Chapter 56

1.1K 23 0
                                    

Brent P.O.V

Ni hindi manlang ako kinabahan kahit na alam kong posible ngang matalo ko sila ngunit imposibleng matapos to ng hindi masusugatani manlang. Tsk! May mga armas sila at tanging malalambot na kamay ko lang ang gamit ko.

Hindi ako pwedeng mabangasan! Baka totohanin ni Love na makipag break sakin. Mapatay ko pa tong mga to -___-

Mas sumama ang tingin sakin ni Jonas na para bang ilang beses na nya kong pinatay sa isip nya. Tsk tsk. Hanggang isip mo lang ako kayang patumbahin gago! Asa ka pang matapatan mo ko? Eh height ko pa nga lang imposible mo ng matapatan. (Insert Evil smirk here)

"Oh bakit ganyan ka makatingin?' Pang asar na sabi ko sa kanya. "Hindi mo ko mapapatumba kung titingnan mo lang ako. Tsk tsk."

Kita ko ang pang gigigil nyang kalabitin ang hawak nyang baril. Pero bago mangyari yun ay sinipa ko na ang kamay nya dahilan para mabitawan nya ang baril. Naging dahilan naman yun para sumugod sakin ang mga alalay nya ng sabay sabay.

Love P.O.V

Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Pinagtutulungan nila si bi ko. Pero hindi naman ako nag aalala gaano dahil alam kong kaya nya.

Hell! He's rank two after all.

Medyo malapit sakin ang baril na humagis noong sinipa ni brent ang kamay ni Jonas. Tinitigan ko lang yun. Wala akong balak mangealam. Gusto ko ding makita kung hanggang saan ang kakayan ng isang brent han.

Gusto kong malaman kung kaya nya bang ipagtanggol ang sarili nya kahit wala ako. Batid kong mas malakas ako sa kanya.

Prenteng akong nakaupo sa ilalim ng punong to habang seryosong nanonood ng laban nila. Tuloy ay parang gusto kong makisali. Na miss kong manapak,manipa, at mambalibag. Tagal ko ng walang ensayo. Feeling ko ay nabawasan ang kakayahan at lakas ko.

"Hindi ako mangengelam unless they hurt my bi."

Tinanaw ko si bi na ngayon ay walang kapawis pawis na pinapatumba yung mga bata ni Jonas.

Napangiti ako.

"Thats my bi" Gusto ko syang i cheer kaso baka pag nilingon nanaman nya ako ay matamaan nanaman sya.

Swabeng nakakaikot sya sa ere kasabay ng pagsipa. Tumitilapon ang mga kalaban sa sipang natatanggap nila.

Sa sobrang wili ko sa panonood sa kanila ay hindi ko napansing nasa likod ko na pala so Jonas habang hawak ang baril na ngayon ay nakatutok sa sintido ko.

"Real desperate. Tsk tsk."

"BRENT HAN!" tawag nya sa pansin ni bi kaya naman napatigil sya sa pag atake at nilingon si Jonas. Kita ko ang biglang pamumutla nya.

Balak nyang lumapit sa pwesto namin pipigilan kona sana sya at sasabihing kayang kaya ko ang duwag na si Jonas.. Kaso biglang may pumalo ng baseball bat sa Likod nya dahilan para matumba sya. Batid kong napakalakas nun.

Damn! Nagdilim ang paningin ko ng makitang dumura ng dugo si brent.

King ina! King ina! King ina!

Bago ko pa mapigilan ang galit ko. Ay nakita ko nalang ang sarili kong hinatak ang braso ni Jonas at tsaka ko sya binalibag. Gulat at sakit ang bumalatay sa muka nya.

My Gangster Princess<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon