Ken P.O.V
Nagtataka ako kung bakit sa simbahan ba kami pupunta o sa bahay ampunan ? Aish ! Di ko alam. May nabanggit kasi silang Sister Grace diba ? Malay ko kung madre or what yun.
"Hoy Ken ! Kanina pa kita tinatawag." Biglang bumalandra sa harapan ko si sheena. Anlapit nya masyado pano ko magsasalita ? Mulang napansin nya yun kaya naman medyo lumayo sya. Nakatitig lang ako sa kanya. Anong sabi nya ulit ? Di ko kasi narinig e.
"Huh ?" Nagtatakang tanong ko.
"Hayss.. Ang sabi ko sumakay kana. Suotin mo yung helmet na blue dyan. Dont worry di naman yun mukang pambabae. Ayoko ng mga ganun e" sabi nya bago sumakay sa motor. Kaya naman napangiti at sumakay na din ako tapos sinoot ko na yung helmet. Di nga sya mukang pambabae.
"Ken kumapit ka" Sabi nya kaya naman bigla akong kinabahan. Takte ! Kakapit ? Teka teka. Anong problema ken ? Kakapit ka lang naman para di ka malaglag ! Wala ng iba ! Wag kang mag isip ng kung ano. Leche -.-
"Hoy Ken ! Naaning ka na ba ? Nag i space out ka ? Okey ka lang ?" Mababakas ang pag aalala sa muka nya. Di naman kami close diba ?
"A--ah.. O-okey lang ako. Teka Larah. Okey lang ba na Kumapit ako sayo ?" Nauutal na sabi ko. Kaya lang nagulat ako ng bigla syang humagikgik. Para bang pigil na pigil ang tawa nya. Nakita ko yun sa side mirror. Tiningnan ko sya ng nagtataka. Ano naman kasing nakakatawa sa tanong ko ? Nagpapaka gentleman na nga yung tao e. Wengya naman oh.
"Seriously ken ? Tinatanong mo ko nyan ? Haha Oo naman. Pwede kang kumapit sakin. Mamaya mahulog ka dyan ako pa may kasalanan." Sabi nya habang nagpipigil parin ng tawa. Okey di nya siguro ina asahan ang tanong ko. Pina andar na nya ang motor. Di naman ganun kabilis kaya sa likod nalang ako kumapit. Kaya ko naman e. Tsaka ambaklang aminin pero nahihiya ako. Oo nahihiya ako. Kamusta naman yun diba ?
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess<3
General Fiction5 Hot Gangsters Vs 5 Gangster Princesses. Anong mangyayare kung pagtagpuin sila?