang nalang ang lapit niya sakin.

Self-control, CJ.

"Sino siya?" Tanong niya nang nakatingin sa isa sa mga sketches ko.
Ito ay larawan ng isang nakatalikod na babae.

Ikaw 'yan.

"She's my first love." I answered.

Humakbang siya palayo tungo sa drafting table ko sa kabilang side ng kama. Napatayo ako when I forgot I'm currently drawing something and I assume she already saw it nang makalapit ako.

"Ako ba 'to?" Tanong niya.

"Oo." I'm out of words for denying.
"Yan yung moment na nag-usap tayo sa soccer field nung gabi ng mini-concert nina Kyle. Nung gabing pinili mo siya over me." I said with a bit of bitterness. Don't get me wrong, naiintindihan ko naman siya sa part na yun. Sino ba naman ako para piliin niya.

I closed the gap between us with just an inch away and I'm about to claim her lips but I remember I might burst out of control so I stepped back.

Naupo ako sa kama at pinipilit kong kumalma. Niyapos ko ang buhok ko at napapikit dahil sa inner battle na nagyayari sa loob ko ngayon.

Pero natalo ako nang pagmulat ko ay nasa harapan ko na siya

ASTROPHILE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon