A/N: Bibigyan ko kayo ng POV ni Coleen. Para naman di kayo maumay kay CJ at Selena.
Tsaka para malift manlang nung bigat ng mga pangyayari. Hahaha.Comment lang kayo para mashout-out at madedicate ko kayo.
Enjoy!
_______________________________________Coleen's POV
"Ikaw na." bulong ko sa bebe ko.
"Best friend ka diba." sagot naman niya.
"Pinsan ka diba." ganti ko.
"Mico, ikaw na." pagpasa niya sa busy sa paglalaro.
"Tigilan niyo ko ha, ginawa niyo na nga akong chaperone tapos ipapakain niyo pa ako sa dragon? Grabe naman kayo." arte niya.
Busy kaming nagtatalo ngayon kung sino ang mamimilit jay CJ na kumain. Dalawang araw na noong umalis si mareng Selena at dalawang araw na ding hindi kumakain ang best friend ko. Dalawang maghapon, magdamag kaming nandito sa tambayan. Baka kasi magpakamatay 'to. Joke.
Ayaw niya kasing umuwi dahil magtatanong lang daw ang mga bata.
Bilang mga kaibigan niya, dapat huwag naming iparamdam na magisa siya.Best friend nga pala ako hehe. Sabi ko nga ako na eh.
"Ako na nga lang." sabi ko.
Kumuha ako ng pagkain sa lamesa at naglakas loob akong kumatok sa nagiisang kwarto dito sa tambayan.
Kung saan kami natutulog? Tabi-tabi kaming tatlo sa pulled bed ng sofa.Hindi ko na siya mahintay na pagbuksan niya ako ng pinto, bukod doon ay nangangawit na ako sa bitbit kong pagkain kaya pumasok nalang ako.
Natutulog yata siya.
Nilapag ko ang tray ng pagkain sa side table tsaka ako umupo sa kama kung saan siya nakahiga."CJ... kain ka na." sabi ko sa mahinang boses. Abah, mahirap mabugaan ng apoy. Chaaaarrr.
"CJ, alam kung gising ka. Kumain ka na, nagtatanong na mga anak mo." paalala ko.Sa sitwasyon ngayon ng kaibigan ko, tila naiisip ko na tama kaya na nagparaya ako? Tama bang hinayaan ko siyang magmahal ng iba?
Wala padin siyang imik.
"Alam mo, naisip ko minsan. Sana hindi nalang ako nagparaya noh edi hindi ka sana ganyan ngayon." pagsimula ko.
Naramdaman ko ang paguga ng kama sa pagbangon niya.Buti naman at pinansin din ako.
"Coleen, don't you love my cousin? Bakit mo sinasabi yan?" tanong niya.
Echosera 'to. Kdrama yarn?
"Mahal. 'To naman. What if lang. Hindi porket broken ka eh hihiwalayan ko ang maylabs ko. Buti nga sayo eh, may pa first-love never dies ka pa kasing nalalaman." dahil sa sinabi ko ay napatawa siya.
Sa 2 years este 2 days na nakalipas ay ngayon lang kita ulit nakitang nakangiti.
"Salamat ha, krengkreng." tukso niya.
Dahil sa paggamit niya ng napakabahong nickname ko nung bata pa kami, sinuntok ko siya sa balikat kaya napatawa ulit siya."Hahaha, matanda ka na napipikon ka padin." tukso ulit niya. Nakuuuu kung wala ka lang pinagdadaanan baka naifold na kita in 1/8.
"Kumain ka na. Nahiya naman ako, mas matanda ka nga eh."
Hindi ako umalis kahit nang magsimula na siyang kumain.
Pangalawang subo tsaka niya inabot sakin ang plato niya."Krengkreng, bakit 'di niya ako pinili? Bakit ganun nalang kadali sakanya na baliwalain ako?" tanong niya.
Bakit nga ba, Selena?
"Siguro kasi hindi ka niya maalala. Pero ang sabi nila, makalimut man ang utak, hindi ang puso." sagot ko.
"Coleen, bakit ganun? Bakit pakiramdam ko hindi na siya SI Lorraine." sabi niya sa mahina na boses.
Hinagod ko ang kanyang likod para damayan siya.
"Marahil kailangan muna niyang buoin ang sarili niya bago mabuo ang ala-ala niya."
_______________________________________
A/N:
Kung nagugulohan kayo sa intro ng mga chapters, I'll explain.
Yung italized intros ay scenario from the past. Nagbibigay clue yun sa inyo para mastitch ang story line. Yung mga unitalized intros, nangyayari yun from the other side of the story. Third person's point of view yun.Sana nagets niyo hahaha.
Ingat mga idolo!
BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Fiksi UmumCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...