Tatlong araw nang walang paramdam ang Fiancé ko. Nakakalungkot, dahil sobrang hirap na hindi ko siya nakakausap, pero ang nais ko naman ay matuto siyang pakinggan ako, at pagkatiwalaan ako.
"Ano ka ba. Magpalit ka nga, Selena. Ano, bahay mo doon? Yung medyo pansinin naman." natatawang sabi ni Coleen sa suot kong T-shirt na white at maong na short tsaka sapatos na puti.
"Coleen, okay na 'to. Piesta lang naman yun tsaka ayokong mapagtinginan ng mga tao." depensa ko. Aba, ayos naman' to ah.
"Ano ka ba. Mapapansin ka parin ng mga tao dahil ngayon ka lang nila makikita. Tsaka, ayoko namang magmukha kang yaya ko." determinadong pagpupumilit niya sakin.
Tama naman siya... sa suot ba naman kasi niyang yellow dress at rubber shoes, mas nagmumukha pa siyang manila girl kaysa sa akin."O sige na nga." at pumayag na ako.
Kung magpapakilala lang din naman pala ako bilang tagapagmana, maging totoo na ako ngayon.
Sinuot ko ang pink na floral na dress ko, half-leg crossed gladiators at purse.
"Ganyan. Now that's better dahil makakasama natin ang ilang mga kilalang pangalan dito, at kasama na doon ang pinakamamahal ko." ahhh may boyfriend na din pala siya. Kung sabagay, hindi mo aakalaing single siya dahil sa ganda niya.
"So, let's go. I'm so excited!" sigaw niya.
"Okay lang ba talaga 'tong suot ko, Coleen? Hindi ba parang sasali ako sa pageant?" namomroblema kong tanong pero natawa siya doon.
"Selena, trust my taste. Hindi pa ito pumalya, laging pasok sa banga." pagmamayabang niya.
Malapit lang naman daw ang pupuntahan namin kaya mainam na lakarin nalang. Sa mga kalsada, nakasindi lahat ang mga poste at mas lalo nitong pinatingkad ang mga iba't ibang kulay ng mga banderitas na nakasabit.
Nang makarating kami sa kanto na mayroong bakanteng lote sa pagitan ng ilang bahay, may kalawakan ito at napansin kong isa itong basketball court sa open field. Sobrang nakakula ang simple pero magandang pagkakaayos ng event na ito. Hindi na banderitas ang nakasabit sa mga poste kundi mga ilaw, mga lamesa sa gilid at sa harap ay mahabang lamesa ng pagkain.
Napatigil ako sa pagoobserba nang mapansin kong nakatingin samin o sakin ang mga tao. Hindi naman lahat siguro.
"I told you, mapapansin ka talaga hindi lang dahil sa suot mo kundi dahil bago ka sa paningin nila." bulong niya nang nakangiti parin.
Nailang ako dahil sa mga titig nila, dahil hindi lang pagtataka ang nasa mga mata kundi pati na rin inis."Coleen! Gorgeous Coleen..." open arms na lumapit ang isang may katandaan nang lalaki. Umabante nang bahagya ang tinawag niya para salubungin ang yakap nito.
"Tito, ang napakagwapo kong ninong." ganting pagbati ni Coleen sa isang mukhang mayaman at natigilan siya nang nakita ako. Dahilan para makakalas siya sa yakap nila.
Napansin iyon ni Coleen at ipinakilala ako."Tito, si Selena po anak ng family friend. She's new dito sa Masigla so I brought her here to make friends." at mukhang pasado naman sa kanya ang sinabi ni Sarah.
Nagpatuloy ang programa at nagkaroon ng awarding sa mga nanalo sa mga patimpalak ng Masigla, kaya ibig sabihin, ito na ang pagtatapos ng piesta.
Nababagot na ako dahil panay hiyawan lamang ang naririnig ko, tuwa ng mga taong suportado sa mga nanalong kalahok.
Hindi ako nakakasabay.Teka, kayang icontact 'tong sim card na' to si Lance?
Susubukan ko siyang tawagan pero mas mainam na lumabas ako nang hindi niya marinig ang ingay sakaling sagutin niya, tsaka ayokong isipin niya na nasa bar ako kahit hindi naman.
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
General FictionCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...